SELENE
"Kaya pala ang aga mo mang-istorbo kasi may pupuntahan pala kayo ngayon." Nagkukusot pa ng mata si Atlas ng sinabi niya iyon habang nagtitimpla ng kape naming dalawa.Naabutan naman namin si mama na mukhang kakatapos lang maligo dahil kakalabas niya lang sa banyo at nagpapatuyo ng kanyang buhok gamit ng twalya, nang makita siya ni Atlas ay agad itong bumeso. "Good morning po, Tita."
"Good morning, Atlas. Dito ka pala natulog?"
"Nalasing po kasi yang anak niyo kagabi, kailangan ng babysitter."
Natawa naman si mama sa naging sagot nito."Buti hindi ka nagsasawa sa kaartehan nyan." Biro sa akin ni mama na ikina-irap ko sa kanilang dalawa. Palibhasa lagi silang magkasundo sa pang-aasar sa akin. "Nag breakfast na ba kayo? May niluto ako dyan, ipa-init niyo na lang. At ako'y matutulog na din."
"Gusto niyo po bang ipag-grocery ko kayo tita? Iiwan din po ako ng anak niyo dahil mag i-ilocos daw kasama ng barkada niya."
"Oh? lalabas ka nanaman?"
"Nag-aya si Justine maaa!"
"Ba't hindi mo isama si Atlas?"
Nagkatinginan kami ni Atlas, wala namang problema sa akin iyon pero kasi baka hindi siya komportable kahit sabihin nating iisa ang highschool naming tatlo nila Justine at medyo close naman din siya kay Alexis, "Gusto mー" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng umiling si Atlas kay mama ng nakangiti.
"Okay lang po tita, may kailangan din po akong gawin mamayang hapon."
"Oh siya sige, wag mo na pansinin ang walang lamang ref namin ijo. Si Ling na bahala dyan bukas. Hayaan mo at siya ang mamalengke, para sapian naman ng kasipagan."
"Maaaaa!!!"
"Wag mo ako sinisigawan!" Sigaw din ni mama pabalik saka ako nilapitan, marahas niyang kinuha ang mukha ko at kinintalan ako ng halik sa pisngi. "Ingat kayo sa outing niyo." Pagka-tapos nun ay sinunod naman niyang halikan sa pisngi si Atlas bago tuluyang umakyat pataas sa kwarto niya.
Wala pang isang minuto ay ang nangaasar na mukha ni Atlas ang tumambad sa akin. "Paano ba yan Ling? Mas mahal ako ni tita."
"Pa-impress ka kasi." Agaw ko sa tinimpla niyang kape para sa akin. Nakita kong mas madami itong creamer kaysa sa kanya, kaya agad namang nawala ang init ng ulo ko dahil nakakainis mang aminin pero napaka-thoughtful talaga ng lalaking ito. Sumasakit kasi ulo ko pag masyadong matapang ang kape at parang nakahalata naman siya dahil itinaas-baba niya ang kanyang kilay sabay ngisi sa akin. "Syempre, para ako lang ang gusto ni Tita na manugang."
Aba't ang loko nakuha pang kumindat, tumalikod ako at agad pinagpagpag ng malakas ang aking dibdib dahil bwisit nabilaukan ata ako.
BINABASA MO ANG
If you only knew
Short StoryIn which Selene (Lalisa) finds herself stuck in a love triangle between her friend, Calixto (Taehyung) who is still trying to move on from his ex and her ex, Atlas (Jungkook) who keep confusing her with his actions. A Taglish (Filipino) Taelicekook...