Masayang pinanonood ni Nihle ang kanyang mga kuya na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito na kasama ng mga itong umuwi dito sa probinsya nila upang makapag bakasyon kahit ilang araw lang umano.
"Alam mo friend, parang tinamaan sayu yung isang kaibigan ng kuya Talha mo. Tingnan mo, kanina pa yan panay ang sulyap dito sa atin. At sigurado ako na ikaw ang sinisipat niyan." mahabang turan ng kanyang kaibigan sa tabi niya.
"Paanu mo naman nasabi na ako nga ang tinitingnan niyan.? malay mo ikaw pala ang tinititigan ng tao, ako pa idadamay mo sa mga obserbasyon mo Giselle." pairap niyang sagot sa matalik niyang kaibigan.
"Sus pa-humble ka pa dyan Nihleina. Hindi ka pa ba sanay na lagi kang nakakabihag ng magagandang lalaki dahil sa kagandahan mong iyan? Taga sana all na lang talaga ako poreber." nakangusong saad nito sa kanya.
"Maganda ka rin naman Giselle mana ako sayo diba?" pag-aalo niya sa kanyang kaibigan.
"Sige friend bolahin mo pa ako, ang sarap pakinggan eh." nakangiti na itong bumaling sa kanya.
"Prinsesa namin lapit muna kayo dito." tawag sa kanya ng kanyang kuya Talha sabay kaway nito sa kanya at sinenyasan siyang lumapit sa mesa nito kasama ang mga kaibigan nito.
Sa pag-aakalang may ipag-uutos ang kanyang kuya sa kanya ay walang alinlangan siyang lumapit sa mesa ng mga ito.
"Bakit po kuya Talha?" tanong niya sa kanyang nakakatandang kapatid.
"Gusto raw makilala ng mga kaibigan namin ang pinakamagandang celebrant for todays celebration." sagot sa kanya ng kanyang kuya. "Mga bro, this is our princess, our most beautiful sister, Nihleina and her bestfriend Giselle." pagpapakilala ng kanyang nakatatandang kapatid niya sa kanilang magkaibigan. "Prinsesa and Giselle they are our friends, Brian,Jess and Jordan." pagpapatuloy ng kuya Talha niya.
"Hi prinsesa, Brian nga pala." sabay lahad ng kamay ng lalaking tsinito at may pilyong ngiti sa mga mata.
"Tado ka bro, hindi mo prinsesa yan, prinsesa namin yan." ang kuya Tanner niya sabay batok ng mahina sa kaibigan nitong nagngangalang Brian.
Natawa siya sa inasta ng kanyang kuya Tanner. "Hi, nice to meet you po, kuya Brian." magalang niyang sagot dito.
"Call me kuya Jess, congratulations nga pala sa pagtatapos mo Nihle." nakangiting saad nito. Mukha itong mabait na tulad ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Magaan din ang loob niya dito.
"Thank you po kuya Jess." kimi niyang sagot.
"Hello ladies, Jordan at your service." kwelang pakilala ng huling kaibigan ng kuya niya. maaliwalas ang mukha nito habang nakatingin sa kanyang tabi,kung saan ang kanyang kaibigan sabay kindat dito.
Para namang kiti-kiti ang kanyang matalik na kaibigan na nakatayo sa tabi niya. Halatang kinikilig ito sa kaibigan ng kanyang kuya na nagngangalang Jordan.
"Nice to meet you po kuya Jordan." at masayang ngumiti siya dito.
"Hi, I'm Giselle po kuya Jordan." namumula ang pisning turan ng kanyang kaibigan.
"Just Jordan na lang Giselle, we're not siblings naman eh," sabay kindat ni kuya Jordan sa kanyang friend.
"Bakit si Nihle Kuya Jordan din naman ang tawag sayo pero hindi mo tinama?" tanong ni Giselle dito.
"Just because.?" kibit balikat nitong sagot sa kanyang kaibigan.
Gustong matawa ni Nihle dahil sa itsura ng kanyang kaibigan. Para itong bata na nakabusangot na hindi napagbigyan sa kanyang gustong mangyari.
"Tama na yang chikahan nyu mga tol, ipapaalala ko lang sa inyu na bata pa ang prinsesa namin at pati na rin yang si Giselle, at higit sa lahat off limit ang mga to. klaro?" seryosong saad ng kuya Tanner niya.
