Chapter 19
“ATE JOEL!” masayang sigaw ni Zariana pagkakitang-pagkakita pa lamang sa akin na naglalakad sa aming bakuran.
Nasa labas kase siya at naglalaro at naghahabulan kasama ang aso naming si Junju. Napangiti naman ako at agad na yumuko para salubungin siya ng mainit at mahigpit na yakap. At dahil sa mabilis siyang tumakbo ay walang kahirap-hirap na narating niya kung saan ako nakatayo.
Agad niya akong niyakap ng napakahigpit na para bang ilang taon na kaming hindi nagkikita e, mag-iisang buwan pa lang naman.
Napangiti naman ako. Ito yung miss na miss ko.
Humiwalay naman siya at ngingiting napatingin sa akin “Ate, namiss po kita!” magiliw na sambit niya at napakalawak ng ngiting nakapaskil sakanyang labi.
“Namiss rin naman kita” I tapped her head “Si mama?” tanong ko at tumingin sa paligid nagbabakasakaling mahahagip ng mga mata ko si mama pero wala naman siya.
Napatingin si Zariana sakin “Nasa loob po ate...” napatigil siya at napadako ang tingin niya sa taong nasa likuran ko na nakalimutan kong naroroon pala siya dahil sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko pagkakita ko pa lamang sa kapatid kong babae.
Napalingon narin ako at nakita ko si Stefano na seryoso lamang na nakatingin sa aming dalawa. Gusto kong mairap dahil sa paraan ng pagtitig niya pero pinigilan ko lamang ang sarili ko dahil nasa harapan kami ng kapatid ko.
Napakamot ako sa aking batok dahil mukhang mapapasubo ako nito, mabuti na lamang ay nakagawa na ako ng alibi dahil kung hindi ay magtataka sila kung sino itong kasama ko ngayon.
“U-Uhm, Zariana si–”
“Kuya Stefano!” pagputol niya sa akin at agad na tumakbo patungo kay Stefano na ngayo'y napatigil dahil sa matinding gulat, agad namang yumakap si Zariana sa kaliwang paa nito.
Kumunot naman ang noo ko at napanganga dahil narin sa gulat. Naiwan ang labi kong nakanganga habang nakatingin sa aking kapatid na nakayakap parin sa kaliwang paa ni Stefano.
K-Kilala niya si Stefano?
Paano?
Nag-angat ng tingin si Stefano at may pagtatanong ang mga matang tinignan ako, pero maski ako ay hindi ko alam kung ano o bakit kilala siya ng kapatid ko kaya isang simpleng pagkibit-balikat lamang ang tanging naisagot ko.
Nakita kong gumalaw ang ulo ni Zariana at tiningala si Stefano na ngayo'y namamanghang napatingin sa aking kapatid, nag-aalangan naman siyang ngumiti dahilan para humiwalay ng yakap ang kapatid mula sakanyang paa.
“Zariana” mahinang tawag ko ng nakabawi narin ako sa gulat pero hindi niya ako sinagot maski nilingon manlang dahil manghang nakatingin parin siya kay Stefano.
Napalabi ang kapatid ko at nagniningning niyang pinagmasdan si Stefano na ngayo'y hindi alam ang gagawin “Ang gwapo mo po sa personal, WAHHHHHHHHH!” tili niya at niyakap ulit ang paa nito.
Hindi ko naman mabasa ang reaksyon ni Stefano, para itong naiilang na natatawa na namamangha?
Umiling-iling na lamang ako at agad na pumasok sa bahay at hinayaan ang dalawa sa labas, tutal may tiwala naman ako kay Stefano na hindi niya sasaktan o pasasamain ang loob ng kapatid ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay nadatnan ko naman si mama na nakatingin sa kawalan na para bang problemadong-problemado. Mabilis naman akong naglakad patungo sa pwesto niya at bahagya pa siyang nagulat nang magsalita ako.
Nagtataka at gulat niya akong tinignan “J-Joel? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong niya at bakas pa sakanyang mukha ang gulat, pero mas nakikita ko rito ang matinding pagod at kakulangan sa tulog.
YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...