CHAPTER 18

72 2 0
                                    


Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Bata pa lamang ako ay namulat na agad ako sa kahirapan at obligasyon. 13 years old lang ako nang namatay ang tatay ko, isang taon lang ang lumipas ay ang nanay naman namin ang sumunod. Dahil sa hirap ay hindi na ako nag aral. Pinasok ko ang iba't-ibang trabaho para lang suportahan ang mga kapatid ko, lalo na at isang taong gulang pa lamang noon si Mark.

Hindi ko minsan naranasan ang mag liwaliw, hindi dahil sa hindi pwede kundi dahil ayoko. Ginugul ko ang oras at atsensyon ko sa trabaho at mga kapatid ko.

Pero ngayon... ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ang magliwaliw, iyong buong araw ka lang magsasaya at walang iniisip na problema. Ngayon lang ako naging ganto kasaya.

"Malayo pa ba tayo?"

Tanong ko kay Justin. Nag lalakad kami ngayon papunta sa likod ng isla. Ang sabi nya kasi ay kulay pink ang buhangin. Natuwa ako nang narinig ko iyon sa kanya, madalas kasi ay kulay abo o puti ang buhangin, pero ang kulay pink ay bibihira lang.

"We're almost there, baby."

Humaba ang nguso ko at hindi na sumagot sa kanya. Pakiramdam ko ay nag init ang buong mukha ko. Naalala ko na naman kasi iyon!

Sa susunod talaga ay hindi na ako mag lalasing. Halos hindi ko na nga ipakita ang mukha ko kay Justin kagabi dahil sa hiya. Kung hindi pa mag ku-kwento si Nanay Dina tungkol kay Justin noong sanggol pa lamang sya habang kumakain kami kagabi, ay hindi ko maaalala ang nangyari noong nalasing ako sa after party.

"Why are you quiet?"

Tanong nya sakin nang mapansin nya ang pagiging tahimik ko. Madalas kasi talaga ay dumadaldal ako.

"M-May naalala lang." Sabi ko at tumikhim.

"Is it about when you get drunk again?"

Lumukot ang buong mukha ko. Paano nya nalaman? Halata ba sa mukha ko? O baka naman nag sasalita ako habang malalim na nag iisip?

Nakakainis talaga! Sana pala hindi ko nalang naalala iyon!

"B-Bakit hindi mo sinabi sakin n-na ganoon pala ang nangyari."

"I don't want you to feel embarrassed. And please, don't tell the girls. They don't also remember what happened that night."

Humaba ang nguso ko. Ang daya ako lang nakakaalala! Ano to? Ako lang ang mahihiya, ganoon?

"Bakit?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.

Tumigil sya sa pag lalakad at humarap sa akin habang naka kunot ang noo.

"Because my brothers and I already talked about it. We don't have a plan to tell you, we don't want you to feel embarrassed."

Mas lalo akong sumimangot. Bakit sila ang nag usap-usap? Sila ba ang nalasing?

"Ang daya Justin! Ako lang ang naka alala. Tapos ano? Ako lang din ang makakaramdam ng hiya?"

"Lia.."

Sinamaan ko lang sya ng tingin at nauna nang nag lakad sa kanya. Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko sya nilingon. Bahala sya! Naiinis ako sa kanya!

Ang haba na nang nilakad ko, hindi ko din alam kung saan ba ako papunta.. hindi ko naman alam kung saan ang daan papunta sa likod nitong isla.

"Lia!"

Naramdaman kong hinawakan ako ni Justin sa braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Please, let's not argue over this matter. Let's talk about it.. hmmm?"

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now