"pangarap ko talagang makapunta diyan" turo ni Lia sa hinahawakan kong travel brochure.
Nakalagay ang magagandang tanawin ng Batanes sa hinahawakan kong travel brochure. Pangarap ko rin talagang makapunta diyan dahil sa gandang taglay nito.
"what if pumunta tayo diyan? pangarap mo rin namang makapunta diyan dba?" sabi ko kay Lia.
Nag-aalinlangan pang sumagot si Lia. Alam kong may problema nanaman sya sa bahay nila. Magkababata kami ni Lia kaya alam ko ang mga pangyayari sa buhay niya at Ganon din siya sa akin. Sa tingin palang ng kaibigan alam kong hindi na siya pupunta. Matipid na tao si Lia kaya alam kong hindi siya sasama lalo't gagastos nanaman.
"Ikaw nlng siguro muna, Malay natin doon muna makikita ang love life mo" Sabi niya.
"Ikaw talaga puro ka nlng biro alam mo namang hindi ako interesado sa mga ganyang bagay. Atsaka, ang goal ko inlife ay makapagtravel sa iba't ibang lugar. Kaya wala na akong oras sa ganyan" Kung noon focus ako masyado sa pag-aaral ngayon naman focus ako sa pagta-travel. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw na ayaw kong pag usapan yang love life na yan kahit dati maraming sumusubok na manligaw sa akin pero niisa wala akong pinansin.
Hindi pa rin talaga nagpapatalo sa usapan tong kaibigan ko at halatang may sasabihin nanaman.
"Baka nga pag uwi mo galing Batanes ikakasal kana" sabi niya.
"Ewan ko sayo, sige na nga at baka bukas agad mag-aayos na ako nang gamit para sa travel ko papuntang Batanes" nagpaalam ako at umalis na para maplano ko ang mga gagawin ko doon.
Kahit kailan hindi ko naisipang magka love life, dahil hindi naman talaga ako interesado sa mga ganyang bagay kaya focus ako ngayon sa goal ko ang makapagtravel.
Sometimes I wonder how it felt like to be in a relationship, but I can't deny the fact that there's a part of me that is scared in commitment. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na meron talagang nakatadahana sa atin at darating din ito sa tamang panahon at oras. Na kahit among iwas mo dito ay hahabulin at hahabulin ka parin. Kaya hindi ako nagmamadali sa mga ganyang bagay.
Kinabukasan agad hinanda ko na Ang mga kakailanganin ko doon. I'm so excited to be there, excited na akong makita ang magagandang rock formation doon at isa pa makakilala nang mga tao doon. Nagplano din akong magbakasyon doon nang ilang buwan kaya alam kong marami akong makikilala doon.
Maaga akong nagayos dahil maaga din ang byahe ko papuntang Batanes. Dumating ako sa airport na nagmamadali dahil akala ko late na ako sa flight ko sa hindi ko inaasahang may nabangga akong isang lalaki. Dali-dali akong humingi ng pasensya at tinulungan siyang kuhanin lahat ng gamit na nahulog niya.
"Pasensya na talaga hindi ko sinasadya" Sabi ko pagkatapos siyang tulongan.
"Hindi okay lang una na ako" Sabi ng lalaki at tumakbo paalis na parang nagmamadali.
Napansin kong may hawak ako at sumbrero pa.
"Tekaaa!! Yung sumbrero mo!" sigaw ko pero hindi na niya narinig ito.
Kaya napagdesisyonan kong itago nlng muna ito.I arrived in Batanes around 12pm kaya napagdesisyonan kong kumain nlng muna at ipagpabukas nlng ang mga gagawin ko. Pumunta ako sa isang restaurant na malapit lang sa tinuluyan ko at may pamilyar akong mukha na nakita na parang kilala ko na ito.
"Teka siya yung nabunggo ko sa airport" Sabi ko sa sarili. Ang liit ng mundo't dito ko pa talaga makikita to.
YOU ARE READING
Final Destination
FanfictionPaano kung may biglang darating sa buhay mo na isang taong hindi mo inaasahang darating sa buhay mo? Sino kaya ang makakabihag sa puso ni Lilah? Matatagpuan na kaya niya ang kaniyang love life sa pangarap niyang lugar? you can freely tell me kung an...