"Sis! Excited na talaga ako sa kasal niyo ni Rico!" pasigaw na sabi ng aking kaibigan na si Maureen. Supportive talaga si bruha! Parang siya pa ang ikakasal niyan.
"Bunganga mo, Maureen! Wag na nga kitang gawing bridesmaid!" pabirong sabi ko, binatukan naman ako ng bruha.
"Hooy, Vivian! baka gusto mong sisigaw ako ng 'tigil ang kasal'!" pabirong sabi nito na ikinatawa na lamang naming dalawa.
"Subukan mo at hindi bouquet ang itatapon ko sayo!" banta ko, nagkunwaring natakot naman si bruha.
Dalawang araw nalang ay ikakasal na kami ni Rico kaya tudo asar naman itong kaibigan ko. Mas excited pa nga kasya sa akin ang bruha.
"Sukatin mo na nga kasi yung gown mo beh!" seryosong sabi nito, nag-aalanganin na sinagot ko naman ito.
"Hindi ba, bawal? Masama raw sukatin ang gown kapag hindi pa araw ng kasal." seryosong sabi ko, napatawa naman si Maureen.
"Ano kaba! Katatapos lang ng bagong taon, naniniwala kapa diyan?" mausisang tanong niya sa akin.
Sabagay ay tama naman si Maureen. Hindi naman sigurong masama sukatin ko ang aking gown. Hindi rin naman ako naniniwala sa mga pamahiin ng mga nakakatanda. Ang sabi rin nila ay ang sa mga naniniwala lamang nangyayari ang mga masamang pamahiin.
"Oo na nga! Excited ka talaga bruha ka!" sabi ko sa kaniya, habang papasok sa dressing room. Nang matapos kong suotin ay agad na akong lumabas.
"Hala! Ang ganda mo Vivian, bagay talaga sayo sis!" compliment naman ni Maureen, habang kunwaring pinahidan ng panyo ang kaniyang laway sa bibig.
Lumakad naman ito papunta sa akin. Sa kaniyang pagmamadali ay nabitawan naman nito ang dala niyang baso na may lamang tubig. Kinabahan naman ang bruha.
"Kinakabahan ka diyan?" mausisang tanong ko sa kaniya.
"Sabi kasi nila may masamang mangyayari raw pag nabasag ang baso." seryosong sabi nito, na ikinatawa ko.
"So, naniniwala kana rin sa mga ganiyan?" patawang sabi ko, umirap lang ang bruha at tumawa.
"Not in my vocabulary!" patawang sabi nito.
Matapos ang ganap na iyon ay umuwi na ako sa amin. Gabi na pero hindi pa rin umuuwi ang aking fiance na si Rico. Tinawagan ko naman ito pero hindi naman nito ito sinasagot.
Kinaumagahan na gising na lamang ako na sa tabi ko na siya. Agad ko naman itong ginising at malapit na ang oras ng aming kasal. Matapos ang aming pagbibihis sa tulong ng mga wedding coordinator ay pumunta na kami sa simbahan.
"Narito ako sa harap mo, Vivian Ramirez, sa harap ng ating mga mahal sa buhay, upang ipahayag ang aking pinakamalalim na pagmamahal at pangako sa iyo."
"To have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. This is my solemn vow."
Duguan ang damit na suot ni Rico habang sinasabi ang kaniyang vows sa akin. Maging ang kaniyang mukha ay basag at tumutulo ang dugo mula sa kaniyang ulo. Tiningnan ko naman ang buong paligid halos lahat sila ay nakakulay itim ang damit na suot. Bumalik ang tingin ko sa harapan at sanhi ng aking pagkagulat.
Na-nasa kabaong si Ri-Rico!
"TILL DEATH DO US PART" nakakatakot na sigaw ang narinig ko sa simbahan.
Nagising ako mula sa bangungot na iyon. Masamang panaginip. Bumabalot sa akin ang kakaibang takot. Ang mukha ni Rico sa kabaong ay tila naglalakbay sa aking isipan, at ang salitang "TILL DEATH DO US PART" ay nag-eecho pa rin sa aking tenga.
Nang magising, naramdaman ko ang pangangatog ng aking puso. Tinawagan ko kaagad si Rico para matiyak na buhay siya. Sa kabutihang palad, sumagot siya at nagtaka sa aking takot.
"Hala, bakit gising ka na?" sabi ni Rico sa kabilang linya.
"Rico, natakot ako. Parang totoo yung bangungot na ikakasal tayo tapos biglang... biglang naging kabaong ka!" nababahalang sabi ko.
Natawa si Rico, "Mahal, siguro masyado ka lang excited sa kasal natin. Wag ka ngang mag-alala, buhay na buhay pa ako."
Ngunit kahit anong paliwanag ni Rico, ang takot ay nanatili sa aking puso. Matapos ng maayos na usapan, nagdesisyon akong bumisita sa simbahan kung saan magaganap ang aming kasal. Gusto kong tiyakin na wala nang kahit anong masamang premonisyon.
Pagdating sa simbahan, tahimik ang paligid. Binuksan ko ang pintuan at doon ko napansin ang isang lumang larawan na nagtuturo sa aming altar. Ang litrato na ito ay tila naglalaman ng masalimuot na kasaysayan.
Nang masilayan ko ang larawan, bigla akong napabalik sa bangungot ko. Nakita ko ang sarili kong kasama si Rico sa larawan, ngunit tila may multo sa likuran namin na tila siyang nagbabala.
"Ano bang kalokohan ito?" bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang larawan.
Nang biglang tumunog ang organo ng simbahan, napatingin ako sa altar. Ang mukha ni Rico ay nag-iba ng anyo. Siya ay tila hindi na ang asawa ko kundi isang multo na may malamig na ngiti.
"TILL DEATH DO US PART," ang marahas na bulong ng multo habang lumalapit sa akin.
Nagising na naman ako sa tunog ng aking cellphone hudyat na may tumawag sa akin. Nang tinitigan ko ang tumawag ay si Mama Elena ito, sinagot ko naman ang tawag.
"Pa-patay na siya!" pasigaw na paiyak ni Mama Elena ang ina ni Rico.
"A-ano po? Si-sino?" kinakabahang tanong ko.
"Wa-wala na si Ri-Rico, Vivian!" humahagulgol na sabi nito.
Biglang tumunog na naman ulit ang aking cellphone, tiningnan ko naman ito.
"Me-message? Ni Ri-Rico?" kinakabahang bulong ko sa aking sarili, habang balak na buksan ang message na natanggap ko.
"TILL DEATH DO US PART"
Nang mabasa ko ang message, biglang naglaho ang aking pag-asa. Ang pangako ni Rico mula sa aking bangungot ay tila nagiging totoo."TILL DEATH DO US PART," muli itong bumabalik sa aking isipan. Isang malupit na kaba ang bumabalot sa aking puso.
Ang nararamdaman kong takot at pangamba ay tila nagiging totoo. Naisip kong tawagan si Rico, subalit natigilan ako nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto. Sa aking gulat, naroon si Rico na buhay at maligayang-maligaya.
"Ano bang problema, Mahal?" sabay yakap ni Rico sa akin.
"Till death do us part," narinig ko ang sarili kong bulong.
Ngunit sa halip na maging masaya si Rico, biglang nagbago ang kanyang mukha. Ang ngiti ay napalitan ng takot.
"Ano ang ibig mong sabihin, Vivian?" tanong niya ng may pangamba.
Nang muling tumunog ang cellphone ko, may bagong message.
"TILL DEATH DO US PART"
Nag-iba ang kulay ng aking paligid. Ang saya ay napalitan ng kakaibang pangamba. Tililing ako sa salamin at doon ko nakita ang multo ni Rico na nakatitig sa akin.
"Till death do us part," marahas niyang sinabi, at biglang nawala sa aking harapan.
Nagising ako, pawis na pawis at may kahalong kaba. Nang tiningnan ko ang aking cellphone, walang natanggap na kahit anong message mula kay Rico. Napagtanto ko, ito'y isang panaginip lamang, ngunit ang takot ay hindi mabilang.
"You may now kiss the bride!" masayang sabi ng pari.
Nang magtagumpay ang seremonya, naglipat kami sa reception venue. Naging makulay at masaya ang lahat. Wala nang multong lumilitaw, at ang kabaong ay malayo nang alaala.
"Salamat at hindi nagkatotoo ang bangungot ko," bulong ko kay Rico habang nasa gitna kami ng sayawan.
"Salamat sa'yo, Mahal. Tayo na, magkasama hanggang sa dulo," sagot ni Rico, habang hinihigpitan ang yakap sa akin.
"Till death do us part," ani ko, ngunit ngayon ay puno ng pag-asa at pangako ng masayang buhay.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORY COLLECTION
Kısa HikayeThis format allows readers to experience a diverse range of tales within a single book or anthology.