Kabanata 07

205 10 0
                                    

Kabanata 07 - Gayle Uchika Diaz

Lumabas naman kami sa training grounds saka lumiko-liko sa kung saan. After a few minutes ay nakalabas na kami sa parang maze nilang daanan.

"If I were the only here, baka kanina pa ako naligaw.", I heard them chuckled with what I've said. Para naman kaming napunta sa common room ng mga tauhan ni Sol.

"Zip your jacket, Gayle.", sabi ni Lander na sinunod ko naman. All eyes are on us. Siguradong curious silang lahat kung bakit kasa-kasama nila ako.

"Men will always be men.", ani ni Faison nang mapansin nilang they're checking out. Makasabi siya nun akala mo naman hindi siya lalaki.

"You don't have any woman working here?", tanong ko at umiling naman sila.

"You don't have a life outside this 'no?", tanong ko na naman kaya nagsipaglingunan ang mga ito sa akin.

"We're too busy for that.", sagot ni Faison sa akin kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Do you want me to set you up with someone I know?", kung kanina ay tiningnan lang nila ako now they are glaring at me.

"I mean, it's just a kind gesture of me since ang babait niyo naman.", explain ko sa kanila pero umiling lang si Lander.

"We can't do that, maybe after everything's okay.", aniya kaya napaismid ako.

"And when will that be? Next century?", sagot ko sa kanya kaya natawa nalang ulit sila.

"We're fine with what we have now, Gayle. Iyong sarili mo muna alalahanin mo.", ani naman ni Faison kaya tumango ako.

After a while ay nakarating kami sa parang kitchen nila. Malawak din ito halos kasing laki na rin nung kwarto namin. Inilibot ko naman ang tingin and kompleto sila sa gamit. They also have tables here, four to be exact.

"Wala kayong tagaluto dito?", tanong ko sa kanila.

"Wala, sa 20th lang meron.", tumango naman ako saka tumungo sa refrigerator para tingnan if may maluluto ba. And to my surprise, may mga karne, gulay and iilang condiments for cooking ang naroon. Puno ang refrigerator nila pero pansin kong may iilang malapit nang masira.

"Anong kakainin niyo?", tanong ko sa kanila at binuksan naman ni Lander iyong cabinet sa taas at naroon ang mga instant noodles.

"May rice kayo dito?", tanong ko ulit at may tinuro naman si Faison.

"Do we still have time? I can cook for you.", sabi ko at agad-agad naman silang dalawa tumango saka napatayo.

"Talaga?", parang bata sila na nagtatanong sa nanay.

"Oo, kaya magsiupo kayo ron.", sinunod naman nila ako kaya agad naman akong kumuha ng bigas para magsaing. Kinuha ko naman ang manok saka pork.

Kinuha ko naman iyong apron na nakasabit sa gilid na mukhang hindi nagagamit. I started to cut the veggies after making the marinade of the pork and chicken. I'll be cooking teriyaki spicy fried chicken and pork menudo. 11am pa naman so if I'll do it fast, we can eat around 12pm.

* * *

Some of the men went inside the kitchen at nakitang nagluluto ako so they asked me if okay lang ba raw humingi. And of course, who I am to say no? Tapos na ako magluto at titikman na nila ang mga niluto ko. Unang tinikman ni Lander ang chicken while si Faison naman sa menudo. Everyone went silent when they start chewing. Para na silang nag-aasmr dahil rinig na rinig ang pagnguya nila sa sobrang tahimik.

"Holy sh*t, Gayle! Ang sarap!", sabay silang dalawa ni Faison na napatayo.

"Matagal-tagal na rin nung huli kami makakain ng ganto kasarap!", parang baliw na sabi ni Lander kaya lumapit na rin iyong iba at nakitikim. Hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa dahil ang o-oa ng reaction nila.

"Magsikuha na kayo ng plato, we have rice there oh.", sabi ko at nagsipagsunuran naman sila. Nakita ko namang kumuha ng lunchboxes si Faison.

"Para saan iyan?", tanong ko kaya tumingin ito sa akin.

"Kay boss, baka maubusan siya.", sagot niya sa akin kaya natawa nalang ako. Inabutan naman ako nung isa nilang kasamahan ng coke.

"Thank you.", pasasalamat ko sa kanya at tumango naman ito. Nagkwentuhan lang sila habang ako naman ay nakikinig lang. Sinabihan ko rin sila na pwede namang lutuan ko sila from to time. Sabi nina Faison ay tatanungin daw muna nila si Solistaire.

Pare-parehas kaming busog habang naglalakad kami pabalik sa training grounds. Napahikab pa ako kaya napatingin sa akin si Lander.

"Inaantok ka?", tanong niya kaya tumango naman ako. Agad din akong humiga sa may bench habang sila ay umupo sa may paanan ko.

"Shooting lang naman siguro ang ipapakita ko ngayon 'no? Parang hindi ko magalaw ang katawan ko sa sobrang busog.", sabi ko kaya natawa silang dalawa.

"Yes, we think so. Baka matagalan pa si boss kaya pwede ring umidlip ka muna.", sabi ni Lander which I obliged.

"Punta muna ako sa taas kukuha lang ng shirt. Bantayan mo muna iyan.", rinig kong may nagsabi but I couldn't care less inaantok na ako.

* * *

I could feel that someone's looking at me kaya bahagya akong gumalaw. Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata nang maalala kong nasa training grounds ako.

"Sh*t!", napamura pa ako nang makita ala una media na.

"Sorry, nakatulog ako.", sabi ko nang makitang nakatayo at nakatingin sa akin iyong boss nila sa harap.

"It's fine, we've just finished the food that you cooked.", kaswal na sabi nito kaya inilibot ko naman ang tingin at may nakita naman akong dalawang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Tumayo naman ako saka sila nginitian.

"Hello, hija. I am Luigi, his driver.", ani nung isa na may katandaan. I think he's already in his 50's.

"And I am Cairo, the head of his security.", pakilala naman nung mas bata. Parang kaedad lang nina Faison but a little older.

"I'm Gayle, it was nice meeting you.", sagot ko saka nakipag-shake hands.

"We're glad that we have you here. And we really love the food. You have a talent in cooking.", sabi nung Luigi so I thanked him. Lumingon naman ako kay Sol na nakatingin lang sa akin.

'Ayan na naman iyong blankong tingin niya.'

"Let's go to the shooting range.", anunsyo niya saka nagsimulang naglakad kaya sumunod na rin kami. Sa may di kalayuan ay nandun iyong lunchboxes na pinaglagyan ni Faison ng pagkain.

Napatitig naman ako sa likuran ni Sol.

Kasali rin kaya siya sa kumain?

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon