Love that reaches the skies

2 0 0
                                    

"Oh anak, saan ka pupunta?"tanong ni Mama sa akin nang makalabas Ako sa kwarto ko.

"Pupunta po Ako kina Grace, monthsary po Kasi namin"ngiting Sabi ko habang inaayos ang damit ko sa salamin.

"Oh Siya Happy Monthsary sa inyo, mag ingat ka ha"Sabi nito at humalik naman ako sa pisngi niya at umalis na.

Pero bago Ako pumunta sa Bahay nila Grace ay pumunta muna Ako sa flower shop para bumili nang bulaklak at napadaan rin Ako sa 7 eleven para bumili nang chocolates. Pagkarating ko sa Bahay nila Grace ay Nakita ko ang adopted sister niya na si Jade na nagwawalis.

"Hai Jade, saan si Grace?"naka ngiting tanong ko sa kanya pero parang Wala lang siyang narinig kaya pumasok nalang Ako sa gate nila at isinarado naman ito. Pagkapasok ko sa may sala nila ay Nakita ko naman Kapatid niyang si Carlo na naglalaro nang ML.

"Carl, saan si Ate mo" tanong ko rito at umupo sa tabi niya.

"Nasa kwarto kuya" sagot nito pero naka focus parin sa paglalaro. Tatayo na sana Ako nang Makita Kung lumabas si Grace sa kwarto niya. Kaya napatayo naman ako at naka ngiting lumapit sa kanya Dala ang bulaklak at chocolates na binili ko.

"Happy Monthsary Bub"sambit ko sa kanya nang ini abot ko ang Dala Kung bulaklak at chocolates. At Nakita ko naman sa mga labi niya Masaya ito.

"Ano ba yan, ang mahal naman nitong binigay mo samantalang sa akin puro love letters lang"nakangusong Sabi nito kaya diko napigilan na kurutin ang matambok nitong pisngi.

"Bub, kahit ano naman ibibigay mo eh napaka special na Yun sa akin"Sabi ko at napangiti nalang ito at inabot sa akin ang Isang box.

"Ang laki naman nito, mukhang inipon mo lahat nang gusto mong Sabihin sa akin ah"biro ko at natawa naman Siya.

"Pwede ba sa labas nalang kayo mag landian, maawa naman kayo sa akin"sabat ni Carlo sa likuran namin kaya natawa naman kami.

Dahil sa pinalayas kami ni Carlo ay lumabas nalang kami ni Grace at nagkatagpo naman namin si Jade na papasok sa loob at parang hangin lang na di niya Nakita kaya nagtinginan naman kami ni Grace at kumibit balikat nalang at lumabas.

Pagkasakay namin sa motor ko ay pumunta kami sa malapit na Lugar Kung saan makikita mo ang paglubog nang araw.

"Wow, Ganda naman Dito paano mo nalaman na may ganitong lugar Pala Dito sa M'lang" tanong niya sa akin nang makababa ito.

"Nung hinatid ko Kasi Si Ate sa School niya aksidente ko lang Nakita Yung Lugar natu"paliwanag ko at pinagpagan ang upuan na malapit sa Puno nang Mangga at inaya siyang umupo.

"Thanks for today Bub ha, napasaya mo talaga Ako Ngayon kahit simple lang pero romantic"Sabi nito habang tinatanaw ang paglubog nang araw.

"Ako dapat magsabi niyan, ang swerte ko kaya Kasi Meron akong mapagmahal, mabait, masipag at matalinong girlfriend"Sabi ko at inakbayan Siya.

"I love you bub" Sabi ko sa kanya at hinalikan ang ulo nito.

"I love you too"Sabi rin nito habang Hindi inaalis ang mga mata sa paglubog nang araw.

At bago kami umalis ay kumuha muna kami nang mga litrato at video na maitatago namin habang buhay.

Pagkahatid ko sa Bahay nila Grace ay nag Mano muna akv Kay nila Tito at Tita bago umuwi pero bago nun ay niyakap Ako nang mahigpit ni Grace bago pumasok kaya grabe rin ang ngiti ko Hanggang sa makauwi nang Bahay.

Kinabukasan nang hapon Biglang nag text sa akin si Tito ang papa ni Grace at para naman akong pinagtakluban nang langit at lupa dahil sa text ni Tito na Kung saan ang sinabi nito ay "Wala na si Grace.. France Pinatay Silang dalawa ni Carlo..Wala na ang mga anak ko" pagkabasa ko nun ay Dali daling pumunta naman Ako doon at nadatnan ko naman ay mga pulis na nakaharang mismo sa labas nang Bahay nila at Maraming taong nakapalibot na nakikiusisa rin sa nangyari.

"Sir, papasukin niyo po Ako!  Yung girlfriend ko po Sir nasa loob! Pupuntahan ko po Siya..papasukin niyo po Ako!"sigaw ko pero hinarang lang Ako nang mga pulis at sinalabong naman ako nang yakap ni Tito at inaalo.

Puro sigaw at iyak ang ginawa ko pero lahat Sila ay pinipigalan Ako.

Bub I'm sorry di kita naprotektahan pero pangako lahat nang pangarap natin ay tutuparin ko. Ang tanging nasabi ko sa isipan ko habang pinapanood ang bangkay ni Grace na pumapasok sa Ambulansya.

My Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon