46: STEP[DAD] (Broj Jimenez POV)

161 12 0
                                    

Masaya akong naglalakad papunta sa bahay ngayon. Buti pumayag si Roni na liligawan ko siya. Pero ang problema lang, kailangan ko muna sabihin kay Yuan para makuha ko permission nila. Sana talaga hindi magagalit si Yuan sa akin pag sinabi ko sa kanya.

"Lola, ah—"

Pagbukas ko nang pinto ng bahay namin, bumungad sa akin si Tonsi na may kausap sa cellphone niya. Hay nako, muntik na magtampo si Roni sa akin kanina dahil sa ginawa niya eh. Buti nalang talaga napaliwanag ko agad.

About din naman kay Byran, hindi ako masaya naawa din ako sa nangyari sa kanya. Pero, kasalanan rin naman niya kung bakit nangyari sa kanya 'yon eh.

"Tulog na sila." Sagot ni Tonsi.

"Sino 'yan?" I asked.

"Si Mommy." Sagot niya. "Gusto mo rin bang kausapin?"

Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Umabot pa ng ilang segundo bago ko kunin 'yon at sinagot si Mommy sa tawag.

"Hello po?"

"Uy Borj! Masaya bang kasama ang kapatid mo diyan?" Tuwang sabi niya.

Nilingon ko si Tonsi. Hindi man lang ako magawang kamustahin!

"Oo naman po."

"Ahh buti naman, you know what? Pupunta rin ako diyan bukas."

"Ohh? Talaga?" Maliit na ngiti lang ang lumabas sa labi ko.

"Oo naman! hindi kailangan na wala ako sa death anniversary ng Daddy mo," Tuwang saad niya.

"Ah eh di, mabuti po."

"Oo. Para ma meet mo na rin ang stepdad mo." Sabi pa niya

Kumunot ang noo ko. Did i hear her right? Stepdad? Anong pinagsasabi niya?!

"Ha?? Stepdad?"

"Ay hindi mo pa pala—"

Bigla nalang kinuha ni Tonsi sa akin ang cellphone niya.

"Ah sige Mommy, lowbat na po ako eh. Goodbye po!" Agap ni Tonsi at binaba na niya agad ang tawag.

"Hindi pa ako tapos." Galit kong saad.

Tumingin siya sa akin. "Sige Kuya, matutulog na ako—"

"Teyka nga!" Hinila ko siya. "Ano 'yong  sinasabi ni Mommy?! Anong stepdad, ha?" Irita kong tanong.

Hindi siya sumagot.

"Hoy, kinakausap kita." Sumbat ko.

Tahimik parin siya na nakatingin sa akin.

"Tonsi, sumagot ka! Ano ba 'yon?!"

"Kuya, inaantok na ako." Tanging sabi niya at akmang aalis na sana.

"Ano ba!" Hinila ko ulit siya. "Sagutin mo muna ako!"

"Bukas nalang. Inaantok na talaga ako eh." Sabi niya.

"Ayoko nang bukas! Sagutin mo nalang ako! Ano ba kasi 'yon!" Mariin kong tanong.

"Hindi pwede," tanging sabi niya.

"Anong hindi pwede? Ha! Bakit ba kayo magtatago ng sekreto sa akin? Kuya mo naman ako eh! Dapat alam ko rin ang mga sekreto niyo!" Galit kong sigaw.

"Kuya, hindi ka matutuwa pag sinabi ko." He said seriously.

"Pinagsasabi mo??"

"I warning you. Hindi ka talaga matutuwa pag nalaman mo. Kaya mas mabuting huwag mo nalang alamin." Saad niya pa sa seryosong tinig.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now