Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------Buong magdamag akong nag kulong sa kwarto ko at umiyak. Tama naman ang naging desisyon ko diba? Gusto ko munang ayusin ang sarili ko at ang issue sa pamilya ko bago ako bumalik kay Justin. Wala syang sinabi sakin kung bakit nya ginawa iyon, pero gusto ko ayang intindihin...kahit wala syang rason.
"Jojo, nag kukulong ka na naman. Pumunta ba dito iyong lola mo?"
Isang iling lang ang itinugon ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at tumabi sa akin. Nasa gilid ako ng kama ko, naka upo sa sahig.
"Mas maganda kung ilalabas mo iyan."
Huminga ako ng malalim.
"Galing dito si Justin."
Nanlaki ang mata at napa-ayos ng upo.
"Talaga? Eh, diba may concert sila? Pano 'yon?"
"Hindi ko rin alam. Nagulat nalang ako na nasa pinto na sya kanina."
"Taray, ganda mo teh!"
Sinamaan ko sya ng tingin. Bibiruin pa ako eh! Wala ako sa mood, baka masapak lang kita!
"Oh, eh ano naman pinag usapan nyo? Inaway mo ba?" Pinanlakihan nya ako ng mata. Tusukin ko yan eh.
"Nag sorry sya sakin. Tapos nakipag cool off ako."
"Cool off? Gaga ka!"
Alam ko, gaga ako. Kailangan talaga isigaw?
"Pero sabagay, mali din naman ang ginawa nya."
Nanatili pa sya sa kwarto ko sandali at lamabas din kinalaunan. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag saing ako at nag luto ng ulam ni Mark para sa baon nya. Laking pasasalamat ko nalang talaga at nandito si Barbie, baka kung wala ay napabayaan ko na ang kapatid ko.
Nanonood ako ng tv nang biglang may kumatok. Agad akong tumayo at pinag buksan iyon, baka kasi si Anton. Ang sabi nya ay ngayon daw sya uuwi dito.
Agad akong nabato sa kinatatayuan ko nang makita ko si ma'am Melinda. Paano nya nalaman kung saan ako nakatira?
"Apo."
"Umalis na po kayo."
Handa ko na sana syang pag sarhan ng pinto nang bigla syang nag salita.
"May dahilan kung bakit hindi kita agad nahanap. Sana pakinggan mo ako."
Huminga ako ng malalim at tiningnan sya. Sariwa pa sakin ang sakit, gusto kong makinig, gusto kong malaman kung bakit pero...hindi pa ako handa.
"Umalis na po kayo. Hindi pa ako handang makinig sa sasabihin nyo."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at pinag sarhan ko na sya agad ng pinto. Ano naman kaya ang dahilan nya? Sobrang tagal na noon, bakit ngayon lang nya ako nahanap?
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag tutupi ng mga damit namin. Simula nang huli naming pag uusap ni Justin ay hindi na ulit kami nag usap. Hindi naman na sya naka block sa messenger at sa phone ko, pero dahil nga cool off kami ay hindi kami talaga nag uusap. Kahit naman may tampo ako sa kanya ay nangungulila ako sa kanya. Nasanay na ako na palaging may Justin sa araw-araw ko.
"Ate!"
Agad akong tumayo nang marinig ko ang boses ni Anton sa labas ng bahay. Malapit lang dito ang iskwelahan nya, hindi na nya kailangan mag boarding house.
Tinulungan ko sya sa mga dala nyang gamit. Marami-rami din iyon.
"Kumain ka na ba? Nag luto ako."
Ngumiti sya sakin at tumango. Inilapag ko muna sa sofa ang mga gamit nya at pinag handa sya ng pagkain.
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
FanfictionJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...