"anong plano mo?"
He pursed his lips. "Ang mapa-oo ka. 'Yun lang."
Pabiro ko siyang inirapan. Halos isang oras lang kaming nagtagal sa cafeteria dahil inaya na niya akong mag Jollibee ulit.
Linggo ngayon at galing pa kami sa simbahan kanina pero dumiretso na agad kami sa cafeteria dahil gusto niya raw mag coffee pero maya't maya pa ay gusto na pala niya sa Jollibee nalang. Nagpa-alam naman din kami kina Mommy na aalis kami.
Yes we'll eat again.
"Favorite ko na talaga ang Jollibee."
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya. Naging favorite niya lang iyon dahil lagi akong pumupunta doon dati na kasama si Jelai! Hinila nalang niya ang kamay ko at bahagyang hinawakan iyon. Tuloy na magkahumpong ang kamay namin hangang sa pumasok kami sa loob. My hand feel so small against him. Pinaupo niya ako sa usual seat namin at umorder ng pagkain. Sinabi ko na kaunti lang ang o-orderin niya kasi busog pa ako eh.
"Kain lang din naman kasi. Pwede namang ako na lang....masarap din naman."
"Borj!" asik ko.
Tawa siya nang tawa habang nakapila. Nanlaki lang ang mga mata niya nang bigla akong tumayo. Akala niya yata aalis ako. Inayos ko lang naman ang upuan ko. Nakita ko siyang napahinga nang malalim.
Matagal pa siya kaya napasyang pumunta muna ako sa restroom. Sinabihan ko na din naman siya at alam niya a doon ako papunta kasi nasa akin ang mga paningin niya nang umalis ako.
Nang nasa banyo ako ay kinuha ko ang parihabang kahon at isinout ang kwintas. Binigay niya sa akin ito at nagpadala pa siya ng sulat. Ang sabi nya ay isusuot ko lang daw ito pag sasagutin ko na siya. Yes! Gusto ko na siyang sagutin! Ayoko nang mawala siya sa akin, hindi ko na sasayangin ang mga bagay na nandito na. I want him to be my boyfriend. Gusto ko nang sumagot na oo. Nagdasal na din ako kanina sa simbahan na sana pag sinagot ko si Borj, hindi ako masasaktan. At sana ay hindi ako magkakamali sa desisyon ko. My heart warmed when i looked at my reflection. It's suits me. Inayos ko ng ilang sandali ang sarili ko bago bumalik sa upuan na parang walang nangyari kahit ang totoo ay mabilis ang tibok ng puso ko.
Exposed ang leeg at braso ko kaya alam kong makikita niya rin agad.
Nang makaupo na siya sa harap ko ay mabilis niyang inayos ang pagkain namin. But I don't think if I can eat! Parang sasabog ang puso ko.
"Kain na, baka mamayat ka." Tawang saad niya.
I glared at him. Hindi niya parin napapansin ang nasa leeg ko. I started eating the fries pero hindi ko na malasahan dahil sa kaba. Hindi ko alam kung gugustuhin ba niyang makita o hindi!
Pinanood ko siyang kumain at napatanto kong siya na talaga. Siya na ang gusto kong makasabay sa pagkain. Siya ang gusto kong makasama sa lahat ng hirap at saya sa buhay ko.
I bit my lower lip. Damn! It's not like we're getting married!
Dahan dahan ang ginawa niyang pag-angat ng tingin sa akin at handa na sanang mang-asar nang bumagsak ang mata niya sa leeg ko.
I fought the urge to gulp. He stared at my neck for a long time to the extent that I feel my hands shaking. Kabadong-kabado ako sa ginawa niyang pagtitig.
Inilapag niya ang fries at tumingin sa mga mata ko
"Labas," tanging nasabi nya.
"H-ha?"
He gulped and stood. Pigil na pigil ang expression niya. His lips are on grim line and his jaw were clenching. Muling dinaga ang dibdib ko. Hindi niya ba....gusto?
Tumayo na rin ako at nagsimula na siyang maglakad. I followed him. Negative thoughts flooded my mind. He looks like he doesn't like what he saw. Dapat ko bang tanggalin? Pero..gusto ko na siyang sagutin. Gusto ko sana siyang bigyan ng karapatan sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ayaw niya na ba? Dahil ba masyado akong matagal? Halos isang taon na niya akong gusto. Nagsawa na ba siya?
Walang tayo sa parking lot nang makarating kami roon. I'm so close to crying. I feel like I fail him.
"Roni." He called me sa seryosong tinig.
I can't bring myself to look him. Damn! I'm scared. Maybe he's not ready for me, yet. Baka sa tagal ko ay tuluyan na niya akong inayawan.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinatingin sa kanya pero iniwas ko lang ang mata ko. Tangina sasabog na yata ang puso ko sa kaba.
"Baby, look at me.....please?" Palambing na pahayag niya.
Nabuhayan ako ng loob sa tinawag niya sa akin. I breathe heavily before looking at his beautiful eyes. They were looking for something. Parang tinitingnan ng mga mata ko ang isang pakiramdam.
"M-mahal mo na ba ako, Roni?" Hirap na saad niya.
I bit my lower lip and nood. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
"Say it, please.."
Tinitigan ko siya. I can't believe we're reach this far. Nagsimula lang naman sa pag-amin niya sa akin hangang sa magustuhan ko na siya pati narin sa mga selos selos na nangyayari sa amin. Masyadong masungit ako sa kanya noon at masyadong mabait naman siya sa akin. Lagi nya akong pinoprotektahan kay Basti at hindi ko alam na may gusto pala siya sa akin. Kahit gan'on, tiniis nya.
He proved himself. Hindi niya ako sinaktan, hindi niya pinaramdam sa akin ang maging malungkot. Lagi nya akong pinapasaya. He showered me love and attention. He made me feel like i could accomplish greater things. Pag kasama ko siya, feeling ko, sobrang safe na safe ako.
His love is too great.
"I love you, Borj."
Idinikit niya ang noo sa akin habang ang mga kamay ko ay inilagay ko sa beywang niya. I never felt this love before.
"B-borj..."
He cleared his throat. "Hmm?"
"Ayaw mo ba? I mean,.." I trailed off. "Bakit mo'ko pinapunta dito?"
Muli niyang ibinalik ang hawak sa pisngi ko at tinitigan ang mata ko. He's smiling sweetly, parang tinutunaw ako. Bumaba ang kamay niya sa kwintas na suot ko at pinaglalaruan iyon.
"Because I can't kiss you there, Roni."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
Napaiwas ako nang tingin pero mahina lang siyang tumawa."P-parang sira!" Galit na saad ko pero nakahawak parin ang kamay ko sa beywang niya.
"Galit agad." Asar niya. "Biro lang eh."
I was ready to shout at him when he leaned closer to me and gave my lips a peck. Isang segundo lang iyon pero tangina! Para akong naestatwa! Akala ko ba biro lang?! Gago! He kissed me! He freaking kissed me!
Gusto ko siyang pagalitan pero napako talaga ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko alam kung may ibang tao sa parking lot!
"Thank you for trusting me, Roni." He uttered lowly. "We'll live beautiful life together."
As I stare at him, I knew, indeed, I will live.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...