C H A P T E R 8

340 19 0
                                    

“Nag-aaway ba kayong dalawa?”

Mabilis kong inalis ang tingin kay Vincent nang maulinigan ang boses ni Mommy. My heart started pounding violently. Seryoso ang tingin niya sa'min habang diretsong nakatayo nang sipatin ko siya ng tingin. Damn it! Narinig kaya ni Mom yung pinag-uusap namin? Sana hindi!

“M-mom...” Nautal ko pang sambit.

I walked, approached her and kissed her.

“Nag-uusap po lang kami ni Kuya, Mom,” agap ko. “Kanina pa ba kayo nakauwi ni Tito.” Pag-iiba ko ng topic.

She took her eyes off on Vincent and turned to me.

“Yup,” tipid niyang sambit.

“Mom, I guess you forgot to update me. You said you'll update when you get home.”

“I'm sorry, biglaan kasi 'yong uwi namin ng Tito Valentin mo. There was a problem with his company.” Tuluyan nang nabaling sakin ang buong atensyon ni Mommy.

“It's okay mom, at least you and Tito got home safely. At sana maayos ni Tito yung problema niya sa kompanya.”

“You. Parang ang aga mo yatang umuwi?” Mommy asked me back.

I snorted. “Why mom, ayaw mo ba akong umuwi ng maaga?” Ang boses ko ay kunwaring nagtatampo.

“Hindi naman. Hindi lang ako sanay na umuuwi ka ng maaga. Madalas kasing gabihin kana kung umuwi.”

Mommy really knows that I'm a workaholic. I will not deny that it because it is true.

“I came home early because nalaman kong nakauwi na pala kayo ni Tito Valentin sa mansyon. I miss you Mom.”

“Kaya naman pala. I miss you too my baby.”

I frowned. “Mom, I'm not baby anymore,” bigkas ko.

Mommy laughed at my reaction. “But you're still my baby...” May bahid ng pang-aasar ang tono ng boses niya.

Mayamaya pagkatapos nang kulitan namin ni Mommy nagpaalam ako para magbihis. I went to my big closet and looked for house clothes. Nang makahanap hindi na ako nagpalipas ng oras at agad na nagbihis. I'm in front of my standee mirror. Kinakabit ko 'yong binili kong necklace sa mall no'ng nakaraan. Suddenly someone knocked on my door. My eyes quickly flew there.

“Come in!” Ani ko.

Bukas ang pinto kalaunan at iniluwa no'n ang isa naming kasambahay.

“Señorito Ace, pinapatawag kana po ni Madame Helga para mag-hapunan.”

“Pakisabi na susunod na ako,” Utos ko.

She nodded, “Sige po...” bago isarado ang pinto.

I didn't stay in my room for long. I eventually came out and headed to the dining kitchen of the mansion. Namataan kong kumakain na sila. Nabigla pa ako nang makita si Vincent na kumakain. Ito na yata ang pangalawang pagkakataon na sumabay siya sa'min kumain. Kaya nakakapanibago.

“Kain na!” Aya ni Ate Vanessa nang magtama ang tingin namin.

Ngumiti ako.

“Nandyan kana pala,” Si Tito Valentin. Nakasuot pa rin siya ng pang business attire.

Gaya noon umupo ako sa tabi ni Ate Vanessa. I got some food and then started eating. It was too late, when I realized that I was between Vincent and Ate Vanessa. I just ignored it, after all, he probably wouldn't do anything to make me angry.

I thought my dinner was going to be fine when I felt a warm palm land on my leg. Kahit hindi ko tingnan ay alam ko kung kanino iyon. Nilingon ko si Vincent. Patay malisya lang siya habang patuloy na kumakain. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa binti ko at inalis.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon