47: DEATH ANNIVERSARY (Roni Salcedo POV)

286 15 0
                                    

Araw ng death anniversary ng Daddy ni Borj ngayon. Maagang nagtipon ang pamilya Jimenez sa libing ng Daddy ni Borj.

Tungkol kay Byran, tumawag siya kay Mommy kaninang madaling umaga. Nag-paalam na siya sa amin, pumunta na siya sa States. I'm happy for him naman kasi tama si Borj, nakakabuti para sa kanya ang nandoon nalang. Nabalitaan ko nga na umiiyak si Trisha nang maka-alis si Byran eh. Well, if ever ako ang kapatid niya, iiyak rin siguro ako kasi mabait siya na Kuya eh!

About rin naman kay Tonsi, sinabi ko kay Mommy na siya pala ang nagsumbong no'n. Okay lang naman sa kanila, sabi ni Mommy okay nga raw 'yon eh kasi nagkaroon raw ng lecture si Byran at natuto siya sa pag c-cheat niya.

Kanina pa kami dumating dito sa sementeryo para i-celebrate ang anniversary sa Daddy ni Borj sa pagkamatay nito, kasama narin kami nila Kuya at pamilya nila Jelai. Kanina ko pa din napapansin, hindi ko nakikita si Borj.

Malaki rin ang ngiti ni Mommy kanina nang makita niya si Tita Kristen. Hindi ko rin maiwasan na hindi malingon ng paningin ko ang kasama ni Tita Kristen na hindi namin kakilala. Ang alam ko ay 'yon daw ang asawa ni Tita Kristen ngayon. Nagulat nga ako eh. Bumalik pala kahapon si Tita Kristen, nakakatuwa! Sa loob nang ilang taon niya sa Italy ay nakauwi talaga siya at hindi niya pinalampas ang death anniversary ni Tito Stefano. Kamusta kaya si Borj? Ano kaya ang reaksiyon niya nang makita si Tita Kristen? Ang alam ko kasi ay gusto na rin makita ni Borj si Tita noon pa, siguro natutuwa siya ngayon. Pero, nasaan ba siya?

Si Tonsi lang ang nakikita ko ngayon, hindi ko nakita si Borj.

Nauna nang ganapin ang misa at pagkatapos no'n ay meron ring konting handaan bilang pag celebrate ng death anniversary ni Tito Stefano.

Nag-uusap sila Mommy kasama sila Tita Kristen pero hindi ko parin makita si Borj hanggang ngayon. Hinahanap siya ng paningin ko kanina pa.

Pressure para sa akin ang manatili nalang dito sa pwesto ko dahil halos lahat ng naririto ay angkan ng mga Jimenez. At hindi ko pa naman medyo ka close ang mga pinsan niya at mga kamag-anak ni Borj.

"Jelai, napapansin mo ba si Borj?" Bulong ko kay Jelai dahil katabi ko lang naman din siya.

Umikot ang paningin ni Jelai sa buong paligid. "Hindi nga eh. Nasaan ba 'yon?" Bulong niya sa akin pabalik.

"Hindi ko rin alam."

"Ah sis, doon muna kami ni JunJun ah? Kakain lang kami." Sabi niya.

"O sige!"

"Ikaw, hindi ka ba kakain?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na." Sagot ko.

"Hmp, si Borj na naman hihintayin mo no?" Asar niya.

"Syempre!" Diretsong sagot ko. "Sige na Jelai, kumain na kayo doon!"

Umalis naman agad sila sa pwesto ko. Nakita ko rin si Kuya na kumakain kaya lumapit ako sa kanya.

"Kuya, nasaan best friend mo?" Asar kong tanong.

"Huh? Sino?"

I rolled my eyes. "Sino pa ba? Eh di si Borj!"

"Ahh 'yon? Ewan ko, baka nandiyan lang sa tabi-tabi." Sabi niya. Abala siya sa pagkain.

"Kanina ko pa siya hindi nakikita eh." Ani ko.

"Hayaan mo na 'yon! Makikita mo rin 'yon mamaya." Tumawa siya.

Tsk! Hindi pwede! Gusto ko siya makita ngayon!

"Oh, Tonsi! Tonsi!"

Nagulat nalang ako kasi tinawag ni Kuya si Tonsi mula sa malayo. Tila narinig naman ata ni Tonsi 'yong pagtawag dahil lumapit naman siya sa amin.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now