Chapter 74

199 16 1
                                    


°°°°Chapter 74°°°°

Kinabukasan

Maaga pa lang ay nakahanda na ang lahat para sa agarang paglisan sa Baryo Santa Lucia, maagang nagpunta sa Bayan ang mag ama kasa si Lucas para bumili ng tatlong kabayo para sa kanila, dahil tiyak na hindi sila kakasya sa isang karawahe dahil sa dami ng kanilang kasama at ng mga dala dala ng mga iyon

Inihanda na ng mag anak ang mga gamit nila at ang mga kaibigan na ni Vleane ang mga naglagay sa bubungan ng kalesa ng mga gamit ng mga iyon lalo na ang mga bag na puno mg mga damit

"Kailangan na natin makaalis bago pa tayo abutan ng kabilugan ng buwan bukas ng gabi,"ani niya na inaayos ang suot niyang abito

"Pero wala pa ang aking asawa?,"ani ni Aling Jacinta sa kanila,"Hindi natin siya pwedeng iwanan dito,"mangiyak ngiyak na saad nito sa kanila

"Ngayong araw po ang uwi ni Tatay,"ani ni Lucinda sa kanila,"Maaari po ba natin siya hintayin hanggang sa tanghalian?,"

Napatingin sila kay Vleane na nagkibit balikat nalang kahit pa kinakabahan na siya, dahil alam niya mapapalaban na naman sila bago pa nila tuluyang malisan ang nasabing Baryo

"Basta ihanda na po ninyo ang lahat ng kailangan ninyong dalhin, para po pag dating niya ay aalos na po tayo kaagad,"bilin niya bago tuluyang lumabasng masabing bahay

"Madre po ba iyon, Tiyang?,"tanong ni Lucinda kay Aling Weng

Natawa lang silang magkakaibigan ng madinig ang tanong ni Lucinda habang nakatingin kay Lucas dahil ganoon na ganoon din ang tanong nito at iniisip noon tungkol sa dalaga na naging nobya na din nito

Napapailing nalang si Lucas habang napapangiti, marami talaga ang nagdududa kung talaga bang Madre ito dahil samga kakaiba nitong ikinikilos

"Isa siyang Madre,"nakangiting sabi ni Jude,"Isang kakaiba at palabang Madre,"

"Parang ganyan ka din dati, Weng,"pang bubuska ni Aling Jacinta sa kapatid kaya napapailing nalang ito sa mga iyon

Matapos makasiguradong nailabas na nila at naikarga na sa karawahe ang lahat ng importanteng gamit ay nagpahinga muna sila habang hinihintay ang pagdating ng kanilang ama







Pasado Alas Dos ng Hapon

Humahangos na dumating si Mang Jaime pauwi sa kanilang tahanan

Nagtakaniyon dahil mau nakagarahe na isang karawahe at tatlong kabayo sa kanilang bakuran, kaya kaagad itong pumasok ng mabilis sa kanilang bahay

"Tatay!,"sigaw ni Junior sabay lapit sa ama, nagmano naman sina Lucinda at Leah sa ama bago niyakap nito ang may bahay na si Aling Jacinta

"Manong Jaime,"ani ni Aling Weng, nakipagkamay naman si Mang Lito sa bilas bagk tumango

"Anong nangyayaro sayo at hinihingal kang umuwi?,"tanong ni Aling Jacinta sa asawa matapos abutan ng isang basong tubig,"Maupo kana muna at inumin mo muna ito,"

Kaagad naman na tinanggap ni Mang Jaime ang isnag basong tubig, nilagok iyon bago huminga ng malalim

"May problema ba, Manong Jaime?,"tanong ni Mang Lito sa bilas nito

"Wala kasing masakyan kaya ngayon lang ako nakarating,"ani nito,"Nilakad ko lang simula sa Bayan,"

"Anong balita sa Bayan?,"tanong ni Aling Weng sabayaw niya

"May mga natagpuang patay sa Bayan,"panimula nito,"Umaatake na din ang mga aswang doon, halos tatlong pamilya ang napatay sa loob lamang ng isang gabi, may butas ang mga leeg at wakwak ang mga tiyan lalo na ang mga bata,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon