-----Juls POV----
Maganda si fhaye, matalino, may pangarap, mabait. She knows her priority, lahat na nasa kanya. Madali syang gustuhin, madaling mahalin.
------flashback------
"Fhaye! Magkapartner raw tayo sa research natin" nakangiting sabi ko
"Yon! Kala ko wala na akong partner. Naiiyak na nga ako eh. Chars" biro nya sabay tawa
Dahil sa research na yan naging malapit kami ni fhaye. Buong first semester ba naman ng grade 11 namin. Parehas na Humss strand kami ni Fhaye. Bago pa man kami mag kita sa classroom kilala na namin isa't isa dahil na rin sa pareho naming kaibigan si Aneesha.
Lumipas ang grade 11 naming malapit kami at hindi ko maiwasan na hindi sya gustuhin.
"Fhaye, pwede ba tayo mag-usap?" Kabadong tanong ko
"Huh? Oo naman juls" tipid na ngiti
"Tara sa cafe doon, libre ko" tawa ko
Nagtungo kami sa isang cafe malapit sa skwelahan namin na bagomg bukas ata. Kinakabahan na ako. Ilang linggo nalang magmamartsya na kami. Baka hindi ko na uli sya makita.
"Fhaye, may sasabihin sana ako" nakuha naman ng atensyin nya ang pagtawag ko sakanya.
"Seryoso mo naman" sabay tawa
"Gusto kita"
"...."
"Higit pa sa kaibigan"
"...."
Wala syang sagot
"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko
"Juls, sorry. Hindi kita gusto. Hinding hindi kita magugustuhan. Kaibigan lang ang tingin ko sayo at hindi na mababago yon." Nakayukong sabi nya
"Gusto kong subukan. Bigyan mo ko ng pagkakataon na iparamdaman sayo tong nararamdaman ko. Pls" sagot ko kay fhaye
"Juls hindi kita gusto. Sana intindihin mo yon! Sorry pero hindi kita kayang bigyan ng pagkakataon" sabay tayo at alis.
Kahit na nasabi nya ang mga bagay na yon hindi ako sumuko. Patuloy ko parin syang binibigyan ng mga bulaklak, mga tsokolate na patuloy nyang itinatapon.
"Fhaye para sayo"
"Kumain kana ba?"
"Fhaye"Kase wala eh natamaan talaga.
"Juls mag usap tayo" sabi bigla ni fhaye
"Ano ba yon?"
"Pwede ba tigilan mo na ako?!" Pasigaw na sabi nya saakin
"Sorry" sagot ko
"Sinabi ko na hindi kita magugustuhan! May gusto akong iba! Kaya pwede ba tigilan mo na ang pagbjbigay mo ng kung ano-ano!" Sabay alisWala akong magawa kung yun ang desisyon nya.
------- end of flashback-------
Bilis ng oras no. Fourth year na ako boy! Kaunti na lang magiging sikolohista na ako. Ngunit parang hindi masaya.
Lumaki akong walang magulang. Para kanino ako bumabagon? Para sa sarili ko lang. Pero walang kaso saakin yon. Nakaya ko naman.
"So class! Ang magiging last requirement nyo saakin ay walang iba kundii research. Ano pa nga ba" rinig ko naman mga reklamo ng kaklase ko, ako rin pala nag reklamo sa utak ko nga lang.
"Hahaha! By pair naman to" kahit na by pair. Trauma na ako dyan. May trauma na nga sa research may trauma pa sa by pair na yan. Saan ako lulugar?
At Binanggit na ni ma'am mga nauunag pair. Hinihintay ko nalang apelyido ko at yung apelyido ng pair ko.