27

6 1 0
                                    

A/N: Unedited

-

"Hey there, beautiful." He said when he reached our table.

Napatayo ako at lumapit sakanya para ma....

Sapak siya.

"Boom!" Sabi ni Tj at bumunghalit ng tawa.

"Aray ko!" Reklamo ni Thyler at napasapo sa pisngi niya.

"Tanginamo! Bakit ka andito?!" Asik ko.

"Ay! Bakit ayaw mo ba? Nakakasakit ka ah!"

Niyakap niya ang sarili niya at ngumuso.

Thayler Matheus Fracktumos. My heart breaker cousin who's back on the Philippines.

"Hi, Ky!" He greeted Ky.

He was smiling widely. Napatingin tuloy ako kay Ky na nakatitig lang din kay Thyler at mukang nagulat sa ginawa ng pinsan ko.

Umupo si Thyler sa tabi ni Tj na nakasimangot dahil umusod pa siya para maka-upo si Thyler.

"Aray! Yung bicep ko!" Angal ni Tj dahil nadali siya ni Thyler.

Nang makaupo si Thyler ay tumaas ang kilay niya at tumingin sa braso ni Tj.

"Bicep pala 'yan? Akala ko buto eh, sorry." Nag peace siya kay Tj.

Nagsalita nanaman si Tj kaya napabuntong hininga ako at umupo, kulang nalang magsapakan sila diyan eh.

"Bicep ang pinag-uusapan! Bakit napunta sa muka mo?!" Ani ni Tj.

"Kasi i-isa lang ang mukha ko at bicep ko."

"Maasim?"

"Wala naman sa'kin ang mukha mo, Tol."

Nakaramdam ako ng kamay sa bewang ko kaya napatingin ako kay Trev.

Patagilid siyang yumakap saakin at ibinaon ang mukha sa likod ko.

"They're loud babe." Bulong niya na napangisi sa'kin.

"Lahat naman kami ah?"

"In public yes, but you're so much louder when you're in bed." Nahigit ang hininga ko sa sinabi niya.

Humiwalay siya saakin nang may ngisi sa labi at kumuha ng alak bago inumin 'to.

"Boyfriend mo?!" Napatingin ako kela Ate Vhia dahil sa sigaw ni Thyler.

Nakita kong namilog ang mata ni Thyler habang nakatingin kay Landus na prenteng nakaupo at nakangiti sakanya.

"Oo, bakit? Inggit ka?" Si Ate Vhia.

"Hindi naman, nag-aalala lang ako sakanya. Baka kasi ma trauma mo eh." Thyler smirked.

Napatingin si Thyler kay Trev bago saakin.

"Jowa mo din?" He asked.

Umiling ako.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nila pero napangisi ako at humilig sa dibdib ni Trev na niyakap lang ako.

"Boyfriend. Boyfriend is the right word Thy and yes, Boyfriend ko."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero may naririnig akong mabilis at malakas na kalabog sa dibdib ni Trev.

"Ay puta, anong nangyayari sa mga pinsan ko!" He dramatically said and held his chest.

Ngumisi lang ako at nagpatuloy na kami sa pag-inom hanggang sa lumalim ang gabi.

Lahat ng babae sa table namin ay nagiging tipsy na nangunguna si Ky, Brix at ako habang sila Ate Fin ay tumatawa nalang sa mga pinagsasasabi namin.

"Bastos! Gusto mo bang lapagan kita ng bible ngayon ha?" Ani ni Brix.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now