Chapter 23
“Stefano” agaw-pansin na tawag ko. Napasulyap naman siya pero saglit lang dahil nagmamaneho siya.
“Yes?”
Inisip ko kung kailangan ko pa bang tanungin o hindi na pero bahala na nga.
“Hmm, kailangan bang maging sweet tayo sa harapan ng Lola mo?” nahihiyang tanong ko pero proud parin ako sa sarili ko at natanong ko.
Mahina naman siyang napatawa dahil sa tanong ko pero sumagot rin naman “Aren't we sweet enough?” he gently asked.
“Hindi”
Mukha naman siyang natigilan sa sagot ko dahil napasulyap pa siya sa akin. Napalingon narin ako sakanya, ang kanyang mukha ay naging seryoso at nawala rin ang mga emosyon sakanyang mga mata.
Nakapagpraktis narin naman ako sa bahay niya, tungkol sa mga isasagot ko sa posibleng itatanong ng lola niya mamaya.
Pero sa totoo lang kinakabahan ako, dahil baka makalimutan ko yung mga prinaktis ko na kagaya na lamang ng...
Kung saan ba kami unang nagkita, syempre sa isang sikat na café daw...love at first sight.
Kung sino daw ang unang lumapit, syempre imbes na ako, ipinagpilitan ko na siya...syempre siya yung lalaki...alangan namang ako yung unang lumapit...eh babae ako.
Kung ilang araw, buwan, at taon na daw kaming magkakilala, syempre tatlong taon daw...tsk, ibinase pa kung ilang taon naging sila ni Gwyne.
Kung nanligaw daw ba siya, syempre hindi pero magsinungaling ako na ‘oo’ daw.
Kung kailan naging kami, na kung saan kailan din daw yung anniversary namin, August 24 daw kung kailan naging kami at kailan namin ipinagdiriwang ang anniversary naming dalawa atsaka espesyal yata sakanya yung araw na iyon.
Kung kailan niya ako inalok na magpakasal, tsk, syempre hindi naman niya ako inalok in very romantic way kase basta-basta lamang niya akong inalok na magpakasal ng biglaan at take note para lamang sa pera.
Kung ano ang paborito niya at paborito kong kulay, siya ay black at ako naman ay fuchsia.
Kung ano ang paboritong pagkain ng bawat isa, ako chop suey...siya naman ay caldereta.
Kung ano ang paborito naming palabas, syempre yung The Conjuring yung suggest niya pero ipinagpilitan ko yung The Suicide Squad pero sa huli siya parin ang nanalo kaya ‘The Conjuring’ yung parati raw naming pinapanood na palabas.
Kung sino daw yung mas sweet– ako syempre dahil napaka-obvious naman na hindi siya sweet kundi bitter.
Ang dami pang tanong na kailangang kabisaduhin yung sagot kaya marami akong dapat alalahanin, at memoryahin.
Ang dami nga kaya medyo nahirapan pa ako pero okay pa naman ako. Keri pa naman.
“Then we need to act sweet infront of my grandma” nababagot na sambit niya kaya tumango na lamang ako.
Mahigit isang oras yung biyahe namin hanggang sa narating nga namin ang bahay ng mama lola niya raw. Sadyang malayo nga talaga ang lugar nila kaya umabot pa ng isat't kalahating oras ang biyahe. Pagpasok namin mula sa malaking gate ay una kong nasilayan ang malaking fountain sa gitna. It was beautiful and amazing at the same time.
Gusto ko tuloy maupo nalang sa gilid at panoorin ang pagdaloy ng tubig hanggang sa gumabi na ng tuluyan.
Napatigil ako at napatingin sa paligid, a bushes caught my attention because they were trimmed enough, enough to see their beauty.
YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...