Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------Sumalubong sa aking sariwang hangin. Ito ang unang beses na nakapunta ako dito sa hacienda ni lola. Malawak ang lupain nya. Maraming bulaklak sa paligid. Ang mga ibon at paru-paru ay nag liliparan sa paligid.
"Apo."
Sumalubong sa amin si Lola, kasama nya ang limang kasambahay at tinulungan kaming mag buhat ng mga gamit namin.
"Pasok kayo."
Masayang sabi ni Lola. Malaki ang bahay nya. Mansyon nga ito. Halos lahat ng kagamitan ay gawa sa kahoy.
"Ermelita, ihanda mo na ang mga pagkain."
Abalang-abala si Lola sa amin. Kaming tatlo naman ay tahimik lang..naninibago sa lugar.
"Wag kayong mahihiya apo. Tahanan nyo narin ito." Tipid akong ngumiti sa kanya.
Sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos ay umakyat din kami sa sari-sarili naming kwarto para mag pahinga.
Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama ko. Mamalim akong huminga. Ngayon na malinaw na sakin ang lahat. Nahanap ko na ang pamilya ko at kasama ko na ngayon..hindi ba dapat ay masaya ako?
Masaya naman ako, pero hindi ko alam kung bakit parang may kulang. Pakiramdam ko may malaking butas sa puso ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dadalaw kami ngayon sa mga magulang at kapatid ko. Kaming dalawa lang ni lola ang pupunta doon. Inaya ko si Barbie pero tumanggi sya. Family time daw.
"Anak, nandito ang unica hija mo." Naiiyak na panimula ni lola.
Tatlong puntod ang nandoon.
Alfredeo Marvin Cruz
Joshiephine Jhanina Cruz
Axel Marco CruzNanubig ang mga mata ko habang binabasa ang buong pangalan nila. Hindi ko manlang sila nakita... hindi ko manlang sila nayakap.
"M-Mama...P-Papa.." Humikbi ako.
"Ako po ito. Ako po ang anak nyo. B-Bakit nyo po ako iniwan? Bakit nyo ako iniwan mag isa?"
Umiiyak kong sabi. Naramdaman ko ang palad ni lola sa likod ko at hinahaplos ako doon.
Nag tagal pa kami saglit ni lola sa puntod nila Mama. Sobrang bigat ng dibdib ko. Kahit hindi ko sila nakita sa personal, alam kong mabubuti silang tao. Sayang nga lang at hindi kami binigyan ng pagkakataon na magkasama-sama.
Tanging si papa lang ang nakita ko at si Axel. Sila lang ang merong litrato si lola. Nasunog kasi ang buong bahay namin noon at wala nang natira. Binatang-binata si Papa sa litrato, at kamukhang-kamukha ko sya. Kung lalaki lang siguro ako ay baka pagkamalan akong binatang Alfredeo Cruz.
Nalaman ko din na si kay Papa pala galing ang kwintas ko. Nagulat pa ako nang sinabi ni lola sa akin na diamond daw iyon. Grabe, may gamit pala akong bilyones ang halaga tapos wala manlang akong ideya.
Nag daan ang mga araw, linggo at buwan. Naging mas close kami ni lola. Marami pala kaming pagkaka pareho. Si Barbie ay tumulong sa farm, madalas din akong tumulong. Ayoko namang mag hapon lang ako sa bahay. Si Mark naman ay dito na nag aaral. Sa isang private school sya pinag enroll ni lola. Si Anton naman ay madalang na dumadalaw dito, busy daw kasi sya sa school.
Nag hire din si lola ng private tutor, para naman daw may kaalaman ako kahit paano. Tinanong nya kasi ako kung gusto kong mag aral, pero wala na sa isip ko iyon. Wala naman talaga akong pangarap. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng magandang buhay ang mga kapatid ko at mahanap ang pamilya ko.
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
Fiksi PenggemarJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...