As the years passed, Wolves and Vampires already broke the rules.The vampires entered the North while the Wolves settled in the West, and that is the reason why everything was more chaotic.
A rich family adopt me and brought me to West, Where vampires live, at the west Castle.
"Is this the new latest blood wine?" Tanong saakin ni Arielle, Naka upo ako sa harapan ng bar tender. Narito lang naman kami sa drinking area ng Castle.
"I don't know, Ang pag kakaalam ko umiinom lang kami rito, Hindi ba?" Sagot naman ni Celeste saka siniko naman ako.
"Oo, Wala naman saamin kung bago o luma" Sagot ko naman pabalik. Napatingin ako sa lalaking tumutugtog sa piano, Kanina pa kasi nito naagaw ang atensyon ko.
"Naiibigan mo ba ang lalaking iyan?" Napalingon naman kaagad kay Arielle ng marinig ko ang sabihin nito.
"Hindi noh, Nagagalingan lamang ako sakaniyang pag tutog" Pag tatanggi ko rito.
"Nagagalingan o Naiibigan?" Hindi pa nga natigil si Arielle sa pang aasar, Inirapan ko na lamang ito bago pinagmasdan muli ang lalaking tumutugtog ng piano, Nakasuot ito ng maskara, Ganun rin naman kami dahil sa loob ng Castillo patakaran ang suotin ang maskara upang hindi makita ang ating mga mukha, maari mo lang itong tanggalin sa tuwing ika'y nasa iyong silid.
Maya-maya natapos na sa pag tugtog ang lalaki kung kaya't kaagad naman itong tumayo at yumuko saamin bago umalis. Hinabol ng mga mata ko kung saan ito pupunta kung kaya't nawala ang mga ngiti saaking labi.
"Kanina'y tumatanggi saatin itong si Leihra na hindi niya tipo ang lalaking iyon ngunit, bakit nawala ang iyong mga ngiti binibini?" Natatawang tanong saakin ni Arielle. Kaagad ko naman silang siniko dahil nahihiya ako sa sinabi nito.
"Matigil ka nga Arielle, Nalulumbay lamang ako marahil kaagad niyang tinapos ang pag tugtog." Pag tatanggi ko sa sinabi nito.
"Uhah! Kilalang kilala kita Leihra, Alam na alam ko kapag ika'y may natitipuhan... Na para bang kuminikinang ang iyong mga mata sa tuwing tititigan mo ito" Pambabara naman saakin ni Celeste. Napa iling nalang ako bago ibinaba ang blood wine na hawak saka tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" Biglang pag tanong ng dalawa.
"Pupunta sa aking silid."
"At bakit?"
"Dahil gusto ko?" Matapos kong sabihin iyon ay kaagad ko na silang tinalikuran. Dire-diretso na nga akong nag lakad patungo sa kwarto ko, ngunit nakita ko yung lalaking nag tutugtog nung piano na lumabas mula sa isang silid at may hawak rin itong maliit na sulatan at inilagay sa kaniyang bulsa.
Sandali. Silid iyon ni youngbin diba?
Bakit siya nang galing roon?, At bakit niya hawak ang sulatan ni Youngbin??
YOU ARE READING
Midnight Wish
VampireIs a tale of vampire and wolf who fall in love, but their relationship happens at the wrong moment and in a chaotic world. What if fate intervenes to prevent them from becoming together?