C'21

33 3 0
                                    

Chapter 21

“Pasensya nga pala sa mga pinagsasabi ng kapatid ko kanina” nahihiyang paghingi ko ng paumanhin sa lalaking katabi ko ngayon habang wala sa sariling nakatingin sa labas ng bintana, narito ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at pauwi na kami ngayon.

Hindi na ako nakapag-paalam pa ng maayos kay mama dahil sa nagmamadali akong makaalis, ang imbes na masayang pagbisita ko sakanila ay napalitan ng pagkainis dahil sa hindi matigil-tigil ang bunganga ng napakagaling kong kapatid.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko ngayon pero hindi ko parin siya nililingon “Nah, it's okay. It was fun to hang out with your family, but I wish I have also the chance to meet your little brother and your father but I think that can wait” saad niya kaya tumango tango lamang ako at hindi na sumagot pa.

Naalala ko pa kase yung sinabi ni mama sa akin na wala pang heart donor si Zori, gusto ko siyang bisitahin ngayon pero sa susunod na araw na lamang dahil kasama ko pa ngayon si Stefano...hindi naman sa ayaw ko siyang isama pero alam ko kung gaano kalakas ang pang-amoy ni papa at baka hindi tatalab sakanya yung kasinungalingang sasabihin ko...atsaka ayaw kong madagdagan pa yung mga kasinungalingang pinagsasabi ko sakanya kaya mas mabuting hindi ko muna papalalain itong sitwasyon na ito.

Napansin siguro ni Stefano ang pananahimik ko kaya basta na lamang niya akong pinansin.

“Is there any problem?” nag-aalala at nagtatakang tanong niya dahilan para lumingon ako sakanya at ngumiti bago umiling-iling para ipakaita na wala kahit na meron naman.

Ngumiti ako pero hindi kasing tamis ng ipinapakita kong ngiti “May iniisip lang” sagot ko at agad na iniiwas ang tingin sakanya at ibinalik ang atensyon at tingin sa labas ng bintana.

“Is this all about finding a heart donor for your little brother?”

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napalingon ako sakanya pero kampanteng mukha lamang niya ang nadatnan ko habang nagmamaneho sa manibela.

Agad na kumunot ang noo ko “P-Paano mo nalaman? N-Nakikinig kaba sa usapan namin ni mama kanina?” bintang ko dahil hindi naman niya malalaman kung hindi siya nakinig o nakiusisa.

Mabilis naman siyang umiling-iling “I didn't. It's just I was about to enter to your house but unfortunately I heard you and your mother are talking about something like this heart donor thing and as a sign of respect I immediately leave because I know it is bad to eavesdrop some kind of confidential conversation” pagpapaliwanag niya pero hindi ko naman siya papagalitan dahil may narinig siya sa usapan namin ni mama ang importante ay alam niya kung papaano rumespeto ng privacy.

“Anong namang ginawa mo sa mahabang pananatili mo sa labas ng bahay namin?”

Ngumiti siya at sumulyap sa akin bago ibinalik ulit ang tingin sa daan “Playing with your little sister and your cute smelly dog” natatawang sambit niya pero agad akong natigilan sa sinabi niyang smelly.

Si Junju, mabaho?! Imposible?! Parati ko kayang pinapaliguan ang asong iyon– Teka!

Huwag mong sabihin na...argh! Malilintikan talaga yung batang yun sa akin kapag umuwi ulit ako.

Papaluin ko na talaga siya.

“Hindi ka nakukulitan sa kapatid ko?” naghihinalang tanong ko pero ngingiti lamang siyang umiling-iling, bago mapawi ang kanyang matamis na ngiti at napalitan ito ng tipid at hindi gaanong abot hanggang sa mata ang ningning nito.

He sighed like a flood of memories just came and barged in “Nakikita ko sa kapatid mo yung kapatid kong babae” sambit niya pero may kakaiba akong narinig mula sakanyang boses, hindi ko lamang matukoy kung ano ito atsaka– ano daw?! Kapatid?!

Married To A Monster Where stories live. Discover now