C'27

30 4 6
                                    

Chapter 27

Nakatingin lang ako sakanya, blanko ang mga mata at nakatikom ang bibig. Ganun din siya sa akin, nakatingin rin na walang emosyon sa mga mata.

Para kaming mga tanga na nakatingin lang sa isa't-isa, walang gustong magsalita, walang gustong umimik.

Hanggang sa siya na mismo ang pumutol sa nakakabinging katahimikan na namumutawi sa pagitan namin.

“Are you hungry?”

Blanko parin ang mga mata kong nakatingin sakanya “Hindi”

“Are you sure? I cooked some food and I know–”

“Hindi ako gutom” pagputol ko.

Nakita ko ang saglit na pagkagulat sakanyang mga mata pero agad rin siyang nakabawi at mahinang tumango-tango.

“I see” saad niya “So what do you want to do?” tanong niya ulit dahilan para mainis ako.

“Mapag-isa at matulog” huling saad ko bago ko siya sinarahan ng pinto medyo napalakas pa yata.

Nanghihina namang napasandal ako sa pintuan. Ang totoo niyan ay kagabi pa ako gutom pero dahil sa nandito parin siya at hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon ay mas titiisin ko na lamang ang pagkulo ng tiyan ko kaysa pakiharapan at makipagplastikan sakanya.

Naalala ko parin yung sinabi niya sa akin kahapon, at kailan man hindi yun maaalis sa isipan ko.

Alam kong masyado akong OA pero sa buong buhay ko, wala pang nakapagsasabi ng ganung bagay sa sakin.

Pati nanay ko hindi pa ako sinabihang mukhang pera. 

Nanghihina akong nagtungo sa kama ko at napahiga. Masyado parin akong nahihiya sa nangyari kagabi dahil sa hindi ako tumanggi bagkus ginusto ko pa ito.

Wala namang mali sa ginawa namin dahil mag-asawa kami pero wala sa kontrata na pwede naming gawin ang bagay na iyon.

What should I do now?

Paano ko siya haharapin? Paano ko siya pakikitunguhan, at paano ko makakalimutan yung nangyari?

Ugh! This is it! Unthinkable actions always results an unexpected consequences. 

Ayaw ko na talagang maglasing. Bukod sa kahihiyang ginawa ko kagabi, yung sakit ng ulong dulot ko kay Marvie, ang sakit-sakit pa ng ulo ko ngayon. Parang gusto ng mabiyak sa sobrang sakit, para akong nakaka-experience ng brain tumor stage three. 

Kailangan ko yatang uminom ng gamot ngayon.

Kahit paracetamol lang ayos na.

Basta mawala yung sakit.

Hindi ko alam kung kaya rin ba ng paracetamol na tanggalin yung sakit at bigat sa loob ng puso ko.

Huminga na lamang ako ng malalim at napapikit pero sakto namang tumunog ulit yung sikmura ko pahiwatig na nagugutom na talaga ako.

At ng hindi ko na matiis ay napagdesisyunan ko ng bumaba pero inayos ko muna ang sarili ko at nagpalit ng damit dahil ayaw kong bumaba na parang isang nagahasa dahil sa itsura ko.

Bahala nalang kung andiyan pa siya, ang importante ay makakain ako at magkalaman itong tiyan ko. Napatingin naman ako sa maliit na orasan na nakapatong sa side table at muntik ng lumuwa ang mga mata ko ng makita kong alas onse na ng umaga, at malapit ng mag alas dose.

Ganun na na kahaba yung tulog ko?!

Kaya pala nakakaramdam ako ngayon ng sobrang pagkagutom.

Umiling-iling na lamang ako at ng naayos ko na ang sarili ko ay tinext ko muna si Marvie para batiin ulit ito ng happy birthday dahil ngayong araw naman talaga kaarawan niya at nag-advance celebration lang kami kahapon. Sinabi ko rin na nakauwi ako ng maayos at humingi ng pasasalamat at kapatawaran sa pinaggagawa namin nina Lester, kung nakagawa man kami ng kahihiyan.

Married To A Monster Where stories live. Discover now