KABANATA 3: A Substitute
“Sister-in-law! Finally, bumaba ka rin!”
Nagulantang ako sa pagbaba sa hagdanan dahil sa malakas na sigaw ng pamilyar na boses na 'yon. Kaagad kong nadatnan si Raquel na nakaupo sa living room ng mansyon.
“Waah! Raquel!”
Sa sobrang pagkatuwa nang makita siya ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos liparin ang pagitan namin.
Tumayo rin siya upang salubungin ako ng mainit na yakap. Gano’n na lang kahigpit ang yakap ko sa kaniya sa sobrang pangungulila sa kaniya.
She’s Raquel De Silva, Ezekiel’s adoptive sister, at siya namang sister-in-law ko. She’s my life savior in this marriage! Siya lang ang lagi kong nalalabasan ng sama ng loob at matiyagang nakikinig sa mga hinaing ko na hindi ako nahuhusgahan.
Kahit na magkapatid sila sa pangalan ng asawa ko at maganda ang relasyon nila sa isa’t-isa, hindi iyon hadlang para sa pagkakaibigan namin. She herself knows how heartless her brother can be most of the time.
“I’m so glad you came here, Raquel!” Malaki ang pagkakangiti ko siyang hinarap.
“Of course, Faye informed me na bumalik ka na rito sa wakas after three weeks!” bulalas pa niya. “You have no idea how bored I was without seeing you! No one can even contact your personal number.”
“I’m sorry…”
“Spill the tea, girl.”
Napanguso ako at naupo naman kami sa sofa na magkaharapan. Nag-utos naman ako kay Panying na mag-serve sa amin ng breakfast.
“Masyado lang talaga akong busy sa trabaho sa nakalipas na dalawang linggo kaya walang time umuwi.” uminom ako ng juice.
“‘Yun na ‘yon?" Napakrus siya ng braso na napasandal sa kinauupuan. “You can’t fool me with that excuse! Anong walang time na umuwi? Ano ba namang isang gabi magpakita ka man lang kay kuya sa loob ng isang linggo?”
“Why would I even show him my face if he’s glaring at me every time like I’m a sinner?" Masama ang loob kong nilapag ang juice sa babasaging table. “You know how I’m having anxiety and stress nung bago pa lang kaming ikasal dahil sa kaniya! Thankfully, nakaka-recover na ako. T’saka obvious naman na hindi ako ang hinahanap niya kapag nawawala—’yung katawan ko!”
Habang inaalala ang nangyari kagabi hanggang sa paggising ko na wala man lang nakita ni anino niya ay sumasama pa lalo ang loob ko.
Mabait lang siya kapag nasa kama, pero kapag nasa katinuan, binabalewala lang ako ng basta-basta!
“I mean? Mukha ba akong parausang babae? Asawa niya ako, ‘no?”
Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. A look of concern was displayed on her face while looking at me.
“Akala ko mag-iimprove ang relasyon niyo ‘pag tapos ng isang taon, mali pala.” Kinuha rin niya ang cake sa lamesa para lang laruin iyon gamit ang tinidor. “Hindi ko ba alam kung bakit gano’n si kuya. Kahit sa’kin malamig ang trato niya, kaya akala ko dati ayaw niya ng ampon na kapatid. Pero sadyang wala lang siyang pakialam sa’kin talaga! Can you believe that?”
“Yes, yes..." napatango-tango ako.
“Anyway, saan ka naman nagpunta nitong nakaraang linggo?”
“I booked a hotel room to sleep for days, then umattend ako sa interview with Mami Vic kasama si Brantley last night before coming home.”
Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng dalawa niyang kilay at pag-uunat ng kaniyang labi. “Brantley! Oh my gosh, oh my gosh! Kailan ilalabas ang interview!? Kyaah! Why didn’t you tell me? Edi sana pumunta ako bilang audience para suportahan ang SereLey!”
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...