"Pasok kayo," aya ni Mirabelle sa dalawang bagong nakilala sa gubat.
Ayaw sana niya itong papasukin sa mansyon dahil mag-isa lang siya at wala ang dalawang tauhan niya na nangangalaga ng pananim at mga alaga niyang hayop pero naawa naman siya sa lalaki na hinang-hina pa rin. Kahit ang mga serbedora niya ay sabay niyang pinaalis upang mag-day off.
Dumarating talaga ang araw na gusto ni Mirabelle mapag-isa kaya sabay-sabay niyang pinapalabas ang mga tauhan niya. Pero minsan ito naman ang oras na sinasalakay siya ng mga kamag-anak niya na gustong angkinin sa kanya ang buong Hacienda.
Si Mirabelle lang ang ginawang tagapagmana ng kanyang abuelo na siyang nagpalaki sa kanya kaya't galit na galit sa kanya ang mga kamaganakan niya. Pero sa hindi malamang kadahilanan sa tuwing papunta ang mga ito sa Hacienda upang sugurin siya, ay hindi ang mga ito nakakarating dahil nagkakaroon ng aksidente ang sasakyan ng mga ito dahilan upang hindi ang mga ito makatapak sa lupain.
Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Mirabelle. Ang mahalaga sa kanya ay maalagaan niya ng maayos ang buong Hacienda.
"Ito ang palasyo mo? Mukhang hindi ata ito naayon sa panlasa ng aking panginoon, mortal."
Napasabunot sa buhok si Mirabelle nang marinig ang sinabi ng babaeng nakita niya sa kagubatan. Kanina pa siya nahihiwagaan sa estilo ng pananalita ng mga ito. She stopped on her track and looked back at the two while grinning annoyingly. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon na papasukin sa mansyon ang dalawang ito. She didn't even know their names!
"Bakit ba kanina pa kayo tawag nang tawag sa akin ng mortal? May pangalan ako," saad ni Mirabelle. Sinulyapan niya ang lalaki na ngayon ay nanghihina pa rin. Nakaupo ito sa sofa at inaalalayan ng kasama nitong babae. Hindi sumagi sa isip niya na magkasintahan ang dalawa dahil base sa obserbasyon niya ay parang bodyguard kung umasta ang babae. Is this guy an idiot? Kaya ba kinakailangan nito ng bodyguard?
"Kung ganoon, ano ang iyong pangalan, mortal?" tanong muli ng babae. Nakatayo ito ng tuwid na parang isang kawal na isasalang sa giyera.
"Ako si Mirabelle. Kayo? Ano'ng mga pangalan niyo at bakit kayo napadpad sa lupain ko? Hindi niyo ba alam na tresspassing ang ginawa ni'yo?" Naglakad si Mirabelle palapit sa dalawa at napataas ang kilay nang makita na wala pa ring lakas ang lalaki.
Namulat si Maribelle na wala na sa piling ang mga magulang at dahil lumaki siya sa Hacienda ay limitado ang kanyang kaalaman sa mga bagay-bagay. Bagama't marunong siyang magsalita ng ibang lenggwahe, upang makausap ang ibang kliyente ng Hacienda, ay wala siyang gaanong alam tungkol sa ibang kasarian. Namuhay siyang mapayapa sa hacienda sa loob ng dalawampung taon pero nang dumating itong dalawang taong bigla na lamang sumulpot ay nagulo ang buhay niya. Ni minsan ay hindi siya nagpapasok ng mga estranghero sa mansion.
"Bakit ni'yo ako tinatawag na mortal? Pare-pareho lang naman tayong tao, sus!"
"Hindi tayo magkapareho ng lahi, mortal. Naiiba kami sa inyo ng aming panginoon dahil isa kaming—"
Naputol ang sasabihin ng babae nang biglang magsalita ang lalaking kasama nito na ngayon ay nakahiga na sa sofa at nanghihina pa rin.
"Katas. Kailangan ko ng katas, Elenara." Namamaos ang boses na pakiusap ng lalaki. Halos hindi na nito maimulat ang mata dahil sa sobrang panghihina.
Hindi maintindihan ni Mirabelle ang nangyari rito. Nakita niya kung ano ang ginawa nito kanina at alam niyang mali ang ginawa nito. Natakot pa siya noong una dahil ang buong akala niya ay may gagawin itong masama sa kanya. Kaya lang niya ito hinayaang makapasok sa pamamahay niya dahil nangangailangan ito ng tulong na siyang kahinaan niya. Mukhang hindi naman ito masamang tao. Pero kung may masama itong tangka sa kanya ay hindi siya mag-aalinlangang patayin ito.
BINABASA MO ANG
Ang Engkantong Malibog
General FictionKinakailangan ni Elanher ang katas ng babae upang mapanatili ang kanyang malakas na kapangyarihan at upang manatili sa kanyang pamumuno ang kaharian ng mga Engkanto. Dahil dito ay nabansagan siya na isang walang kwentang lider ng kanyang nasasakupan...