01

1K 9 2
                                    

CHAPTER ONE

“IS THAT my grade?” matigas na tanong ni Joan nang ipakita sa kanya ng instructor na si Mr. Alexander Regalario ang kanyang grade. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang markang ibibigay nito sa kanya dahil siya ang nangunguna pagdating sa recitation. “Sigurado kayo r’yan?”

“Oo naman,” kalmanteng sagot ng beinte-singko anyos na in-structor sa Biological Science.

“I don’t deserve that grade,” himutok ng dalagitang bumalik na sa kanyang silya. Mabigat na mabigat ang loob niya. Nasaktan ang kanyang ego at gusto niyang magwala sa galit.

SAMANTALA, nagkibit-balikat lang si Alexander. Balitang-balita sa buong campus kung gaano kataray si Joan. Kapag naagrabyado ito ay kaagad na nakakarating sa principal’s office. Mahusay itong mangatuwiran kaya takot ang mga instructors na banggain siya.

And she was only seventeen years old. Isa pa ay co-owner ang papa nito sa paaralang iyon.

Pero exception ang binatang instructor sa mga natatakot sa dalagita. Gusto niyang ipakita ritong hindi lahat ng tao ay kaya nitong manipulahan.

Nagsimula na siyang mag-discuss sa bagong topic nang biglang tumayo si Joan. “I want you to compute my grade again,” mariin nitong sabi. “I don’t believe I got only two-point-five. It’s very degrading. Ngayon lang ako nagkaroon ng grade na ganyan. Simula nang mag-aral ako ay mataas lahat ang marka ko.”

“It’s not my fault,” kalmanteng sabi ng binata. “But don’t worry, prelim pa lang naman ‘yan. Puwede ka pang bumawi.”

Nagbulungan ang mga iba pang estudyante; at tila hindi iyon nagustuhan ng dalagita. Muli itong naupo pero panay pa rin ang reklamo nito.

“Bakit gano’n ang nakuha ko? Paano ka ba mag-compute ng grade?”

“I’ll explain it to you later, after the class.”

“No. I want it now. Explain it right now,” nag-uutos nitong sabi.

Napatiim-bagang si Alexander. Totoo nga ang mga narinig niya tungkol sa estudyanteng ito. Wala itong modo at wala pang galang.

“Are you sure you want your classmates to hear my explanation?”

“Yes. Explain it and be sure na wala akong masisilip na butas dahil kapag nagkataon ay idedemanda kita.”

Hinamon pa ako. Mataray talaga, naisaloob ng binata. “Later, Miss Yap,” aniya. “Wala ka namang klase after this class, ‘di ba?”

“Do I have to say it over and over again? I said I want to hear it now. Now!”

“Okay. Mababa ang nakuha mo sa exam at alam mo namang fifty percent ‘yon sa total. Ang recitation ay twenty percent lang. Ang quizzes ay twenty-five percent at ang attendance ay five percent. Um-absent ka nang tatlong beses at alam mong two absences is the equivalent of one percent, kaya hindi na five percent ang attend-ance mo. Mabababa lang naman ang nakuha mo sa mga quizzes.”

Ibinigay niya ang mga percentages na nakuha nito. Tama ang computation niya pero galit pa rin ang babae. Ang ine-expect yata nito ay bibigyan niya ito ng favor dahil nga anak ito ng isa sa mga may-ari ng school.

Nang matapos ang klase ay nagpaiwan ito sa loob ng classroom at inaway ang binata.

“Makikita mo kung ano’ng mangyayari sa ‘yo sa ginagawa mong panghihiya sa akin,” anitong pulang-pula ang mukha.

“Makakarating ‘to sa papa ko at tiyak na mapapatalsik ka rito. Kaya kung ako ang nasa lugar mo ay mabuti pang mag-resign na ako.”

Hindi ito pinatulan ni Alexander. Umiling lamang siya.

My Love, My Hero: Regalario | BIANCA ZARRAGOZA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon