A/N: This happens before Artemis came in the Yale University.
Max
" Hoy max, may meeting daw kayo." sabi ng kaklase ko pag dating na pag dating ko sa room namin.
" kakadating ko pa nga lang eh." reklamo ko pero ang kumag inikutan lang ako ng mata.
" eh yun yung sinabi sakin eh." sabi nya at tsaka sino ba to? Hindi ko to kilala ah.
" sino kaba? " tanong ko sa kanya habang nag hahalungkat ng gamit sa bag ko.
" tanga, kaklase mo. " sabi nya at tinignan ko ito ng diretso at na namukaan ko sya.
" hala! Pumapasok ka pa pala? " tanong ko sa kanya.
Hayop din to eh, sa isang lingo isa o dalawang beses lang kung pumasok.
" yes namn." sabi nito at nag hair flip pa. Tanga ba to? Pagkatapos kong makuha ang cellphone sa bag ko ay lumabas narin ako ng room.
If you guys didn't know me, I am Maxine Cleo Lim, 1st year Civil Engineering student, a member and working community of organization for CE students. And I believe, do not beg for someone cause to beg is water.....okay waley.
I'm on my way to the office, totoo talagang may meeting kami now. Yale University is really different University from other University around the Philippines, bakit ko nasabi yun? Wala bias ako eh, pake n'yo ba.
" late ka ah." sabi ng ka member ko pero inungusan ko lang.
" I'm not late, sadyang maaga kayo nag simula ." sabi ko at sabay upo sa katabi kung upuan. Alangan namn sa sahig ako umupo diba.
Late nga ako HAHAHAHA. Kasi namn may chiks kase akong nakasalubong tapos kailangan nya ng tulong, kaya ayon tinulongan ko, sayang namn ang chance diba?
So ang agenda for our meeting today is about the upcoming CE days and yes! No classes na naman. Yan ang gusto ko yung gusto din ako, anyway inassign na ng President namin ang mga gagawen and as usual sa editing tayo mga par. She assign me to edit the posters to be posted and spread out online on our page so that CE students know about the upcoming event.
-
" Hoy crush mo si Miss Maggie noh?" tanong ko kay Gail kase titig na titig itong asungot nato kay Miss Maggie.
" tanga anong crush pinagsasabi mo! ." pasigaw na sabi nya bad trip amp.
" ses aminin mo na. Titig na titig ka nga eh, tulo pa laway mo." sabi ko hindi sya tinitigilan sa pang bwebwesit.
" tangina mo, lubayan mo nga ako." sabi sabay punas sa baba nya. Uto-uto rin to eh HAHAHAHA.
" magkaibigan tayo tapos gusto mong lubayan kita, ay hindi pwede yan. Kaya nga kita kinaibigan para ma feel mo namn kung tanong feeling ang may pogandang prend." sabi ko sabay ngiti sa kanya at taas babang kilay.
She look at me weirdly at binatukan ako.
" Hoy mandiri ka nga. Poganda amp. " sabi ni Gail na parang nandidiri sa sinabi ko.
Tinawana ko lang ito sabay subo ng pagkain. Tinignan ko ulit si Miss Maggie at may naisip na naman.
" pero may jowa si Miss M eh." sabi ko at pilit na pinaseryoso ang boses ko.
Nabitin ang pagsubo ni Gail ng pagkain pagkatapos marinig ang sinabi ko.
" totoo?" tanong nya ng may panghihinayang sa tono ng boses.
Pinipigilan Kong matawa at tumango sa kanya.
" sino daw? "tanong nya at parang nawalan ng gana ang Gaga.
Sabi ko sa inyo Crush nito si Miss M eh. Magkaibigan na kami Senior High palang alam ko na ang ligaw ng bituka nito.
" ako daw. " sabi ko at tumawa ng malakas.
" tangina mo talaga. " sabay sabunot sakin rason upang mahulog kami sa upuan.
Tawang tawa parin ako kahit naka salampak na kami sa sahig.
" kita mong seryoso yung tao, tapos gaganyan ka." sabi ni Gail at halatang nainis ang Gaga.
" aray bitawan muna ang buhok ko HAHAHAHA." sabi ko dahil masakit na.
Ang gaga hindi parin binitawan kaya gumanti ako sa kanya at sinabunotan din eto. Natigil lang kami ng may pares ng sapatos ang huminto sa harap namin.
" what are you two doing?" shet ang hot at lamig ng boses.
Ang maingay na cafeteria ay biglang tumahimik na parang may dumaan na nakakatakot. Sabay kaming nag angat ng tinging ni Gail at sabay nanlaki ang mata ng mapagtanto kung sino ito.
Sabay naming binitawan ni Gail ang isa't-isa at tumayo sabay tingin sa baba. Tangorangejuice naman oh, bakit sya pa.
" No one will answer me?" tanong ulit nya. Siniko ko si Gail at sinenyasan nya sa na ang sumagot. Pinanlakihan nya ako ng mata.
" a-ano po nag l-lalaro lang po kami." sabi nya at nanginginig pa ang boses. Sino ba naman ang hindi matatakot kung sya ang mag tatanong. Mas nakakatakot pato kaysa kay Miss M eh.
" hmm playing, The name both of you?" tanong nya at sabay tap ng dulo nga sapatos sa sahig.
" G-Gail...Fernandez po." sabi ni Gail at sabay siko sa akin.
" are you def?" tanong nya at ngayon kulang napagtanto na ako na pala ang mag sasalita.
Inangat ko ang paningit at Tinignan sya ng diretso sa mata. Sheyt ang ganda ng mata niya. She looking at me coldly waiting for me to talk.
" Maxine Lim, m-mommy." sabi ko at hindi ko napansin ang huli Kong sinabi. Tumaas ang isang kilay nya pagkatapos marinig ang sinabi ko.
" WHAT?!" pasigaw na tanong niya at napapikit ako dahil sa sigaw nya. Tangorangejuice, anong mommy?
" h-hoy, anong mommy? ." tarantang sabi ni Gail sabay hampay sakin .
" este Maxine Lim po." bawi ko sa sinabi ko kanina.
She look at me like she wants to murder me. Bakit Kasi ang ganda ng babae nato maldita nga lang, so it's a no no.
" first warning you two. " sabi nya sabay alis sa cafeteria.
" yes, pres." sabay na sabi namin ni Gail kahit na paaliss na ito ng cafet.
Pagkaalis nya ng Cafet ay umingay na naman ang loob na para bang na sa palengke lang.
" Tangorangejuice, anong mommy oi." sabi ni Gail sabay tawa. Inikutan kulang ng mata at umupo na at pinagpatuloy ang pagkain namin.
That was the Student Council President that every students fear off that's why parang lahat ng estudyante kanina ay naging bato. Muntik na kami dun ah.
Zayn Priya Lopez sheesh pangalan palang alam mo ng maldita HAHAHAHA
😎
