Magulo ang isip ko ngayon. Maliban sa mga iniisip ko kay Byran, naiisip ko rin ang sinabi ni Borj sa akin no'ng isang araw. Hindi ko alam ano ang isasagot ko eh. Gusto ko siya pero nag-aalala ako kung baka ano ang mang-yayari. Bakit hindi nalang muna niya sabihin kay Kuya ang totoo bago sabihin sa akin 'yon? Pero kahit na, gusto ko sabihin na oo ang isasagot ko sa tanong niyang iyon.
Medyo masungit ako ngayon sa kanya dahil ayoko na magtaka si Kuya sa amin. Pero kakausapin ko parin siya. Sasagutin ko ang tanong niya pag nakapag isip na ako.
"Kawawa naman si Byran." Sabi ni Jelai sa harapan ko ngayon.
Nandito kami sa bakuran ng bahay namin. Nag-uusap. Na kwento ko sa kanya ang mga nangyayari kay Byran kahapon. Hindi naman ako naniniwala doon eh. Wala rin naman kasing proof na nag cheat talaga siya. At higit sa lahat, napagbintangan lang siya. Hindi niya magagawa yon!
"So, ano na ang mangyayari kay Byran niyan?" Tanong pa niya.
I sighed. "Hindi ko alam sis eh. Pero hindi naman siguro magagawa ni Byran 'yon." Ani ko.
"I know." Sagot niya. "Pati ako hindi ako naniniwala na gagawin niya 'yon."
"Hay nako, ang daming problema. Hindi naman dapat ako namomoblema nito pero naapektuhan lang ako." Ani ko.
"Syempre kaibigan natin siya eh." Sabi niya. "Pati nga ako, naapektuhan rin."
"Hay nako Jelai, ang hirap ng sitwasyon ni Byran no?" Sabi ko sa kanya.
Nilingon ko siya at nakita ko na tumatango siya. "Sinabi mo pa!"
Isang kotse ang narinig naming pumarada mula sa labas ng bahay namin. Napalingon kaming dalawa ni Jelai doon at agad kaming napatayo nang makita naming kotse iyon nila Trisha. Tumakbo kami para sumalubong.
Biglang lumabas si Byran mula sa loob kaya gan'on nalang ang ngiti ko nang makita ko siya na parang hindi masaya.
"Oy! Byran! Buti naman pumunta ka rito!" Bati ni Jelai.
"Oo nga Bryan, kamusta ka?" I asked.
He smiled a little. "Si Tita?" He asked. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya.
I nood and agreed. "Nandoon sila sa loob." I smiled.
He nood. "Okay, kausapin ko lang." Sabi niya.
Naglakad siya papasok sa loob ng bahay namin, sumunod naman din kami ni Jelai sa kanya.
Pagpasok namin ay bumungad agad si Mommy kasama si Daddy na nag-uusap sa sala.
Napangat ang ulo ni Mommy nang makita niya si Byran at dali dali rin siyang lumapit rito.
"Oh, Byran? Are you okay?" Bati niyang tanong. Byran smiled a bit.
"Maupo ka muna, iho." Sabi naman ni Daddy sa kanya.
Umupo siya sa sofa kasama si Mommy. Umupo naman din kami ni Jelai sa magkabilang sofa. Nandoon din si Daddy sa harapan namin na umiinom ng juice.
"Byran, alam mo bang nag-aalala ako sa'yo?" Malumay ang mga mata ni Mommy na nakatingin kay Byran.
"Kumusta ka na, iho?" Tanong ni Daddy.
Kumibot ang labi ni Byran at ngumiti siya. "Eto po, mamatay na."
"Ha? Anong mamamatay??" Takang bulalas ni Daddy. Inilapag niya ang baso at lumapit siya sa tabi ni Byran saka umupo.
"Byran, don't say that." Agap ni Mommy.
"Oo nga naman Byran." Agap ko naman.
Tumingin si Bryan sa amin. Ngumiti siya saka napayuko.
"Okay ka lang?" Daddy asked him. Hinawakan ni Daddy ang balikat niya.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...