"Pards!" tawag sakin ng bestfriend ko.
"Kilala mo si Mika diba? Classmate mo siya diba?" tanong niya
"Yung singer na chinita ba?" sabi ko sa kanya na di man lang lumilingon sa kanya kasi busy ako sa paglalaro ng COC.
"Oo yun nga!, diba classmate mo siya? Pakilala mo naman ako. Sige na Pards oh!" pangungulit niya.
"Ewan ko lang ah! Mukhang maarte yun tyaka alam mo naman ako allergic sa mga maaarte" pagtanggi ko.
"Pards naman oh! Sige na please! please!" sabi niya sabay yugyog sakin.
"Ay ang kulit naman oo .. Oo na nga. susubukan na.!" pagsang ayon ko]
"Yes ! Thank you Bestfriend! Lakas ko talaga sayo!" sabi niya sabay yakap sakin.
"Umoo na ako diba? Pwede mo na akong bitawan at naglalaro pa ako! Kulit!" pagtataboy ko sa kanya.
"Ito naman nilalambing lang eh! " sabi niya habang di pa rin umaalis sa pagkakaakap sakin.
"Naglalaro nga kasi ako diba? Pag ikaw di pa dyan umalis babawiin ko sinabi ko sayo ." pagbabanta ko sa kanya.
"Oo na po aalis na ito na oh!Basta ha wala ng bawian!" sabi niya sabay takbo paalis.
Hayyy! Kung alam lang niya kung bakit pagdating sa kanya eh di ako makatanggi. Btw ako si Jackie Santos at yung kanina bestfriend ko na palihim ko ring minamahal sa mahabang panahon si Jerome Gil, captain ball ng basketball team namin. Hayy buhay nga naman parang life. Akalai niyo sa lahat pa ng pwedeng mahalin yung bestfriend ko pa? Pero ganun siguro yun hanggang bestfriend lang ata talaga kami. At kailangan ko yung tanggapin para na rin sa kaisasaya namin pareho.
*BASKETBALL GAME*
May laban ang basketball team namin ngayon. Kaya ito ako todo suporta sa kanya. kahit kailan talaga magaling ang Pards ko kaya sa huli ito panalo kami. Lalapit na sana ako sa kanya para icongratulate siya kaya lang bigla akong napaatras ako. Masaya kasi siyang nakikipagkwentuhan kay Mika. Kaya umalis na lang ako.
*BAHAY*
Habang nagpapahinga ako biglang may kumatok na agad ko namang pinagbuksan ng pinto. At syempre sino pa ba kundi si Jerome.
"Oh! Pards Napadalaw ka?" tanong ko sa kaya pero imbes na pansinin ako eh aba dirediretso ang loko sa sala.
"Oh anong mukha yan? Para ka namang biyernes santo." pagtatakang tanong ko.
"Eh panu ba naman kasi yung Pards ko na kaisaisa kong bestfriend eh di man lang nanuod" sabi niya.
"Nanuod kaya ako! Nandon lang ako sa gilid noh! Kita ko pa nga yung sunod sunod mong 3 points eh" sabi ko sabay aktong nagshoshoot ng bola.
"Nandun ka pala Eh bakit di ka man lang lumapit para icongratulate man lang ako" sabi niya.
"Busy ka po kasi" sabi ko sabay tabi sa kanya sa upuan.
"Pagkatapos ng game busy? Sabihin mo lang busy ka sa boyfriend mo!Ipinagpalit mo na kasi ako." pagtatampo niya.
"Wala akong kasama noh! Gago ka rin eh! May kausap ka kasi nun kausap mo si Mika. Ayoko lang talagang sirain ang diskarte mo kaya umalis na ko." sabi ko sa kanya.
"Ganun ? Pero kahit na noh! Pag gusto may paraan! kaya wag mo akong pansinin!" pagtatampo niya
"Huwag mo nga akong daanin sa mga ganyan mo! Oh bakit? Ano kailangan mo ! PARA PANSININ MO AKO!" sarcastic kong sabi
BINABASA MO ANG
I Love You (one shot)
Short StoryA One Shot story of a bestfriend that secretly loving each other.