Prologue
"Sera, where are you? Kanina pa ako tumatawag hindi mo sinasagot." My bestfriend, Ani, says on the other line.
Huminga ako ng malalim at umirap.
"I'm sunbathing." Maikli kong sagot. Looking at the beautiful scenery of the beach.
"What? The wedding is about to start! Hindi ka pa nakapag-ayos?" She sounds amuse and irritated at the same time.
"Hindi naman ako ang ikakasal, why worry on how I would look?" I was raising my eyebrow as I speak.
"Hindi ako worried sa itsura mo, okay? Bridesmaid ka! Tayo! Syempre kailangan presentable ka!" Nailayo ko ang cellphone na nasa tenga ko sa malakas niyang sigaw.
"I think I can wear two-piece. It's a beach wedding afterall." Usal kong mas nagpainit pa lalo sa ulo niya.
"You're the bitch! Bilisan mo na diyan! Euri's waiting!" Huling sigaw niya at binaba ang tawag.
Natatawa akong tumayo at iniwan ang manipis na tela na ginawa kong higaan sa puting buhangin. I went inside the hotel and start making myself look ''presentable''. Tsk.
Nang matapos ay pinasadahan ko ng tingin ang itsura sa salamin. My beige silk dress were long and has a slit on the right part of my leg. It has a very thin strap and a v-neck neckline low enough to see a bit of my chest. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok. Tanging pulang lipstick lang rin ang kolorete ko.
Nakailang tawag na si Ani ng makalabas ako ng suite ko. She was pissed that even after seeing me looking so "presentable" ay minura niya pa rin ako.
"Punyeta ka! Hindi ka tuloy nasama sa pictorial ng mga bridesmaid!" Malalakas niyang sigaw.
Hinayaan ko siya at sumimsim lang sa wine na nasa table ko. Naghihintay sa pagsisimula ng kasal. I was looking at the set up near the beach. Eksaktong nasa harap iyon ng papalapit na paglubog ng araw. The round tables and chairs covered with white silky fabric were arranged in both sides of the aisle. Ang mistulang altar ay mayroong sandamakmak na bulaklak na kulay puti. Kahit sa buhangin ay nagkalat ang mga bulaklak.
"Ambrose is here." Rinig kong usal ni Ani.
Kumurap-kurap ako at sumimsim ulit sa alak bago ako sumagot.
"I know." I uttered.
Tinaasan niya ako ng kilay. "You still have communication?" Tanong niya.
"Nope. There's no reason for us to still communicate."
"Eh, paano mo nalaman?"
"I just know." Simple kong sagot at tumayo para maglakad papalayo.
I saw Ambrose with Liander coming towards our direction. Hindi ko pa kayang maging malapit sa kaniya sa ngayon. I am moving on. I am still in the process. And I don't want to ruin it because I know in myself, na isang salita niya lang, kahit ano pa iyan ay mahuhulog at mahuhulog ulit ako. At sisiguraduhin kong hindi na mangyayari iyon dahil alam ko ring wala siyang planong saluhin ako.
"The wedding is about to start. Where are you going?"
Lumaylay ang balikat ko at nawalan ng lakas magpatuloy sa paglalakad ng marinig ang pamilyar niyang boses. Bumara ang lalamunan ko at nawalan ng dugo ang mukha ko.
I wasn't expecting him to follow me. Why would he follow me? To tell me the wedding is about to start? I know that, of course. Hindi na kailangan sundan ako at sabihan pa.
Humarap ako sa direksyon niya ng hindi siya tinitingnan. My eyes were directly looking at the venue where all the visitors were walking and looking for their chairs. Diretso akong naglakad patungo doon ng hindi tumitingin sa kahit saan, sa kahit sino.
"Seraphine!" I heard him called.
Dire-diretso lang ang lakad ko kahit nanghihina ang mga tuhod ko ng marinig kong sambitin niya ang pangalan ko.
I am not yet ready to face you, Ambrose. If I am fully healed, I know I can. Not for now. After ruining my beloved self, I don't think I can. Hindi pwedeng tatanga-tanga ulit ako at ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa'yo. I've had enough. It was me who started loving you. And it is still on me, my choice, to end my feelings for you.
***
This is a work of fiction. Names, Characters, Places, Situations, Businesses and Events are written in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead or an actual events is purely coincidental.
Any act like copying, publishing and distributing without permission is purely prohibited.
***
This is the first installment of Good Boys Series. And also my first written series that I'm sure I won't delete if ever I'll get tired writing it. Hoping for you guys to enjoy reading this and leaving comments whether good or bad are very much appreciated. Ty.
***
YOU ARE READING
AND LOVE BEGINS (Good Boys Series #1)
RandomSeraphine Louise has been known for being the brat daughter of Don Aristin, the Mayor of their town. She was simply the epitome of silly spoiled brat who grew up with a golden spoon. Hindi natatapos ang araw niya ng walang kasamaang ginagawa. She's...