CHAPTER 25

66 1 1
                                    

Typographical and Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Malalim ang isip kong nakatingin lang sa kawalan. Linggo ngayon at uuwi si Anton, birthday nya kasi. Nasa terrace ako ng kwarto ko, hinihintay na sumilay ang araw.

Wala si Justin ngayon dito sa hacienda. Dalawang araw na ang lumipas noong umalis sya papuntang Manila. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss sya. Ilang araw lang kaming nagkasama dito sa hacienda. Naintindihan ko naman sya, kailangan nyang bumalik kasi nasa Manila ang trabaho nya. Ang dami kasing sideline ng boyfriend ko eh, akala mo naman mauubusan sya ng trabaho.

Agad akong naalerto nang tumunog ang cellphone ko.

"Andito na ako, ate."

Agad akong lumabas ng kwarto ko at patakbong bumaba. Nami-miss ko na kasi itong si Anton, madalang lang kasi syang dumalaw dito, bukod sa malayo ay busy sya sa school.

"Ate.."

Agad nya akong sinalubong ng yakap.

"Mabuti naman at umuwi ka. Kaunti na lang talaga at mag tatampo na ako sayo kung hindi ka nagpakita ngayon."

Sabi ko sa kanya nang kumalas na kami sa yakap.

"Kuya!"

Mas lumapad ang ngiti ni Anton nang patakbong lumapit si Mark sa kanya at niyakap din sya.

"Na-miss kita kuya!"

"Na-miss din kita."

Naramdaman ko ang presensya ni lola sa likod ko, mukhang kagigising lang din nya.

"La." Bati ni Anton at yumakap din kay lola.

"Hindi ka naman nag sabing ngayon pala ang uwi mo, apo. Pinahatid sana kita."

Mahinang umiling si Anton at ngumiti.

"Ayos lang La. May kotse naman ako."

Huminga ng malalim si lola at marahang hinaplos ang balikat ni Anton.

"Kahit na, delikadong bumyahe ng madaling araw. Sa susunod sabihin mo sa akin kung uuwi ka, apo."

"Opo La."

Matamis akong ngumiti sa kanila. Ganito pala ang pakiramdam ng may pamilya. Matagal ko na kasing nakalimutan ang pakiramdam na iyon simula noong namatay ang mga magulang kong umampon sa akin. Trese anyos lang din ako noon.

Mabait at mapagmahal si lola Melinda. Noong pumayag akong tumira kasama sya ay hindi ko naman hiniling sa kanya o umasa na ituring nya ding apo ang mga kapatid ko.

Pero tingnan mo ngayon, apo narin ang turing nya kila Anton at Mark. Si lola nga ang nag bigay ng kotse kay Anton. Si Mark naman ay madalas matulog sa tabi ni lola. Si Barbie naman ang namamahala ng farm ni lola.

"Ang aga mo naman ngayon?"

Tanong ko kay Justin sa kabilang linya. Ala singko ng umaga dumating si Anton. 5:30 pa lang pero gising na sya.

"I have work. That's why."

"Okay." Nakanguso kong sagot. Narinig ko ang mahinang tawa nya sa kabilang linya.

"Sya nga pala, birthday ni Anton ngayon. Pupunta ka ba? I mean, kung hindi ka lang naman busy."

"You want me to be there?"

Mas lalong humaba ang nguso ko. Syempre gusto kong nandito sya. Miss na miss ko na nga sya eh. Kung pwede ko nga lang syang ibulsa, ginawa ko na. Kaso ang laki nya, baka ako pa ang ibulsa nya.

"Ikaw ang mag desisyon, Justin. Alam kong busy ka sa trabaho mo. Naging PA mo nga ako diba?"

He hummed on the other line. Speaking of PA, ngayon na wala na ako sa puder nya...sino na ang PA nya?

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now