salamat po sa tumangkilik ng story ko. chos! hahaha ang saya. i love you guys ✔✔ Mardyuriii cous thank you sa push. aja!
--------------
Pareho kami ng kinuhang kurso ng bestfriend ko. Sabi nga nila para daw kaming lambal tuko na hindi mapaghiwalay kulang nalang daw magpalit kami ng mukha. hahahaBSBA major in Financial Management ang kursong gusto naming kunin kasi pangarap namin ang makapag trabaho sa bangko at makapagtayo ng sarili naming negosyo. Ang saya siguro nun hanggang sa huli kami pa rin ang magkasama kahit na magkaka asawa't anak na kami pero ooopppss! time out muna tayo diyan. Mag aaral muna tayo. hahaha
May 15. 10am ang oras ng palilitis ay over naman haha kaya naman 9am palang na sa LVU na kami. Hindi na kami nagpahatid ky manong sa paaralan dahil nagpapaka independent kami at mas mabuti na yung maaga kami kaysa ma late sa pag ta-take ng entrance exam. Excited kaya kami pero mas excited ang kasama ko.
Pagpasok pa lang namin sa LVU nalula na kami sa laki at ganda ng paaralan mas lalo tuloy akong na excite kaya mas lalo kong gagalingan sa pagsagot mamaya.
"besh ang ganda dito. hindi ako makapaniwala na ganito pala kaganda at kalaki ang paaralan na ito. wala pa itong kalahati sa laki ng paaral natin noon" hala ayan na umandar na naman ang kadaldalan ng babaeng ito.
"tumahimik ka. nakakahiya ka baka akalain nila mga ignorante tayo" nakakairita kasi minsan tong babaeng ito.
At ito na nga pumasok na kami sa isang room para masinulan ang pagsagot at kunting orientation.
Matapos ang 2 oras natapos na namin nasagotan ang mga tananong at maari na daw kaming umuwi.
"besh nagugutom na ko. Saan tayo kakain? baka nakalimutan mo ililibre mo ako ngayon" *insert malapad na smile*
"kahit kailan ka talaga basta pagkain hinding hindi mo makakalimutan."
"syempre naman no. Tara na kawawa naman tong alaga ko baka magtampo na" -thea
"oh siya tara dun nalang tayo sa mcdo mas malapit ito dito."
Naglakad kami papunta sa Mcdo. malapit lang naman kasi mga isang kanto lang ang layo sayang naman ang pamasahe ikakain nalang namin at oo nga pala ililibre ko pa itong malakas kumain na babae.
Nag uusap lang kami habang naglalakad. Tungkol sa mga bagay bagay na mangyayari sa pagsisimula namin sa paaralan na iyon at kung ano ang magiging buhay namin.
"besh babalik pa pala tayo doon mamaya para kunin ang result ng exam natin" biglang sumagi sa isip ko na kailangan pa pala namin bumalik.
"ay oo nga pala. pero bago yan papasok na tayo dahil hindi ko na talaga kaya nagugutom na ako" -thea
At pumasok na nga kami at nag order. seryoso kaming kumakain. walang imikan kasi nga gutom na kami.
Ng matapos kaming kumain nag antay muna kami ng ilang minuto bago lumabas.
"besh paano kung hindi tayo makapasa? paano na yung pangarap natin na makapag aral sa paaralang iyon? biglang sambit ni thea.
"huwag ka ngang nega. papasa tayo, tayo pa" sambit ko naman. alam ko papasa kami kasi ginawa namin ang aming makakaya at pati utak inilabas na namin pero joke lang nu. haha pero sana nga pumasa kami.
BINABASA MO ANG
When Reality Speaks
RandomFOREVER ❤ ❤ Sabi kasi walang forever pero bakit meron pa ring naniniwala dito? Isa ako dun! bakit? kasi WALANG IMPOSIBLE sa mundo. tiwala at pagkakaintindihan lang ang kailangan para ma achieve mo at ma bulls eye ang gusto mo.