Chapter 1

1K 41 8
                                    

CHAPTER 1

"CLAYRENE, IS EVERYTHING OKAY? Ayaw mo bang sumayaw? Come on! Minsan lang tayong lumalabas. Busy na naman sa ospital next week. Let's enjoy this!"

Mahina siyang natawa habang hinihila siya ni Liza. Liza is her colleague and became one of her friends. Ito palagi ang kasama niya kapag sa mga gimikan. Liza is her food buddy as well. Pareho silang matatakaw kaya nagkakasundo silang dalawa pagdating sa pagkain. 

"Bakit hindi ka umiinom? Nakakapanibago," natatawang sabi ni Liza nang nasa gitna na sila ng dance floor.

Napangiwi naman siya. The last time she got drunk, she got married to someone. Kaya ilang buwan na rin siyang umiiwas sa alak. Baka sa susunod na malasing siya ay magugulat na lamang siya, may anak na pala siya.

"Sumayaw ka na lang. At pansinin mo 'yong lalaking kanina pa nakatingin sa'yo. Mukhang type ka." Ibinulong niya iyon sa kaibigan dahil maingay sa paligid dulot ng malakas na tugtog.

"Oh, sure!" Ngumisi ito. Mabilis kausap.

Mahina siyang natawa nang umalis si Liza at nilapitan ang lalaking kanina pang nakatingin dito. And the next thing she knew, the man and Liza are already kissing. Napailing na lamang siya at hinayaan ang kaibigan. Sanay na sanay na siya kay Liza. Iba-ibang lalaki ang nakaka-date nito pero pagdating sa trabaho ay seryoso ito kaya wala siyang masasabi roon. Nirerespeto niya ang personal na buhay ni Liza o kung ano man ang gusto nitong gawin sa buhay.

Bumalik siya sa bar counter at umupo. Ilang segundo pa lamang siyang nakakaupo roon nang may tumabi sa kaniya.

"Hi. Are you alone? Wanna drink with me?" the man asked.

"I'm married." Balewalang tugon niya.

The man chuckled.

"You're not wearing a ring," natatawang sabi nito.

Right. Wala siyang suot na singsing. She just found out that she's married a few months ago with the man she hate the most. Kapag naaalala niya iyon ay mas lalo lamang siyang naiirita.

"Since you're not wearing a ring, I believe you're not actually married? Come on, let me treat you for a drink and─"

"I can buy my own drinks. Thanks," she cut him off. She looked at the bartender and order a drink.

"It's my treat. Let's drink together. You know you're very beautiful. I've been looking at you and you really caught my attention. And I wonder how good you could be in bed? Damn, I wanna know." The man chuckled again.

She crossed her legs and looked at the man.

"So, you want to fuck me." It's not even a question but a statement.

"Well, yes," tugon nito.

"Magaling ka ba sa kama?" tanong niya.

"Of course," tugon nito at ngumisi.

"Marunong ka rin bang sumalo ng suntok?" tanong niya, lumagpas ang tingin sa balikat nito.

"What?" Naguguluhang tanong ng lalaki.

She just smirked. Awtomatiko niyang ininom ang inorder na alak na inabot ng bartender nang sinalubong ng malakas na suntok ang lalaki. Napahandusay ito sa sahig.

"I told you, I'm married. And that man is my husband," balewalang sabi niya habang nakatingin kay Rys na ngayon ay seryoso na ring nakatingin sa kaniya. 

Malutong na napamura ang lalaking sinuntok ni Rys at tumayo. Akmang susuntukin din nito si Rys nang dumating ang dalawang bouncer. Tila walang nangyari dahil umupo lamang si Rys sa tabi niya.

Sweet Sacrifice (PAID STORY - NOBELISTA EXCLUSIVE)Where stories live. Discover now