Migraine

34 5 1
                                    

SELENE

Una sa lahat, Biyernes ngayon at katatapos lang nung celebratory dinner namin kanina sa restaurant nila Nico, akalain mo pagma-may-ari pala nila iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Una sa lahat, Biyernes ngayon at katatapos lang nung celebratory dinner namin kanina sa restaurant nila Nico, akalain mo pagma-may-ari pala nila iyon. Inaya kasi nila ako dahil kung wala daw ako na modelo nila ay hindi naman sila makakakuha ng mataas na grado sa subject na iyon at nagpumilit pa si Angge nung umayaw ako dahil pangalawa, pagod ako at alas sais na ng gabi kami natapos ni Justine sa report na aming ginagawa patungkol doon sa Media Ethics and Law na subject namin para sa Lunes. Paano ba naman ay ang hilig namin maghabol pag malapit na deadline, may salahing procastinor din kasi yang si Justine.

Kaya naman inabangan talaga ako ni Angge sa labas ng library. Hindi na ako pinakeelaman ni Justine dahil gusto niya na daw ipahinga ang kanyang utak na kanina pang alas tres ng hapon gamit na gamit. Agad na itong nagpaalam kay Angge bago pa makapag-salita ang huli, napaka-maldita din talaga ng best friend ko minsan pero buti na lang at winalang bahala lang iyon ni Angge at nagtuon sa pamimilit sa akin at nag-aantay na daw sila Atlas at Nico sa restaurant na pina-reserved nila kaninang hapon pa. Wala na rin akong nagawa dahil nakakahiya naman.

Pangatlo, akala ko naman talaga ay pagkatapos ng pa-dinner na naganap ay makakauwi na ako sa wakas pero ang loka-lokang Angge bakit hindi nauubusan ng enerhiya sa katawan dahil nakuha pang magyaya sa amin ngayon mag bar hop dahil sabado naman daw bukas at pare-parehas kaming apat na walang pasok. Mag a-alas nuebe iyon ng hinigit niya kaming tatlo palabas nung restaurant. Napahinga na lang ako ng malalim dahil magkaka-roon ata ako ng migraine hindi sa alak na iinumin namin kundi dahil panay ang tawa at bulungan nung dalawa sa harap ko na sumang-ayon din sa plano ni Angelie Marie Ramos. Tignan mo mukhang napaka-madasalin naman ang pangalan pero bakit kasalungat ang naging ugali nito?

Iyon naman pala ay gusto lang lumandi ng babaitang ito. Naningkit ang aking mga mata sa blandeng babaeng panay ngiti sa kanyang telepono, hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinablot iyon sa mga kamay niya, "Hoy Angge, prankahin mo nga ako at bakit nandito rin sila Alexis?" Sabay turo ko sa may bar counter, pati sila Atlas at Nico ay napatingin din.

Wala masyadong tao doon at malapit din ito sa pintuan ng labas, nakita naman naming naglolokohan si Justine at Calixto, si Alexis din ay nakisali na matapos ibaba ang kanyang telepono. Agad namang lumapit si Angelie sa akin at bigla akong sinuyo.

"Ano kasi, niyaya ako ni Alex na makipag-kita pero dahil ayaw ko namang pumunta na ako lang, sabi ko sumunod na lang siya dito at baka magtatagal pa naman tayo." Ngiti nito saka pumikit-pikit pa at nagpa-cute sa harap ko. Parang gusto ko tuloy manakal, dahil kanina pa din sumasakit ang aking ulo.

"Ayain na lang kaya natin sila dito?" Suggest ni Nico, akala mo naman talaga ikina-talino niya ito. Hindi ako sumagot at saka tumayo na lang.

"Punta ka sakanila?" Tanong ni Atlas, balak ko sana siyang hindi pansinin pero ano ba ang ikinaiinit ng ulo ko? "Oo, okay lang? Tutal andito naman na sila." Pinilit ko ang aking labi ngumiti at tumingin sa kanila.

If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon