Gabi

37 4 1
                                    

SELENE


Namamangha parin ako sa pambobola at paninipula ni Alexis, dahil ang simpleng outing lang sana namin ay napadpad sa isang private beach party. Matapos kasi naming mag picture taking sa beach at makipag laro sa aso ng iba ay nag lunch kaming apat sa isang beachfront cafe kung saan pinairal ni Alexis ang kakapalan ng kanyang mukha at nilapitan ang grupo ng mga babaeng naka-beach wear, pa-kunwari pa itong foreigner at hinila si Calixto na akala mo siya talaga ang sikretong bala pagdating sa pag-gatecrash ng mga party.

Medyo tama naman siya doon dahil sino ba namang hi-hindi sa pagmumukhang yan?

Narinig kasi nila Alexis at Justine habang nagbabayad sila ng order namin na may beach party daw na magaganap sa isang private villa malapit lang dito. Isa dun sa mga babaeng naka-beach wear ay syota nung mag ce-celebrate at dahil nagsama ang dalawang loko-loko, nagbulungan sila bago bumalik sa upuan na may nakakalokong ngiti at nakatuon ang buong atensyon nila kay Calixto na inosenteng umiinom ng non-alcohol fruit cocktail. Iyon pala ay gagamitin nila ito para makalibre ng access para sa free alcohol at walwal. Tignan mo, bakit pa kami nag non-acohol drink kung ganon din pala?

Kaya heto kami ngayon, dalawang oras ng nakalipas simula ng makuha nila Alexis iyong address nung villa, at ang balak naming pag-uwi ng alas siyete ng gabi ay nabalewala.

Buti na lang at halos kaedaran lang din namin lahat ang nandito, napag-alaman din namin na birthday party pala ito. Nag mistulang disco and back lawn ng villa kung saan may maliit na pathway ito papunta sa dagat pero tanaw mo parin ang magandang view lalo na kaninang sunset, ngayon ay maririnig mo na lang ang agos ng alon, meron din silang medium size pool kung saan muntikan ng madapa sila Calixto at Alex dahil napaka-ligalig nila, akala mo talaga hindi mga mayayaman. Tapos, panay parin ang english ni Alexis at tinodo na ang pagpa-panggap na galing ito South Korea at andito lang siya para mag-aral ng Ingles.

Si Justine na nasa tabi ko ay nararamdaman kong medyo tipsy na dahil panay na ang tawa sa maliliit na bagay at halos bakuran na lahat ng lalaking lumalapit sa akin, hindi niya alam na pati siya ay nilalapitan din pero naka-focus itong irapan lahat ng nagbabalak. Salungat sa amin na nasa dulo lang malapit sa bartender hut ay sila Alexis at Calixto na nasa bandang pool area parin kung saan andon yung malaking disco light at speakers, napapaligiran din sila ng mga babaeng naka-swimsuit, sa sobrang galing ni Alexis sa tao ay pati ang birthday celebrant ay kasama na nila, akala mo talaga matagal ng magkakakilala. Natatawa na lang kami ni Justine sa ka-feelingan niya.

Siguro nga'y pati ako ay natatamaan narin dahil ramdam ko ang maya't maya'y pag tingin sa akin ni Calixto, na para bang wala siyang pakealam sa mga babaeng naka-palibot at kumakausap sa kanya, minsan nginingitian niya ang mga ito pero babalik at babalik parin ang mga mata niya sa akin.

Sinabihan ko silang wala masyadong iinom ngayon dahil hindi pa nawawala sa sistema namin ang alak kagabi pero ang titigas talaga ng ulo at sunod sunod parin ang pag-inom ng mga kaibigan ko. "Love, CR lang ako!" Saad ni Justine sa gilid ko at agad naman akong tumango.

Nang makaalis si Justine ay naisipan kong magpunta sa bartender hut para kumuha ng panibagong inumin, habang inaantay ko ito ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa aking bulsa.

Nang makaalis si Justine ay naisipan kong magpunta sa bartender hut para kumuha ng panibagong inumin, habang inaantay ko ito ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa aking bulsa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon