Chapter 30

1.9K 44 1
                                    

Danna's POV

Ang gabi na iyon ay umuusbong ng mga bituin, at ang hangin ay may kakaibang lambing. Habang naglalakad ako sa kalsada habang nakapikit ang mga mata dahil sa pagod ko sa school at sobrang antok parang babagsak na lang bigla ang katawan ko, bigla na lang may sumalubong sa akin. Isang babae na agad namang humingi ng paumanhin.

"Sorry, i didn't see you there" biglang sabi niya sabay tayo.

Ngunit sa halip na magalit, bigla akong napangiti nang makita siya. May kakaibang init na sumalubong sa akin, tila ba may pumipintig na bagong sigla sa aking puso. Hindi ko alam pero parang nahipnotismo ata ako ng mga asul nyang mga mata na sa dilim ay nag liliwanag.

"Okay lang 'yon," ang sabi ko, hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang ngiti sa labi ko kahit na palagi naman akong nakasimangot sa mga tao sa paligid ko.

Hindi ko inaasahan na may magbibigay sa akin ng ganitong kakaibang damdamin. Hindi ko inaasahan ang susunod kong gagawin pero ewan hays diko maintindihan kung bakit ko to ginawa.

"Ako nga pala si Danna." Pag papakilala ko. Hindi naman ako madalas makipag kilala sa mga tao pero ewan koba.

Nagpakilala rin siya, at sa maikling pag-uusap namin, parang may instant na koneksyon na nabuo sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit sa bawat ngiti at tawa niya, parang nawawala ang lahat ng alalahanin ko.

Habang naglalakad kami papunta sa isang kapihan, hindi ko maiwasang hindi mag-isip tungkol sa kapatid ko si ate siruis. Sa bawat alaala ko sa kanya, parang may bagay na humihila sa akin pabalik.

Ngunit diko maiwasang mag alala alam ko namang sya na ang bahala pero pakiramdam ko naalala na ni ate siruis ang lahat dahil iba na ang kinikilos nito, para bang may nalaman ito at ayaw nitong sabihin kung ano.

Nagpatuloy kami sa aming lakad hanggang sa makarating kami sa isang maliwanag na kapihan. Sa loob ng kapihan, mas lalo pang lumitaw ang ganda ng babae. Ang kanyang mga mata ay parang naglalaro ng ilaw, at ang kanyang ngiti ay tila ba may kakaibang kapangyarihan na nag papakalma ng sistema ko.

Habang kami ay umoorder ng kape at nag-uusap, hindi ko maiwasang mapangiti sa bawat ngiti niya. May kakaibang lakas ang kanyang presensya na nakakaakit sa akin, tila ba sa tuwing tinitigan ko siya, parang may bagong emosyon akong nararamdaman, masyadong bago saakin ang feeling na to pero hindi ko alam kung bakit parang natural lang akong sumasama sakanya. Ah basta malay ko.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-iba sa kanya. Ngunit sa gabing iyon, alam kong may bagong simula sa aking buhay, isang bagong mundo na puno ng pag-asa. Ano nga uli ang pangalan nya?

"Samantha......." Sambit ng aking isipan habang nakatingin sakanyang ganda.




____________________




Pagbukas ko ng pinto, agad kong narinig ang mga ingay mula sa salas. Tumunog ang musika mula sa stereo, at ang amoy ng alak ang bumulaga sa akin. Nang masilayan ko ang salas, nakita ko si Ate Siruis na nakaupo sa sofa, ang hawak ay isang basong puno ng alak.

"Ate," sambit ko, na agad kong napansin ang pag-urong niya sa pagkakaupo.

"Bakit nag kakaganyan ka? May problema ba sainyo ni Ate Alessandra?"

Ngunit sa halip na sumagot, tumawa lamang siya at bumalik sa pag-inom. Ang kanyang mga mata ay mukhang nalulunod sa kalasingan, at napansin kong tila ba wala na siyang pakialam sa mundo.

Naramdaman ko ang init ng galit na sumisirit sa aking dibdib. Paano nangyari ito? Paano nawala ang dating masayahing Ate Siruis na kilala ko? Hindi ko mapigilang magalit sa kanyang kalokohan. Ano bang pinag gagawa ni Alessandra dito? Tangina lang ah sana hindi nalang sya bumalik kung gaganyanin nya ate ko.

"Ate, tama na 'yan!" sigaw ko, subalit walang epekto ang aking mga salita. Tumatawa pa rin siya, parang baliw sa pag-inom ng alak.

Hindi ko matanggap ang nakikita ko. Hindi ito ang Ate Siruis na aking kilala. Ang kanyang pagkawala sa katinuan ay tila ba kumakalabit sa aking mga buto. Ngunit sa kabila ng aking pagpipigil, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang galit na sumisilip sa kanyang mga mata.

Bigla niyang tinapon ang kanyang baso ng alak, na tumalsik at sumalampak sa sahig.

"Sino ka ba para pigilan mo ako?" sigaw niya, ang bawat salita ay parang bawat sampal na dumampi sa aking mukha.

Naramdaman ko ang sakit ng kanyang mga salita, ngunit mas higit ang sakit na nadama ko dahil sa kanyang pagkawala. Dati ng nawala si ate at hindi ko kayang mangyari uli yon.... Hindi ko kayang makita uli syang misirable dahil sakanya.

"Ate, hindi ka ganyan dati itigil mona yan please," mahinang sabi ko, ngunit tila ba walang epekto ang aking mga salita sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng salas, ngunit bago pa ako makalabas, bigla niyang hinila ang aking braso at mariin na sinampal ako. Ang bawat sampal ay parang panlilimos ng kanyang galit sa aking kalooban.

Ayos lang yan ate......

Ako nalang ang saktan mo dahil kasalanan ko kung bakit ka nasa gantong position ngayon....





Sorry...... Sambit ko sa aking isipan habang pinapanood syang sampalin ako at mapaluhod habang umiiyak.














Naalala nya na ang lahat. Alessandra..














TO BE CONTINUE...............

🦖

My sugar mommy ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon