50: BEST FRIEND (Borj Jimenez POV)

205 19 0
                                    

"Uy, Borj! Nasaan kaibigan mo? Bakit nag-iisa ka?" Tanong sa akin ng iba pang mga kasing edad ko rito sa simbahan.

Madalas na talaga ang pagpunta ko rito para magdasal twing hapon at dumalo ng misa sa umaga. Marami kasi akong kasalanan kaya kailangan kong mag hugas-dili.

Nakakainis, hindi ako kinausap ni Roni. Kumusta na kaya siya? Namimiss ko na siya. Ang laki nang problema ko! Feeling ko, halos lahat nang mga mahahalagang tao sa buhay ko, nawala na. Iniwan na ako. Mga kaibigan ko, kapatid ko, magulang ko. Si Lolo nalang siguro ang nakakaintindi sa akin.

Hindi ko rin naman masisisi si Yuan kasi alam ko na traydor talaga ang paningin niya sa akin. Hay nako! Ang dami ko namang problema. Ang bata bata ko pa eh!

"Parang bago ka ata ngayon Borj ah? Nag-iisa ka?" Sabi pa no'ng isang kasama nila

Mga batang ito, pumupunta rito para magdasal pero panay naman ang tsismis.

Pagkatapos kong magdasal ay tumayo na ako.

"Bago na pala ngayon ah?"

"Kawawa ka naman pare"

Asar nila sa akin. Mariin ko lang silang tiningnan.

"Wala kayong pakialam!" Sigaw ko bago ko sila tinalikuran.

"Anong problema nun?" Rinig ko pang sabi ng isa nilang kasama.

Naglakad na ako para umuwi. Hindi parin kasi ako kumakain kanina bago ako pumunta rito sa simbahan, uuwi na muna ako para kumain.

Nang pauwi na sana ako meron akong nakasalubong na isang pastor na papasok palang sa simbahan.

"Borj?" Sabi niya sa akin

"Ah, hello po, Pastor!" Bati ko.

"Aga mo ata ngayon ah?" Asar niya sa akin.

Natawa ako. "Ah opo, nagdadasal po." Ani ko

"Ah? Mabuti naman." Sabi niya. Napatingin siya sa buong paligid. "Oh, nasaan ang kaibigan mo? Si Yuan? Hindi mo sinama?" Tanong niya.

Napapansin na rin nila na hindi ko na kasama si Yuan pag pumupunta ako dito. Malamang hahanapin nila iyon kasi kaibigan ko 'yon eh! Halos laging kasama ko 'yon sa mga gmik ko.

"Ah eh...wala po.." Sagot ko.

"Bakit? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Pastor.

"Ahmm may konting misunderstanding lang po, Pastor!" Sagot ko.

"Ahh.." tinapik niya balikat ko. "Alam niyo, mag-usap kayong dalawa. Kasi sobrang importante ng friendship niyo eh. Huwag niyo sirain 'yan. Kahit na tumanda kayo, dapat magkaibigan parin kayo." Sabi niya.

I laughed a bit. "Ahh sige po."

"Sige ah? Pasok muna ako sa simbahan!" Sabi niya I nood and agreed.

Napaisip ako sa sinabi niya, gan'on din ang sinabi hi Lolo sa akin. Huwag ko raw sayangin ang friendship na meron kami ni Yuan. Sa totoo lang, gusto ko naman talaga kausapin si Yuan pero duwag ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Eh hayaan ko nalang siyang magalit sa akin kasi kung ayaw naman talaga niya sakin para kay Roni, ano pa ang magagawa ko?

Tumakbo ako para mas mabilis ang pagdating ko sa bahay. Nang makarating ako sa hallway, isang lalaki rin ang bumangga sa akin.

"Ano ba!" Agap niya. Nakatalikod ako sa kanya.

Nang nakaharap ako, nagulat ako kasi si Yuan ang nakita ko.

"Yuan?"

"B-borj!"

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now