Nanatili ang isip ko kay Roni hanggang ngayon na nakauwi na kami. Nandito pa rin naman ako sa bahay nila Yuan. Naglalaro kami sa kwarto niya ng playstation niya. Ang isip ko nandoon parin kay Roni!.
Ang tanga ko talaga! Bakit ko natanong kay Roni 'yon? Alam ko na hindi pa handa 'yong tao eh! SHUTA! Hindi ako nag-iisip! Malamang hindi talaga sasagutin ni Roni 'yon! Fuck shit!
"Oh, lalim ng iniisip mo ah?" Tanong ni Yuan.
Umiling ako. "Wala."
"Pare ang saya pala talaga doon sa school nila Byran no?" Tanong niya.
Tumingin ako sa kanya. I sighed.
"Medyo."
"Anong medyo lang? Sobra 'yon! At ang saya bumalik ulit doon next time no?" Sabi pa niya sabay tawa.
Tumango lang ako. "Siguro."
"Pag inimbita ulit tayo, aba! Babalik ulit ako." Ngumisi siya.
I sighed.
"At hindi ko na isasama si Roni." Dagdag pa niya.
Naalis sa isip ko bigla si Roni dahil sa tanong niya. Nilingon ko siya.
"Huh? Bakit naman?"
"Ang kj no'n eh! Boring kasama 'yon!" Sagot niya.
"Hindi naman ah?" Napatingin siya sa akin dahil sa sagot ko.
"Anong hindi? Kanina nga diba hindi siya naglaro? Hay nako Borj, sobrang kj no'n sa totoo lang." Ani niya.
"Yuan, hindi kj si Roni. Hindi lang siya naglaro kanina kasi dahil sa suot niya diba?" Agap ko.
"Ha? Alam mo, kahit gan'on ang suot, pwede naman maglaro eh! Kj lang talaga 'yon pare," Sumbat niya.
Pailing-iling nalang akong sumang-ayon sa kanya. Wala rin naman akong magagawa pag sinasabi niya 'yon eh.
"Pare hindi ko talaga alam kung bakit naging kapatid ko pa si Roni eh."
Nilingon ko siya na pailing-iling ring naglalaro sa playstation niya. Napaangat ang ulo ko.
"Huh?"
"Kasi boring siya maging kapatid." Sagot niya. "Sana talaga, lalaki nalang din naging kapatid ko eh."
"Eh, bakit mo naman sinasabi 'yan?" Walang ganang tanong ko.
"Eh pano ba naman, wala akong kalaro eh. At hindi nakikisabay sa mga trip ko." Reklamo niya.
Tumawa ako. "Pare, kaya nga ako nandito eh 'diba? Nandito naman ako ah. Kaya nga best friend tayo." Tawang saad ko.
Lumingon siya sa akin at inakbayan ako. "Kaya nga eh. Kaya nga sana, ikaw nalang ang naging kapatid ko. Hindi si Roni." Agap niya.
Tinanggal ko ang kamay niya. "Eh pano ba 'yan kung ayaw ko na maging kapatid kita?" Pabiro kong asar.
Inakbayan niya ulit ako. "Eh di si Tonsi nalang. Para may kasama naman ako at may kalaro 'diba." Ngumisi siya.
I smirked. "Eh kung sa'yo si Tonsi, akin nalang si Roni."
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Ano naman ang gagawin mo kay Roni? Gagawin mo ring kapatid?" Tumawa siya. "Boring 'yon eh."
Hindi kapatid Yuan, kungdi isang girlfriend. Mabait si Roni at walang masama pag gan'on.
"Aba syempre! Pwede ko maging kapatid si Roni! Mabait naman siya eh. Magpapatulong ako sa kanya sa assignments ko kasi matalino. At higit sa lahat, araw-araw maging malinis ang bahay namin." Pang-aasar ko.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
DiversosAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...