Takbuhan

40 5 4
                                    

SELENE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok na pagpasok ko sa klase ay sumalubong sa akin ang nagtatawanang Justine at Alexis, habang nagkwe-kwento si Alexis ay itinuro ako ni Justine, napatingin naman si Alexis at natawa sila uli pareho ng maglakad ako papalapit sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Pagpasok na pagpasok ko sa klase ay sumalubong sa akin ang nagtatawanang Justine at Alexis, habang nagkwe-kwento si Alexis ay itinuro ako ni Justine, napatingin naman si Alexis at natawa sila uli pareho ng maglakad ako papalapit sa kanila. Parang may ideya na ako kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, dahil kahapon ng makauwi ako sa bahay ay alas-otso na ng umaga at nadatnan ko si mama na nagpa-padyak ng kanyang paa sa sala at naka-krus pa sa kanyang dibdib ang braso niya.

Hindi niya na inantay ang paliwanag ko at inutusan na akong maligo dahil amoy alak at suka daw ako, saka binilinan din akong mamalengke at maglinis ng kwarto. Hindi naman strikto si mama sa ganitong bagay pero nakalimutan ko kasing mag text sa kanya kagabi at nalowbat na rin ang aking telepono kaya naman napag-alala ko siya ng todo. Hindi na rin ako nag-reklamo dahil alam kong pagod din siya, isang beses sa isang linggo din kasi ang pahinga ni mama dahil siya ang main nurse sa unit nila.

"Ayan na siya." Sambit ni Alexis ng maupo ako sa tabi ni Justine, nagpipigil uli siya ng tawa na ikinairap ko naman.

"Bwiset ka talaga, Alexis. Imbyerna ka sa buhay ko." Turan ko dahil tama nga ang aking naiisip, kwine-kwento ni Alexis ang pagtatagpo namin sa palengke kahapon. Nakita niya kasi akong naka-oversized na itim na sunglasses, plain na T-shirt, at shorts lang, habang ang aking buhok ay buhaghag pa rin at halata ang epekto ng hangover sa aking mukha.

Si Alexis, na hindi makapaniwala sa nakita, agad na lumapit sa akin. "Sel, anong nangyari sayo??" bulong niya sa akin, na halos hindi maalis ang pagtawang pilit niyang pinipigilan.

Muntik ko na siyang mapalo ng patolang hawak ko kahapon.

"Ano ba kasi ginagawa mo dun?!" Naiinis kong sabi sa kanya. "Bakit? Pag mamay-ari mo ba iyong palengkeng yon?" pang-aasar uli ni Alexis, na halatang nalilibang parin sa kahihiyan ko, buti na lang talaga at walang nakakilala sa akin, yung impakto lang na ito.

Kailangan ko na ata siyang, ipatumba.

"Good morning, guys!" Naagaw ang pansin naming tatlo sa kararating lang na si Calixto na may hawak na paper bag saka ibinaba ito sa harap namin.

If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon