PROLOGO

763 4 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: THIS IS FREE TO READ UNTIL I CHANGE MY MIND. THIS IS COMPLETED.

--

“‘Beteranang actress na si Serena Laurel, nagpakasal sa isang full time businessman at billionaire na si Ezekiel De Silva!’”

Habang nakatulala sa lumang headline ng dyaryo at sa litrato namin ni Ezekiel noong kami’y bagong kasal ay hindi maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko.

Tatlong taon na ang nakaraan magmula nang iwan ko siya magmula nang masaksihan ko ang pagtataksil niya sa’kin.

Sa loob ng halos tatlong taon din naming buhay mag-asawa, wala akong naramdaman kundi sakit at sama ng loob sa kaniya dahil lang sa minahal ko siya.

Subalit ang buhay ko kasama siya ay ‘di hamak na mas maganda kaysa sa buhay ko kasama si Brantley. Lalo pa ngayong walang puso niya akong binenta sa black market upang pagpiyestahan ng mga mayayamang tao na nanggaling pa sa iba’t-ibang bansa.

“Punyeta! Naka-ilang retouch na ako sa makeup mo! Bakit ba iyak ka parin ng iyak, bruha ka?! Gusto mo ba talagang walang bumili sa’yo?!”

“S-Sorry po!”

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko sa nakakatindig-balahibong pagalit sa akin ni Madam Ging. Tinapon ko ang newspaper saka umayos ng upo.

Mula sa likuran ay nakapamaywang niya akong hinarap. “Sinasabi ko sa’yo, hindi mo gugustuhing walang bumili sa’yo ng buo, Jia. Sa oras na magsimula ang auction at walang foreigner ang maging interesado sa itsura mo—kakatayin ka na ng human trafficker para isa-isahing ibenta ‘yang lamang-loob mo!”

Nangilabot ako sa sinabi niya at pilit na binura ang mga luha sa mga mata ko. Hinanap ko ang maliit at basag na salamin para ayusin ang makeup ko.

Hindi ako puwedeng mamatay! Mas gugustuhin kong may bumili sa akin at saka na lang ako hahanap ng paraan para makatakas!

“Ako na, ako na! Mas sinisira mo lang ang ganda ng itsura mo, Xiao Jia!” Galit at marahas man ay sinimulan niya akong ayusan muli.

Kilala nila ako rito sa bansang China bilang Jia. Sa loob ng tatlong taon ay palihim kaming naninirahan dito ni Brantley bilang mga ibang tao. Subalit hindi naging maganda ang kinalabasan niyon at nahulog ako sa ganitong klase ng lugar.

Nakakasalamuha ko ang mga kaawa-awang taong nakakulong sa slavery at mga human trafficker. Ang ibang mga tao na walang binatbat ang itsura o walang maayos na hubog ng katawan ay kaagad na dinadala sa kabilang lugar upang gawin ang kahayupan.

Habang ang mga kagaya ko na sa tingin nila ay bebenta bilang babaeng alipin ay inaayusan ngayon para mamaya’y isasalang sa entablado.

“Kung ako lang ang papipiliin, dapat nilagay ka na lang nila sa prostitution,” suminghal siya na kinanginig ko pa. “Pero dahil sa ganda mong ‘yan, tiyak na mas malaki ang pera na kikitain sa bidding pa lang! Mukha kang artista e!”

Sunod-sunod akong napalunok. Hindi hamak na gugustuhin ko na lang mabenta sa isang tao kaysa pagpasa-pasahan ng iba’t-ibang mga lalaki bilang prostitute! Alam kong imposibleng makatakas sa oras na mapunta ako sa ganoong klase ng lugar. Subalit may tiyansa pa akong makatakas bago ako tuluyang maiuwi ng kung sinuman ang bumili sa akin!

Ganoon na lang din ang kagalakan ko nang wala ni-isa sa kanila ang nakakakilala sa akin bilang sikat na artista na si Serena Laurel. Kahit na alam ni Madam Ging na magkababayan kami ay wala siyang pakialam, marahil ay sanay na siyang makakita ng katulad ko. Wala siyang awa!

“Oh, siya! Magsisimula na ang palabas, sumama ka na sa’kin.”

***

“Next to be auctioned is—the bride!” Masigabong anunsyo ng host. “The bidding starts at fifty thousand dollars!"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon