CHAPTER 38: choose wisely
CLARA'S POINT OF VIEW
Gulong gulo na kami sa kakaisip kung sino ang mas lamang at dapat na paniwalaan namin. Sobrang sama pa ng loob ko na tila ay gusto ko na lang sumuko. I can't breath anymore sa tuwing iniisip ko na wala lang pala lahat.I want to trust Clyde that bad pero siya mismo, he knows and admitted to me na ginamit niya lang ako dahil kung hindi ay itatangi niya yon and Huerta? He killed Clyde's father for the power and throne that he wants. We don't know who we will trust in this place. God, please help us.
"Huerta has plans, kung kayo ay darating sa lugar na pinagusapan ninyo na kung saan ay tatakas kayo ay doon niya kayo papatayin at lalo ka na Clara upang maangkin ang kapangyarihan na mayroon ka. Si Prinsipe Clyde, may kailangan siyang ayusin ngayon sa hall at siya mismo ang nagutos na dalhin kayo sa lumang lagusan." Hindi ko na alam kung dapat pa ba kaming maniwala. Paano kami magtitiwala? kung sinira na nila.
"Prinsesa, kailangan niyo ng sumunod dahil sa oras na matatapos ang Prinsipe sa pagsasalita ay panigurado na ipapahanap kayo ni Huerta. Tumatakbo ang oras.." muling pagpapaala nito na agad ay hindi na namin na tangihan at mas piniling sundan ito. May sumusunod sa amin na mga bantay, at inaamin ko ay kinakabahan na ako baka ay mali na naman ang pinili namin.
"Dalian niyo." Muling utos ng matanda sa amin.
Sa ilang minuto na pagmamadali sa paglalakad ay dumating kami sa isang lagusan, halatang lumang luma at hindi na nagagamit dahil sa alikabok na nakadikit dito.
Tiningnan lang namin ang matanda at nagiging mas mapagmasid sa paligid dahil baka kahit anong oras ay may aatake sa amin. Nagsimula na itong magsalita ng isang bagay na hindi namin maintindihan na tila a nagdadasal ito ng kung ano.
"Do we really need to trust this old woman??" Pagpapaalala ni Brielle sa amin. "Let's trust her, Bri. Andidito na tayo." Pagsasalita ni Gavin.
After a few minutes of saying a chant ay nagbukas ang isang lagusan, nakita namin ang mga ilaw dito. City lights. Ang hangin na napaka-sariwa. Ito na talaga ang mundo namin!
"Pumasok na kayo." Umalis sa pagkakaharang ang matanda at gumilid, kita naman namin na gustong gusto na nito ni Sabrina na siya na ang mauna kaya ay agad na hinawakan si Sabrina ng isang lalaking demonyo na tila ay lilipad na naman sila na parang ibon.
Binuhat nito si Sabrina at noong oras na magtatangka na sana ito para pumasok ay biglang may naghihingalong Ayah ang lumapit samin.
"Ayah Glor! Sandali, kailangan ho ng tulong ng Prinsipe!" Sa narinig namin ng matanda pati na rin ako ay nataranta kaming parehas. Anong kailangan ng tulong? Anong ngyayari?!?!
"Anong ngyari? Wala bang kasama ang Prinsipe?!" Tumaas na ang tono ng matanda sa Ayah na nagbabalita dito. Makikita natin talaga kung gano nito ka mahal si Clyde. Hindi niya ito kayang iwanan sa mga bagay bagay.
"Ayah Glor tila ay bumabaliktad ang sitwasyon. Pinaniniwalaan na ng lahat ay si Huerta! Walang kasama ang Prinsipe kundi ang sarili!" Sa narinig naming iyon ay parehas kaming kinabahan.
"Pumasok na kayo! Kailangan ko muna kayong makita na pumasok bago ako aalis! Dalian niyo at kailangan ko tulungan ang Prinsipe!"
Sa mga oras na ito ay napapaisip na ako, papasok ba ako? O hindi? May isang enerhiya na tila ay hinihila ako pabalik sa loob. Something is isn't right.
"Pumasok na kayo!" Muling pagpapaalala ng matanda.
"Clara, Tara na!" Hinihila na ako ng kuya na kasabay siyang papasok sa loob pero pinipigilan ko ang sarili ko na sumama rito. "Clara, andito na tayo! Huwag mo sabihin na babalik ka doon pagtapos ng nalaman mo?!"
"Kuya, I'm sorry." Inalis ko ang pagkakahawak nito sa akin at dali dali akong tumakbo pabalin sa palasyo.
Rinig na rinig ko ang pagsigaw nila sa pangalan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili pero sa tingin ko ay mas tama ang ginawa ko.
Sa pagtakbo ko ay agad akong naabutan ng matanda at hinawakan ang kamay. Ginamit nito ang bilis niya at ngayon ay higpit na higpit sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Prinsesa! Iniisip mo ba ang ginagawa mo?! Kung babalik ka riyan ay maaaring may mangyarng masama sayo o ang mas masama na ayaw ninyo ay ang makabalik sa lugar ninyo!!" Ramdam ko ang tindi ng boses ng matanda sa akin pero wala akong ibang maisip ngayon kundi ang sitwasyon ni Clyde. Hindi ko siya kayang iwanang magisa.
"Bahala na, kailangan ko bumalik. Kailangan niya ng katulong." Ito lang ang salita na kaya kong bangitin sa mga oras na ito, na kailangan ko.
"He's already risking he's life maka-alis ka lang ng ligtas dito! Now bumalik ka na doon!"
"Sorry, Ayah Glor. I can't, bahala ng masira lahat ang biglaang plano. Wala rin sa plano ko ang iwanan siya." Mahal ko si Clyde kahit na ay ginagamit lang ako nito lara sa kapayapaan ng loob nito sa namayapang Ina. Hindi ko siya masisi kung ganoon, kahit ako ang nasa pwesto niya ay handa Kong ibigay lahat malaman lang ang imporasyon tungkol sa kaniya.
"Hindi kita pipigilan kung iyan ang gusto mo ngunit Isa lang ang masasabi ko sayo na hindi na namin hawak pa ang sitwasyon at siguridad nyo. Sigurado akong si Huerta na ngayon ang komokontrol." Agad akong tumango dito at niyakap ito ngunit sa pagyakap ko dito ay naramdaman ko ang luha ko.
After that hug ay binilisan ko ang paglalakad, kabang kaba na baka ano na ang ngyari. Inulit inulit sa isipan na ayos lang ang lahat at magiging ayos lang lahat. Ayah Glor is behind me at ganoon din ang isang Ayah.
Hindi ko alam kung ano ang maitutulongvko but I will do everything to save his life.
Siguro nga ay baliw na ako kung baliw, wala akong alam sa mga bagay na kaya ko pero isa lang alam ko na mahal ko ito at hindi ko ito pwede pabayaan. He might hurt me ngunit hindi magbabago ang tingin ko rito. Ramdam ko sa sarili ko ay may hindi lang ako alam at kailangan kong malaman. Ayaw ko siyang pangunahan kaya babalik ako. Babalik ako.
END OF CHAPTER 38
THANK YOU FOR READING!
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
FantasyA forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...