Nagpatuloy ang pag-uusap ni Nihle at Oguz. They are now outside their house and going to Oguz and Berke's table. After they got the water that Oguz needed they decided to continue their talk there together with Berke. She found out that Oguz is fun to be with and easy to talk to kind of guy. She became comfortable with him around her. And she likes it very much.
Nang niyaya siya ni Oguz na samahan niya ito at si Berke sa lamesa ng mga ito ay pumayag na siya dahil una, bisita din naman niya ang mga ito at obligasyon niya ang estimahin ang kanyang mga bisita at pangalawa ay nais rin niyang makipagkamustahan sa kanyang dating kababata na si Berke. Hindi sila nakapag-usap ng matagal kahapon kaya ngayun nya na lang kakmustahin ang kababata niya. "Yun lang ba talaga ang rason mo Nihle?" tanong ng isang bahagi ng utak niya na hindi na lamang niya pinansin.
Naglalakad silang dalawa patungo sa mesa na inuukupa nila Berke. At nagulat siya ng makitang kasama na nito ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid pati na rin ang kanyang matalik na kaibigan sa lamesa ng mga ito. Mukhang masaya ang pag-uusap ng mga ito. Medyo namumula na ang mukha ng tatlong lalaki, halatang tinamaan na sa iniinom nitong mga alak samantalang ang kanyang matalik na kaibigan ay panay ang subo ng pulutan ng tatlong lalaki. Namumulutan pero hindi naman umiinom.
Malapit na sila sa mga ito ng makita siya ng kanyang kuya Talha dahil ito at ang kuya Tanner niya ang nakaharap sa kanilang direksyon habang nakatalikod naman sa kanila si Berke at Giselle.
"Prinsesa namin!" tawag sa kanya ng kanyang kuya Talha sabay kaway pa ng kamay nito sa kanya.
Ngumiti siya sa mga ito at napatingin siya sa kuya Tanner niya na nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa lalaking kasabay niyang naglalakad. Medyo kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin ng kuya Tanner niya sa kanya at kay Oguz. Baka kung anu ang isipin ng kanyang nakatatandang kapatid sa pagitan nila ng binata lalo pa at ngayun lang nito nakita si Oguz.
Napalingon na rin ang kanyang kaibigan at si Berke sa gawi nila dahil sa pagtawag ng kanyang kuya Talha sa pangalan nya.
"WAAhhh friend!" ang lukaret na si Giselle na tumayo pa talaga at sinalubong siya sabay bulong sa kanyang tainga. "Friend, mukhang binabakuran ka na ni fafa Oz ha?" sabay tingin sakanya na tila ba kinikilig.
Hindi na niya pinansin pa ang kanyang kaibigan at nagpatuloy sa paglapit a kanyang mga kuya. Hindi pa rin inaalis ng mga ito ang tingin sa kanya at sa lalaking kasama niya. At nang tuluyan siyang makalapit sa lamesa ng mga ito ay inilapag niya ang ulam na dala niya na himalang hindi natapon ng yakapin siya ni Giselle kanina. Sa sobrang kaba nya siguro dahil sa titig ng kanyang mga kuya ay nawala na sa isip niya na may bitbit nga pala siyang mangkok ng adobong pato sa gata. Pulutan daw nila Berke at Oguz dahil maanghang umano.,
"Dude! ang tagal mo namang bumalik, kanina pa kita hinihintay mabuti na lang dumating sila Kuya Tanner at Kuya Talha pati na rin itong bansot na'to at sinamahan ako dito. Kawawa naman ang sad boy friend mo. Alone na nga, lonely pa." mahabang reklamo nito kay Oguz at may pagnguso pa nga.
"Utang na loob dude wag kang ngumuso dyan nagmumukha kang pato at hindi mo kinagwapo ang pagnguso mo." nakangiwing sagot ni Oguz dito.
"Hahahahaha oo nga Berke hindi ka gwapo kaya wag kang ngumuso dyan, ang sagwa mong tingnan." pang-aalaska pa ni Giselle kay Berke.
Umaktong parang gulat na gulat si Berke at may paghawak pa sa dibdib na animo ay nasasaktan "Hoy kayung dalawa ang sasama nyo. Ikaw?" itinuro ni ang kanyang matalik na kaibigan "Gwapo ako sabi ng Mommy ko, eh ikaw? bansot!" pagkasabi nun ay si Oguz naman ang hinarap nito. " Ikaw naman Oguzto kaibigan mo ako baka nakakalimutan mo kung hindi dahil sa akin hindi mo makikita ang Aşkım mo. Ang sama mong kaibigan." parang batang reklamo nito.
BINABASA MO ANG
Aşkım.. You're Mine
RomanceNihleina.. A timid sweet little girl who hates violence. She wants peaceful life and experience true and pure love. Her innocence will attract the guy name Oguz. Oguz may look as a happy go lucky kind of guy but there is more to it than meet the eye...