Chapter 26 - A Delightful Serendipity

2.1K 59 1
                                    

Chapter 26 - A Delightful Serendipity 

Official Soundtrack - Love Me So by Stereo Kicks


Zoey's POV


Unang araw ng First Periodical Exams ngayon kaya medyo tahimik ang paligid. Iba-iba kasi ang schedule ng bawat sections at hindi pwedeng magkatugma ang break time or we, the students, consider as study period.


Kaya heto at mag-isa lang ako na naglalakad, buti nalang at mabilis ang recovery nitong kanang paa ko sa sprain. First period kasi ng section namin ang break time eh, kaya napag-isipan ko na magtungo nalang sa library para mag-review.


Hindi kasi ako maka-focus ng maayos kakabasa ng notes ko kagabi eh. There's just this something na bumabagabag sa isip ko, at kung ano man 'yon, 'wag na nating pag-usapan.


Nang matapos kong kainin ang hapunan ko ay agad naman akong nagtungo sa kwarto para mag-aral since bukas na ang first day ng examinations.


Una ko nang binuksan ang libro ko sa Physics, pati na rin ang mga notes ko.


'The third law of motion, Law of Interaction. 'It states that for every action, there is an equal and opposite reaction.'


'Kaya kapag pinakitaan ka ng pagmamahal ni Drake, dapat gantihan mo rin siya ng pagmamahal, just equal to the love he gave you,' biglang sumagi sa isip ko.


Wait? Why am I even talking about love? And most especially, why am I even talking about Drake? Tss.


I shook my head. Gosh, Drake tama na please! 


Napag-isipan kong isara ang libro at mga notes ko sa Physics at buksan naman ang study materials ko sa Ekonomiks.


I scanned through the pages hanggang sa makarating ako sa coverage.


'The Law of Supply and Demand defines the effect that the availability of a particular product and the desire (or demand) for that product has on price. The higher the price, the lower the demand.'


'Kaya kung marami naman ang supply ng pag-ibig sa puso mo, ipagkatiwala mo na ito sa mga nagdedemand. 'Wag masyadong tigasan ang puso, dahil 'pag nagkataon kakaunti ang demand. Gayunpaman, kahit masyado nang matigas ang puso mo, nadiyan pa rin naman si Drake na nagdedemand,' I suddenly thought.


Pati ba naman dito sa Ekonomiks, Drake pa rin? Argh! 


Due to frustration, sinara ko ang libro sa Ekonomiks at kinuha ang libro sa El Filibusterismo para basahin ang chapter summaries ng bawat kabanata.


'Kabanata 34, napagtanto ni Basilio na nais ni Simuon na pasabugin ang dating tirahan ni Kapitan Tiyago kung saan nagaganap ang kasiyahan sa kasalan nina Paulita at Juanito gamit ang granadang nakasilid sa ilawang kanyang niregalo sa bagong kasal. Nang ipaalam ito ni Basilio sa nalulungkot na si Isagani, tungkol sa plano ni Simuon, agad na gumawa ng paraan si Isagani para sirain ang lampara para matuloy ang kasiyahan nang walang nasasaktan, kahit ang mahal niyang si Paulita. Dagdag Kaalaman: Matatandaan na dating nobya ni Isagani si Paulita, ngunit hiniwalayan siya ni Paulita dahil sa impluwensiya ni Donya Victorina. Gayunpaman, kahit na labis na nasaktan si Isagani sa kasalan nina Paulita at Juanito, ay ginawa niya pa rin ang lahat upang maisalba ang buhay ng mahal niyang si Paulita.'

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon