(Her POV)
Kainis! Ang lalaking yun kung Maka lait kala mo kung sino dayo lang naman bwesit. Pasalamat siya gwapo siya kung Hindi baka malampaso ko na siya sa buhangin. Yes alam ko nang dayo siya dahil Ngayon ko lang Nakita Ang pag mumukha niya sa islang to. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit niya alam Ang Lugar na yon. Hayst kainis! Kala ko Ako at si Reena lang Ang may alam ng favorite spot ko bukod sa iba ko pang mga kababata ko noong maliit pa Ako sina aki at z. Yes bago Kasi lumipat sina reena Dito sa isla ay may naging kaibigan paako kaso Hindi ko na sila nakikita Ngayon simula ng bumalik Ang mga ito sa kani kanilang Lugar. Pero kahit ilang taon Ang lumipas umaasa parin Akong makilala sila Ngayon ngunit mukang impossible Naman yung mangyari. Lalo na c Z kamusta na kaya siya nakakita na kaya siya. Hayst.. padabog nalang Akong pumasok ng bahay na siyang pinagtaka Nina nanang.
Oh anak Anong nangyari sayo? Ba't ganyan Ang Mukha mo? Kunot noong Tanong Sakin Nina nanang kaya napabuntong hininga nalang Ako.
Pano ba Kasi nanang may nakasalamuha Kasi Akong kapring manyakis na feelingero kanina kala mo kung sino. Maktol kung sagot kina nanang kaya napabuntong hininga nalang sila. At napailing nalang sa inasta ko.
Tss Sige ho pasok na po Ako nang makapagbihis na. Pagpapaalam ko sakanila na tinanguan lang nila. Kaya tuluyan na Akong pumasok para magbihis at pagkatapos bumaba na para Kumain. Pupunta nga pala Ako bukas sa lumang bahay namin. Yes may isa pa Kasi kaming bahay and pinarenovate lang namin para Hindi masayang. Pagkatapos kung nagbihis ay bumaba na ako naabutan ko sina nanang na naghahanda na ng panghapunan kaya lumapit narin Ako para tumulong sakanila. Natapos Ang aming haponan ng walang mga Tanungan Ang nangyari tungkol sa nangyari Sakin kanina na ipinagpasalamat ko dahil Wala Akong gana para sagutin sila mas lalong iinita lang Ang ulo ko kung nagkataon. Narito na Ako Ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama. Nagtataka pa rin talaga Ako bat nakabukas halos lahat ng ilaw at bintana ng isa naming bahay Wala Naman sigurong multo Diba Hindi naman siguro Ako namamaligno, Eh katakot Naman kung ganun. Sa pagiisip ng kung ano Anong bagay ay di ko namalayan na nakatulog na pala Ako.
____Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa Mukha ko, nakalimutan ko palang isara Ang aking bintana kagabi. Bumaba na ako para mag almusal pero siyempre nagmumog Muna Ako para matanggal Ang panis kung laway ew. Naabutan ko sina nanang na abala sa kani kanilang ginagawa. Nagluluto Kasi si nanang habang nagkakape Naman si dada. Wala nga palang biyahe sina dada Ngayon para mangisda kumbaga rest day.
Goody goody good good morning nanang and dada! Masiglang bati ko sakanila habang papunta sa kanila.
Oh aba! mukang maganda Ang mood natin Ngayon anak ha. Nakangiting ni dada Sakin.
Ano kaba Ernesto palage namang maganda Ang mood ng anak natin eh. Saway Naman ni nanang KY dada na ikinangiti ko Lalo.
Tsaka po dada Diba sabi Niyo Ang taong palangiti ay Hindi pumapangit. Masigla kung sabi sa mga katagang Yun. Na ikinangiti nilang dalawa.
That's my girl mana ka talaga saakin proud na sabi ni dada na kinontra Naman ni nanang.
Anong Ikaw lang tingnan mo nga mas Marami panga ang Namana niya Sakin kesa sayo. Sabat Naman ni nanang Kay dada. Nakangiti nalang Akong nanuod sakanila na nagtatalo kung saan ba Ako nagmana habang umiinom ng gatas with pandesal. Hindi nagtagal ay nag lalambingan narin Ang dalawa. Nang matapos Akong uminom ng gatas nagbalot nalang Ako ng baon ko na dadalhin sa kabilang bahay doon nalang Ako kakain dahil mukang matagal tagalan pa Akong makauwi Mamaya. Pag katapos kung nagbalot ay nagpapaalam na Ako kina nanang na Ngayon ay nasa Sala at mukang may pinag uusapan.
Nanang pupunta po Ako sa kabilang bahay Hindi napo Ako kakain Dito nag balot nalang Ako ng baon ko para Mamaya. Mga hapon pa po Akong makakauwi. Pagpapaalam ko sakanila na tinanguan lang nila. Mukang seryoso kasi Ang pinaguusapan nina nanang iwan ko lang kung narinig ba nila Ang maayos Ang mga sinabi bahala nanga. Lumabas nalang Ako ng bahay ng walang bihis pero siyempre may suot Akong bra no tapos naka pajama pa Akong Peppa pig. Napagpasyahan ko kasi doon nalang maligo total may mga damit Naman Ako doon.