"Ang seryoso mo naman bro. Alam na namin yan, parang mga kapatid na namin itong c Nihle at pati na rin itong si Giselle." si kuya Jess na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Mabuti na ang nagkakalinawan tayo dito mga bro." ang kuya Talha naman niya ang nagsalita.
Matapos ang pagpapakilala sa kanila sa mga kaibigan ng mga kuya niya ay nagpatuloy ang mga itong mag-inuman habang sila naman ni Giselle ay nasa kalapit na lamesa ng mga ito kaya naman nakakapag-usap pa rin cla ng mga ito paminsan-minsan.
"Parang pamilyar sa akin ang lalaking nasa kabilang lamesa. Si Berke ba yun kuya Tanner?" nagtatanong na sabi ng kuya Talha niya sabay turo sa kabilang mesa na medyo nasa tagong parte ng likod-bahay nila.
Dahil sa tanong ng kanyang kuya Talha ay sabay-sabay silang napalingon sa direksyon na itinuro ng nito.
At doon niya nahagip ng tingin ang kulay abong mga mata ng binatang ngayun ay nakatingin na rin sa kanya.
"Oo kuya Talha, si Berke nga po iyan, kilala niyo rin po pala ang anak ng prinsipal namin?" si Giselle na ang sumagot sa tanong ng kanyang kuya.
"Yeah I remember him, He is Nihle's friend noong bata pa ang Prinsesa namin." ang kuya Talha niya.
"I didn't know na umuwi pala siya dito. Pero hindi ko gusto ang mga tingin ng kasama niyang lalaki sa Prinsesa natin Talha." nakakunot -noong turan ng kuya Tanner niya.
"Oo nga kuya, pansin ko rin nga eh, sino ba yan? ngayun ko lang nakita dito ang pagmumukha niyan. Akala mo kung sinung gwapo ah." ang kanyang kuya Talha na masama rin ang tingin sa gawi ng mesa nila Berke lalo na sa pwesto ni Oguz.
"Oguz ang pangalan ng gwapong fafa kuya Tanner. At kaibigan po siya ni Berke." sagot ni Giselle sa mga kuya niya.
Hindi na siya nakisali sa usapan ng mga ito dahil hindi pa rin napuputol ang tinginan nilang dalawa nf binatang may abung mga mata. Para bang biglang nawala ang mga tao sa paligid nila. Ito ang nangyayari tuwing nagtatagpo ang mga mata nila ng binata.
And to be honest, she is afraid of what she's feeling right now for this man. Everything is new to her and she doesn't want to entertain this feelings for now. She can feel that she is not yet ready for everything that concerns her heart.
"Eherm!!Prinsesa namin, baka naman matunaw na kayo sa init ng titigan ninyo ng lalaking yun. Kilala mo rin ba ang panget na yun?" ang kanyang kuya Tanner na nakataas ang kilay na tanung sa kanya.
Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya dahil sa inasta niya sa harap ng kanyang mga kuya. Nakakahiya na nakita siya ng mga ito na nakatulala at nakikipagtitigan sa lalaking kakakilala nya pa lamang. Kaya naman nagbaba na siya ng tingin at umiwas ng mapagawi ang kanyang mga mata sa lamesa na inuukupa ng kanyang kababatang si Berke.
"Lagot na tol, namumula ang ating prinsesa, mukhang may makakabonding na tayo habang nagbabakasyon tayu dito." tila naaliw na turan ng kanyang kuya Talha.
"Kung may lakas ng loob na makipag-bonding sa atin tol, eh di makipag-bonding tayo. right?" nakangisi namang sagot ng kanyang kuya Tanner. At nag-high five pa ang dalawa habang may mga ngisi sa mga labi ng mga ito.
"Ewan ko sa inyo mga kuya, mga wala na naman kayung magawa ako na naman pinagkakaisahan ninyo." nahihiya at nakanguso niyang ani sa mga kuya niya at humarap sa kanyang kaibigan at hinawakan ang kamay nito." Halika na nga Giselle doon na lang tayo sa loob mag-usap." hindi na niya hinintay na makasagot pa ang kanyang kaibigan at bsata niya na lang itong hinila papasok ng kanilang bahay.
Habang palayo sila sa kanyang mga kuya ay naririnig pa rin niyang tinatawag siya ng mga ito habang tumatawa. " Mga baliw talaga." sabi niya sa kanyang sarili.
Hindi niya sinasadyang mahagip ng kanyang mga mata ang gawi ng binatang katitigan niya kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya na nakangiti ito sa kanya o namalikmata lang siya dahil sa isang kisapmata lamang ay seryoso na ang tingin nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...