Three days have passed, hindi parin okay ang lahat. Hindi ko parin nakikita na pumunta dito si Borj sa bahay simula no'ng death anniversary ng Daddy niya. Nakakalungkot lang. Nawala na ang friendship nila ni Kuya dahil sa akin. Namimiss ko na si Borj sa totoo lang. I really missed him. Kamusta na kaya siya??
Simula no'ng araw na rin na 'yon, hindi ko na rin pinapansin si Kuya. Galit parin kasi ako sa kanya. Pinapangako ko rin na pag hindi sila magkakabati ni Borj, eh hindi ko siya papansinin! Hindi ko alam eh. Bumalik ako sa dati, naging masungit na ulit ako na para bang araw araw may regla. Haha! Masungit ako sa lahat at badmood ako araw araw. Si Borj lang talaga ang kayang sumuyo sa'kin pag ganito ako eh!
Tuwing hapon lagi lang talaga ako akong naka-abang sa bakuran namin na inaabangan na dumaan si Borj para makausap ko. Pinupuntahan ko siya sa bilyaran pero wala naman siya doon lagi. Sabi ni Lolo sa akin, lagi nalang daw siyang umaalis sa bahay nila kung saan saan pumupunta at umuuwi nalang siya pag gabi na. Nagiging lakwatsero na siya! Pati kami nila Jelai, feeling namin sobrang guilty kami sa mga nangyayari. Feel namin, kasalanan namin na kaibigan ni Borj kung bakit gan'on ang ginagawa niya. Sana naman, hindi magbabago si Borj.
"Hoy Roni, nakita mo ba relo ko?" Bigla akong napalingon sa nagtanong. Si Kuya.
Hindi ko siya tinugon. Ayoko siyang kausapin! Ilang araw ko na rin siya laging ginanito. Ni isang tanong niya o pagtawag niya, hindi ko talaga siya sinasagot. Ayokong isipin niya na hindi ako marunong tumupad sa pangako.
"Hoy! Tinatanong kita!"
Bahala ka sa buhay mo!
"Ano ba, hangang kailan ka ba ganyan?? Hindi mo na naman ba ako papansinin?"
Oo at kaya kong hindi ka pansinin kahit umabot pa nang isang taon!
"Ano, ba. Hoy! Roni!"
"Ano ang problema mo?! Pansinin m'ko! Nasaan ang relo ko?!
Panay ang pagtanong niya. Hindi ako kumibo.
"Sino na naman ba ang iniisip mo? Ha? Si Borj na naman ba?! Alam mo? Masyado ka lang oa! 'Wag mo na kasing isipin ang Borj na 'yon, ha? Kalimutan na natin siya kasi—"
Tumayo ako kaya natahimik siya. Hindi ko man lang siya tinugon bagkus ay pumasok ako sa loob ng bahay.
Lagi nalang niya sinasabi sa akin 'yan, wala na akong panahon sa'yo Kuya, kasalanan mo rin naman kung bakit ako ganito!
Pumasok ako sa loob pero sumunod parin sa akin si Kuya. Kinakausap parin niya ako! Hindi naman ako nakikinig sa kanya kaya lumabas ulit ako sa bahay at bumalik sa pwesto ko kanina sa bakuran.
"Ano ba!"
Hinila niya braso ko.
"Para kang tanga! Bakit ba hindi mo ako kakausapin?! Kinakausap kita oh!" Tanong niya.
Nilingon ko lang siya saka tinalikuran.
"Bahala ka! Kung ayaw mo'kong kausapin, eh di 'wag!" Galit niyang saad at umalis na siya sa pwesto ko.
Nakakainis siya! Bahala rin siya sa buhay niya.
Lumabas ako sa gate namin ngunit, napabalik ulit ako nang makita ko si Tonsi na papalapit. Isa pa itong si Tonsi, walang hiya rin!
"Sandali, Roni!" Tawag niya.
Napalingon ako at napatigil. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Sandali!"
"Pwede ba kitang kausapin?" He asked.
I didn't answer him.
"Ahm, kayong dalawa ni Yuan?" He asked again.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...