Nang medyo makalayo layo Ako narinig kung parang tinawag Ako nila nanang at mukang may important itong sasabihin saakin.
Anak saan kanga pala pupunta? Muling Tanong saakin ni nanang. Sabi ko na nga ba d nila narinig Ang mga sinabi ko.
Ah sa kabilang bahay po pasigaw Kong sagot dahil medyo malayo layo na kasi Ako sa bahay.
Ano? Ngayon na?naku teka anak may sasabihin kami sayo. Di mapakaling sabi saakin ni nanang na may pakamot pa sa noo.
Ah mamaya napo nanang pag uwi ko tinatamad napo kasi Akong bumalik diyan eh sige po bye nanang Mamaya nalang po. Pasigaw Kong sagot Kay nanang na mukang di mapakali.
Anak sandali.. pahabol na sigaw ni nanang kaso nakapaglakad na Ako kaya kumaway nalang Ako sakanya.
Saaking paglalakad papunta sa bahay ay napaisip ko kung ano Ang sasabihin Nina nanang saakin tungkol kaya saan. Na Puno tuloy Ako ng kyuryisidad at sana bumalik nalang Ako kanina para tanungin kung ano Ang kanilang sasabihin. Hayst pero huli na siguro Mamaya nalang talaga. Mas binilisan ko nalang Ang aking paglalakad Lalo nat tinatamad pa Naman ako ngayon.
__At sa wakas nakarating narin. Walang humpay parin Ang pamumulaklak ng aking mga alagang tanim na bulak lak sa paligid ng bahay. Kinuha ko agad Ang extra key para sa bahay ng makapasok na Ako kaso Laking gulat ng nakabukas pala ito at Hindi naka lock siguro nakalimutan lang Nina dada mailock ito. Pumasok nalang Ako mas Lalo pa Akong nagulat ng may Ibang kagamitan Ang nakalagay sa loob at may perfume Akong Nakita but Ang bango naman ata Nito binasa ko kung Anong brand ito at woah napanganga kung anong brand ito Calvin Klein Eternity For Men Eau de Parfum isa ito sa mga pinakabango at mahal na perfume sa Mundo. Wow Panu kaya to napunta Dito tsaka di naman siguro si dada Ang bumili Nito Ang mahal kaya di afford. Binalik ko nalang kung saan ito nakalagay at umakyat na sa taas para tumungo sa kwarto ko. Lalampasan Kona sana Ang kabilang kwarto ng mapansin kung nakabukas itong kunti at my narinig Akong lagaslas ng tubig. Kaya napuno Ako ng kyuryisidad kung sino Ang nasa loob Nito at Anong ginagawa niya sa bahay namin. Pumasok Ako sa loob ng dahan dahan nabungaran ko agad Ang bagong kama na bagong palit ng bed sheet yes kami Kasi Ang inutusan Nina nanang para palitan ito ewan ko ba kung bakit biglaan Naman yata. Inilibot ko Ang aking paningin sa silid ganun panaman Ang mga gamit Dito arrangements.
Teka ano to? mga damit na panglalaki? Brief? Boxer? Wow huh bench panaman Ang brand haha pano napunta to? Kanino Ang mga ito? Kanina yung perfume tsaka mga Ibang kagamitan tapos Ngayon Ang mga ito Naman huh? Nasabi ko nalang nang wala sa oras habang nakakunot Ang noo. Naku Hindi kanaman naka drugs serene pero bat parang nag illusion ka gising gising. Tinapik tapik ko Ang aking Mukha nang Malaman kung nanaginip ba Ako kaso Wala ehh totoo talaga. Nilibit kopa Ang aking paningin Hanggang sa mapadpad Ang mata ko sa table na kaharap ng salamin may medyo kaliitan na buti itong nakapatong at sa hitsura palang mukang mamahalin. Nilapitan ko ito at napagtantong perfume rin ito kaso mukang mas mabango pa ito kesa sa kanina. Nakakaadik Ang amoy Nito binasa ko kung Anong brand ito at halos lumugwa na Ang mga mata ko sa nabasa ko Clive Christian! No way ito Ang pinakamahal na pabango sa Mundo. Panong nandito to sa kwa-
Who are you? Don't mess with my things woman or else. Natutop Ako sa aking kinatatayuan ng narinig Ang isang malamig na boses ng Isang lalaki na mukang kagagaling lang sa banyo but wait mukang familiar Ang boses parang narinig ko na ang boses nato. Dahil sa kagustuhan Kong Malaman kung sinong hinayupak Ang pumapasok sa bahay namin ng walang permiso ay nilingon ko ito kahit nangingilabot sa lamig na taglay ng boses Nito na may halong pagbabanta at Ikaw!!!
BINABASA MO ANG
Still Yours
RomanceThe story of two people who met with the right love but at the wrong time.An island girl who doesn't care about love meets a City boy, a man who is antipathetic and a workaholic. Animoy heaven and earth can be called them. Can they overcome the chal...