Simula

20 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

maimalovesgreen

First ColoTry #CT

@2024 // My Blue hates You.



Kitang kita ko ang mga ibong lumilipad sa asul na kalangitan habang nakaupo sa tabi ng umaagos na ilog. Ang mga bulaklak na sumasayaw na dulot ng mapariwarang hangin ay nakakaakit na pagmasdan. Dinig ko rin ang mga huni ng mga ibon dahil sa tahimik ng lugar.

Nasa bukid ako ngayon, inatasan ako ng aking lolo upang tingnan ang mga alaga naming manok, baboy, at kambing. Naisipan nilang dito ilagay ang mga alaga namin dahil walang tao, baka magreklamo sa baho ng baboy.

Tuwing Sabado ko sila binibisita dahil iyon lamang ang oras ko upang bumisita. Marami kasing ginagawang activities sa school.

Kinakausap ko ang mga alagang hayop habang pinapakain ko sila, which is usual kong ginagawa. Maingay ang mga ito, siguro'y gutom na. Kinuha ko ang planggana sa tabi ng kulungan ng mga baboy upang lagyan ng tubig. Ipinainom ko iyon sa mga baboy.

May maliit kaming kubo rito sa bukid, gawa ng lolo ko. Dito ako madalas na natutulog, o di kaya'y magpahinga at magbasa ng mga libro.

Habang nakaupo, may narinig akong paparating na kalabaw. Binalingan ko ito at agad nakita ang aking lolo na nakasakay rito. Sa likod ng kalabaw, may nakataling gawa sa kahoy, upang magsilbing lalagyanan ng kung ano man. Pasagad ang tawag namin dito sa Probinsiya. Kita ko ring may mga kahoy sa pasagad.

"Lo, magsisibak ka na naman ba ng kahoy?" Tanong ko.

Sanay ako sa mga gawaing bukid. Hindi naman ito mahirap gawin kaya masaya kapag ginagawa.

"Oo, e. Hindi ka pa ba tapos sa mga ginagawa mo?" Pabalik niya namang tanong saakin. Kita ko ang pawis sa kaniyang mukha. Siguro'y kagagaling lang sa palayan.

"Tapos na po, nagpahinga lang saglit. Tulungan na po kita riyan sa gagawin mo."

Bukod sa pagpapakain ng mga hayop, alam ko rin kung paano magsibak. Hindi lang naman lalaki ang may kaya no'n, kaya ko rin.

"Huwag na, umuwi ka na lang at tulungan mo ang lola mo sa paglalaba. Marami pa naman iyon."

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Tama nga, may sakit pa naman ang matanda. Baka mapagod lang sa paglalaba.

Naglakad ako pauwi dahil iyon naman talaga ang nakasanayan ko. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin kaya hindi mahirap. Nadaanan ko ang mga tao sa palayan na nagtatanim.

Napabaling saakin ang mga kakilalang magsasaka. Ang iba ay kumakaway saakin, ang iba naman ay ngumingiti. Kilala ako rito sa aming baranggay, ang bawat pamilya kasi ay kaibigan ng lola at lolo ko.

Nang makarating sa bahay, dumiretso agad ako sa likod, kung nasaan ang bomba namin. Kita ko ang aking lola, puno ng damit ang tray.

"Naku la, hindi mo sinabi saakin kanina na marami pala ito. E 'di ka sana nahirapan." Sabi ko habang bino-bombahan ang isang planggana.

Pawisan siya at mukhang pagod na pagod. "Dapat tinulungan mo na lang ang lolo mo roon."

Ngumuso ako sakaniya. "La, mas mahirap ang ginagawa mo kasi may sakit ka pa, kaya naman ni lolo iyon kaya huwag kang mag-alala." Pagpapaliwanag ko.

My Blue Hates You (FirstCT)Where stories live. Discover now