TFHAF 7 - Guy in Doctor's Suit

778 40 43
                                    

TFHAF 7 - Guy in Doctor's Suit

3rd Person's POV

[Ugh, why the hell am I still blushing?]

[Sana pala hindi ako nagpaka fangirl sa Hospital kanina.]

[Nagsisisi ako hays.]

[Ugh makapag spazz nalang bago matulog.]

[Pero banat ba yung binulong niya sakin kanina?]

[Ugh]

[Ayoko mag assume. Mas ok pang magpaka fangirl at malaman mong in a relationship na ang bias mo kesa sa mag assume na gusto ka ng isang tao tapos hindi naman pala.]

[Naalala ko tuloy ang walanghiyang si Eevo.]

[Ugh why am I mentioning that bastard! Na ang alam lang ay magpafall.]

[Ugh Suho give me some good vibes.]

Natatawa si Senon sa pagbabasa ng mga tweets ni Marseille pagkauwi niya.

Nabanggit pa ni Marseille ang lalakeng unang nanligaw sa kanya pero pinaasa lang pala siya.

"You're getting my hints Marseille, I need to continue this cause I'm at my momentum. No more holding back." sabi ni Senon at naalala niya yung mga panahong sobrang bitter ng mga tweets ni Marseille dahil doon sa Eevo na iyon.

[He saw me dancing! Nakakahiya talaga!]

"She's so cute when she's ashamed and shy." para bang nirereplyan ni Senon ang bawat sabihin ni Marseille.

"Huy Oppa! Sumayaw talaga siya?" usisa ni Suzy at inilabas ni Senon ang phone niya.

Tinipa niya iyon at nanlaki ang mga mata ni Suzy sa nakita.

"Hahaha! Para siyang tuod sumayaw!" natatawang comment ni Suzy at tiningnan siya ng masama ni Senon.

"Joke lang! Ito namang si Oppa! Basta Xiumin Merchandise ko hah? Don't forget." masayang paalala ni Suzy at lumabas na siya ng kwarto ni Senon.

[Slowly, I'll be your bias.]

Napangiti si Senon sa tweet niyang iyon. Napagpasyahan niyang matulog na pero nagtweet pang muli si Marseille kaya naman tiningnan niya muna iyon.

The Fangirl Has a FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon