Exchange

129 7 6
                                    

Carly.

"Tapos na ba ang lahat?" Tanong ni Mam Christy saamin. Ako naman, chill lang dito dahil tapos na ako sa seatwork namin. Nakatunganga lang ako dito ng tawagin ako Jasmine.

"Carl! Exchange na?" Tanong niya saakin. Sabay turo sa book niya. Tumango nalang ako dahil ganon din ang sasabihin ni Mam.

"Carly, exchange nalang tayo." Sinabi ni Gerald, isa sa mga NAGING crush ko. NOTE THE NAGING.

Umooo nalang ako dahil ngayon niya lang checheckan yung book ko. Ako kasi palaging nagchecheck ng book niya.

Nagexchange narin si Jasmine at si Bry. Ayoko rin maki pag exchange kay Bry, dahil super pangit ng sulat niya. Yung check niya parang, kidlat, tapos magdadagdag siya ng kung ano anong kaekekan niya sa buhay... Ewan ko..

"Oh, Carly? Kala ko ba exchange?" Tanong ni Jas.

"Ano, nagexchange na kami ni Gerald." Sagot ko naman sa tanong niya habang tinuturo ko ang sarili ko at si Gerald.

"Ahh, ok.." Pagaagree ni Jas. Sabay evil grin. Ako naman umiwas lang ako ng tingin dahil alam ko ang ibig sabihin niya.

Nagbigay na ng mga sagot si Mam. Nangangalahati na kami ng pagcheck ng biglang may tumawag saakin sa harapan.

"Sige, Carly. Bigay mo nalang kay Bry yung book ko." Sinabi niya saakin. Ako naman nagtataka. Bakit?

Tuloy parin si mam kakabasa ng tama sagot. Buti nalang di kami napansin.

"Bakit? Diba, napapangitan ka sa check niya?" Tanong ko sakanya.

"Okay na yun." Pagpipilit niya.

Wala na akong choice kung hindi, makipagpalitan sakanya ng libro. Ngayon, nakay Gerald yung book ni Jasmine, nakay Bry naman yung book ni Gerald, at nakay Jasmine yung book ni Bry.

At ang book ko nasa akin. Sakit.

Ay, bakit ganito? Feeling ko magisa ako. Nakakainis. Ghawd, ang babaw ko naman! Parang maliit na bagay. Pero bakit?

Ayaw niya ba saakin?

Sa buong subject, naging tahimik nalang ako. Nanghina ako dahil dun. Bakit ganito? Ang immature ko. Maliit na bagay, kinaiinisan ko. Mayghawd!

Nang matapos yung sumunod na subject, nilapitan ko si Jasmine.

"Jas, labas tayo" Mahina kong sinabi.

Tumango lang siya at nagpaalam kami kay Sir Derrick. Nung nasa Cr na kami, kinuwento ko lahat ng nangyari kanina.

"Mayghawd! Kahit ako mafefeel ko na ayaw niya sakin!" Sinabi ni Jas.

"Oo nga eh. Pero tingin ko, ang babaw ko. Lam mo yun? Ang immature ko." Sagot ko naman kay Jas. Then insert sad face.

"Tingin ko, kailangan mong sabihin yun." Lumaki naman ang mata ko nung sinabi niya yun. Bat niya sasabihin? Sabihin niya isa nanaman to sa mga pagiinarte ko. Marami pa akong atraso sa kanya simula nung last grade namin, kaya hindi ko kayang dagdag ko pa yun.

"Jusko, Jasmine. Pagsinabi mo yan kay Gerald, kakalimutan kong lalaki si Darren Engkanto!" Pagbabanta ko sakanya. Yung kilay naman niya umabot na sa Jupiter.

"Then what will you gonna do with my boyfriend?" Pageenglish niya. Palibhasa, Fan siya ni Darren Eapanto. Ako naman hater.

"Ipagkakalat ko na isa siyang bakla. I will edit his picture and JK's picture. Papalabasin ko na, they are cuddling each other. So now, papalag ka pa?" Pagtataray ko. She messed with the wrong girl.

Exchange. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon