Chapter 11

343 18 4
                                    

thank you for reading, my loves! 
_

"NA duwag ako at hindi ko pwedeng ipaglaban ang puso ko." Dash quoted that words when Fauna had confessed her feelings. Even if he loved someone else, he would not fight for it because of his duties to his family. Because he obeyed. He followed their orders despite the circumstances.

Iyon ang parating naririnig ni Fauna sa kanyang kapatid, kay Ashemir. Kaya kumbinsido ang lahat na mahal nito si Emerald kasi ayaw nitong sumuway sa pamilya.

Just like this. When his engagement with Emerald failed, his family found replacement, and then Dash as the obedient one approved immediately? Hindi ba sila nag-iisip kung anong kabaliwan ito?

Yes, she liked him. Intensely. But she was so disappointed that he could fake his feelings just so he could obey his family. Ni hindi nga alam ni Fauna kung sino ang totoong babaeng nagmamay-ari ng puso ng lalaki.

She couldn't do this. She would not live her marriage life in fakeness. May pagtingin at pagtangi siya sa lalaki, pero hindi ang lalaki sa kanya. She wasn't a thing to be played. To be faked about. She wasn't a replacement. She wasn't a prize that needed to be achieved in order for one family to be proud of Dash.

And, she would marry the man that loved her and she loved. She would live a life where love sparked and strengthened her marriage, when the time comes. Ngayon, bata pa naman siya. Wala pa sa isip niya iyon.

Ang goal niya ngayon ay makaalis sa lugar na ito na hindi niya nakikita si Dash kasi dismayado siya sa lalaki.

She was spacing out, crying her heart out when someone blocked her from entering the coffee shop where Minty worked in the morning. Nasa bahay nila si Minty nakatira at binibisita niya ito kapag wala siyang klase.

A woman...in her late twenties stared at her for a long time. Ilang metro ang layo nila sa entrance ng coffee shop kaya may malaki silang distansiya. But, Fauna could see clearly the physical features of the lady. The skin color, the shape of the face, her nose, her eyes, and the color of her hair...they were the same like hers.

Namimilog ang kanyang mga mata sa nakikita. The lady wore worn out jeans and simple blouse with unrepaired dirty sneakers.

"Fauna," bulong nito, nanunubig ang mga mata. "Hindi mo ako kilala. Hindi ko gustong makaabala sa'yo o manakot sa'yo, pero nangangailangan kami ng tulong mo. Kakapalan ko po ang mukha ko kahit wala kaming karapatan na lumapit sa'yo sa kalaki ng kasalanan na nagawa namin sa'yo."

Iyong mga kakaibang tunog sa paligid ay nagpabingi sa kanya. Fauna internalized the words being said, and the realizations hit her like a powerful force.

"No..." umiling-iling siyang natatawa sa kabaliwan na ito. "I don't know you. I couldn't help you. You're asking the wrong person."

Fauna walked forward, but the lady moved aggressively to stop her.

"Desperado po ako," umiyak na ito. "Iyong nanay ko ay ang nanay mo. May nilalabanan itong sakit puso. Desi-sais ako nang nabuntis si Nanay Maria sa'yo. Simula pa bata ako ay may dinadamdam na siyang sakit. Hindi ko na dapat sa'yo ito sinasabi kasi maayos na ang buhay mo. Mahal na mahal ka ng mga kumupkop sa'yo. Pero..." humihikbi ito, yumukong bumagsak ang mga luha sa sementadong lupa. "Bago bawian ng buhay si Nanay...gusto kong makita ka niya kahit sa huling pagkakataon. Hindi ka na niya nakita simula nang ipabigay ka niya sa may-ari ng ospital kung saan ka niya ipinanganak. Alam kong hindi mo maiintindihan o mapapatawad man ang ginawa ni Nanay, pero ginawa niya 'yon dahil hindi ka namin kayang buhayin. Simula noong nanghihina na si Nanay sa sakit niya ay napagtanto niyang hindi na namin kaya. Kailangan ka namin ipaalaga sa iba."

Carved Fantasy (Hacienda Alegre Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon