KABANATA 1: Loveless Marriage
Five years ago…
“Ginulat ninyo ang lahat sa hit na hit ngayong teleseryeng ‘The Wife’s Illicit Affair’! Talagang ganap na ganap ang pagiging mag-asawa ninyo, ano? Sabi pa nga ng mga fans, ang lakas ng spark sa love team na SereLey! Anong masasabi niyo ro’n?”
Natawa kaming pareho ni Brantley sa tanong ng host na si Mami Vic. Nagkatinginan kami kung sino ang unang sasagot, at agad naman niya akong pinauna.
“For me, well, first, I am very thankful for the fans of SereLey, na gabi-gabing nag-aabang sa mga bagong episodes at sumusuporta sa amin ni Ley—talagang nakakatuwa na malamang dalang-dala sila sa bawat eksena!” nakangiting sabi ko at tiningnan si Brantley sa tabi ko.
“Hindi ko alam, pero maraming nagsasabi na may spark talaga kami ni Ley, hahaha! Syempre masaya sa feeling na malamang hindi nauuwi sa wala ang acting naming dalawa!”
Tumawa si Brantley at siya namang sumang-ayon sa akin. “Yeah, for the fans to praise us like that—it means a lot to me especially that I’m working with a professional actress,” sinulyapan niya ako nang may ngiti. “Nakakakaba nga na baka may magpuna sa'kin, because I’m not worthy of working with her on this project.”
“Wow,” natawa ako sa sinabi niya. “Akala mo naman ako lang nagdadala ng show natin! We’re both working hard, and you deserve the same credit as mine, Ley.”
“Ayun naman pala!” pagsigaw ng Mami Vic, animoy kinikilig. “Pero talaga bang hanggang loveteam lang? Baka naman tuwing off cam, meron nang nabubuo na hindi niyo pa sinasabi sa mga fans~”
Napuno ng nakakatuksong halinghing ang studio mula sa mga audience na nanonood sa amin. Halos lahat ng narito ay fans ng love team na SereLey na nabuo naman dahil sa teleserye na umeere ngayon na pinagbibidahan naming dalawa ni Brantley.
Bahagya pang lumiit ang kaninang malaking ngiti sa labi ko dahil sa tanong ng host at panunukso ng lahat.
Ang totoo niyan ay wala pang nakakaalam na dalawang taon na akong kasal sa ibang lalaki. Walang nakakaalam sa media na mayroon na akong inuuwiang asawa sa likod ng camera.
“Um,” napakamot sa batok si Brantley at tumingin sa akin nang nagtatanong.
Pinilit ko muling tamisan ang ngiti ko at nagpapahiwatig na humarap sa audience. “Wala pa naman sa ngayon, trabaho lang muna, hahaha!”
“Wala PA, sa NGAYON? Trabaho MUNA?” Pagdidiin pa ni Mami Vic at natutuwang tumayo mula sa kaniyang upuan para makipagharutan sa audience. “Ibig-sabihin sa susunod meron naaa!!”
Napuno ng sigawan at kilig ang mga tao sa loob. Mayroon pang background music ang mas lalong nagpasigla sa lahat. Ako nama’y tumawa ng husto at nakikisabay lamang sa kanila.
Ang totoo niyan ay walang namumuo sa pagitan namin ni Brantley at purong trabaho lamang talaga. Oo, close na close kaming dalawa tuwing off-cam, at siya ang matalik kong kaibigan sa set, pero walang ibig-sabihin iyon.
Pero para mas sumikat ang love team na SereLey ay sinabihan na kami na gumawa ng mga eksena para sa ikakatuwa ng mga fans. Sa ganitong paraan ay mas lalo nila kaming susuportahan, mas magiging matagumpay ang palabas.
***
Nang matapos ang interview ay napapagod akong bumalik sa aking sasakyan. Malalim na ang gabi at gutom na gutom na ako dahil wala parin akong kain simula tanghalian.
“Uwi na ho ba tayo, Ma’am Serena?” magalang na tanong sa akin ni Kuya Pier, may edad kong driver.
“Saan pa nga ba? Your boss is already mad at me for not going home, saying I’m disrespecting our marriage! Kapag hindi pa ako uuwi, ewan ko na lang kung ano pang insulto ang maririnig ko sa tabas ng dila niya!”
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...