"Yuan ano ba ang ginawa mo? Sinira mo ang okasyon sa Daddy ni Borj!" Sumbat ni Daddy nang maka-uwi na kami sa bahay.
Walang ganang umupo si Kuya sa sofa namin.
"Manloloko siya!" Sabi niya.
"Yuan, hindi naman sa nanunumbat o ano pero, bakit mo ginawa kay Borj 'yo?! Ha? Sana naman Yuan mauunawaan mo naman na kaibigan mo si Borj 'diba?" Sabi ni Mommy. "Bakit mo sinuntok ang best friend mo?"
"Mommy, wala akong ginawa." Sabi pa ni Kuya. "Wala akong kasalanan."
"Ano? Wala kang ginawa? Sinuntok mo si Borj sa harap ng mga kamag-anak niya, pinahiya mo siya! Hindi ka na naawa sa kanya! Tapos sasabihin mo na wala kang ginawa?" Agap ni Mommy sa mariing boses.
"Eh kasalanan naman niya eh. Sinungaling siya! Manloloko! Traydor!"
"Kuya, ganyan na ba kakitid ang utak mo? Ha? Nagawa mong gawin kay Borj 'yon?"
"At bakit ba Roni? Bakit ba kinakampihan mo siya? Diba nga dapat magalit ka kasi liligawan ka niya??!" Sumbat niya.
"Yan tayo eh! Diyan ka napikon! Sa pagliligaw ni Borj!" Sabat ni Mommy.
"Mali kasi 'yon traydor siya!" Sabi ni Kuya.
"At sa tingin mo ba hindi mali ang ginagawa mo?" Daddy asked. "Yuan, in fact na sinuntok mo siya at pinaiyak mo, mali na agad 'yon."
Naiinis na tumayo si Kuya at mariin niya kaming tiningnan.
"Bakit niyo ba kinakampihan si Borj? Daddy, liligawan niya si Roni, mali 'yon 'diba?" Sabi niya.
Daddy took a deep breath. "Oo mali 'yon pero sana hindi mo ginawa kay Borj 'yon. Kaibigan mo siya 'diba? At kung manliligaw nga talaga si Borj kay Roni, eh di hayaan mo siya. Hayaan mo siyang ipakita ang nararamdaman niya." Sabi ni Daddy. Napangiti ako sa sinabi ni Daddy.
Hindi naman din kasi strict ang parents ko pagdating sa mga ligawan at pag-ibig na 'yan. lagi nga sinasabi sa akin nila Mommy na enjoy-in ko lang daw ang pagiging dalaga ko eh. Masaya ako kasi hinahayaan lang nila ako sa mga gusto ko pero hindi ko naman din inaabuso 'yon. Support sila sa akin. Si Kuya lang talaga ang naiiba. Para siyang Daddy ko kung manumbat at magbantay sa akin. Oo naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganyan alam ko na para lang sa akin 'yon pero sobra na kasi. Unfair din kasi na papayagan ako ng mga parents ko na magpaligaw at magkaroon ng boyfriend pero 'yong Kuya ko, hindi? Unfair 'yon. Tapos pag si Kuya naman, okay lang sa kanya. I want to experience new things. Gusto kong ma experience ulit kung ano ang pakiramdam na may nagmamahal at iyong may minamahal ka. Iyong feeling na may special someone sa buhay mo. Iba rin kasi ang family sa love life. Mas mahalaga ang pamilya pero mas masaya naman ang love life. Hindi ako atat, handa lang ako. Handa na akong mag commit ulit. Handa na ako kay Borj.
Alam ko na naging bad ang experience ko sa first boyfriend ko pero malay mo sa second maging maayos na diba? ayos na rin ako eh. Handa na akong mainlove ulit at umikot ang mundo sa isang tao. Okay na ako, at patuloy pa ring magiging maayos ang puso ko pag si Borj ang kasama ko na ayusin 'to. Pero sana naman ibigay ni Kuya sa akin 'yon. Kuya ko kasi siya eh alam ko na dapat lang na magkaganito siya dahil Kuya ko siya. Pero baka nakakalimutan niya na hindi na ako bata, may sarili na akong katinuan. Hindi na ako baby!
"Kanina, kinausap kami ni Borj, nagpa-alam siya sa amin na liligawan niya si Roni. Pumayag kami, kasi wala namang problema. Si Borj lang naman 'yon. Kaibigan ni Roni 'yon. Nag-paalam siya nang mabuti sa amin, pumunta siya sa inyo para mag-paalam din sa'yo pero sinuntok mo siya, bakit? Ha?" Dugtong ni Daddy.
"Traydor 'yon, Daddy!"
"Hindi mo siya kailangang suntukin Yuan. Pwede namang pag-usapan. Pero dahil sa galit mo, sinuntok mo siya. Hindi mo napigilan ang sarili mo! At alam mo bang mali ang ginawa mo? Bakit hindi mo nalang siya hayaan?!" Sabi pa ni Daddy.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...