Chapter 31
“Mahal na din yata kita”
Ramdam ko naman na natigilan at nanigas ang katawan niya, at nakita ko ang saglit na pagdaan ng kakaibang emosyon sakanyang mga mata. Bahagya ring nakaawang ang mapupulang niyang labi.
Pero agad rin siyang nakabawi makalipas ang ilang minuto.
Sumeryoso ang kanyang gwapong mukha “A-Are you sure? I don't want you to get pressured to love me back because I confessed that I'm inlove with you...you know loving someone takes time–”
Hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin niya ng mabilis pa sa alas kuwatrong siniil ko siya ng halik, he was stunned I felt that but after a couple of seconds he kissed me back.
Nakatingkayad ako dahil sa matangkad siyang tao kaya medyo nangangalay na ang mga paa ko.
Agad kong inihiwalay ang mga labi ko at muntik pa niyang habulin ito pero mabilis akong nakalayo.
“Sa tingin ko mas nauna pa akong nahulog kaysa sa'yo...hindi ko lang sinasabi pero mahal na talaga yata kita” natatawang sambit ko.
Nakita ko naman kung papaano sumilay sakanyang mapupulang labi ang isang matamis na ngiti.
Hinapit niya ang bewang ko at siya naman ngayon ang yumuko para siilin ako ng halik. Napangiti ako at buong pusong tumugon sa halik na kanyang iginawad.
Hindi ko alam pero ang saya-saya ko ngayon, parang pakiramdam ko nakalutang ako sa mga ulap.
Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal?
Masaya at walang ibang iniisip kundi ang taong minamahal nila.
I never felt this happy and contented before.
Ang lahat ng takot na bumabagabag sa akin at mga pag-aalinlangang lumulukob sa pagkatao ko ay nawala magmula ng makilala ko si Stefano, magmula nang dumating siya sa buhay ko.
Siya ang kauna-unahang taong nagtulak sa akin para sirain lahat ng pader na nakaharang para maranasan ko kung papaano maging masaya ng totoo, na paano maging masaya ng hindi lamang ng dahil sa pamilya mo kundi pati narin sa sarili mo.
Lahat ng agam-agam ko tungkol sa pag-ibig ay nawala, naglaho at nabura.
Dahil sa pagmamahal na ipinaparamdam ni Stefano sa akin.
And I can finally say.
I fell inlove with him, with my husband.
***
Sa ilang araw na nagdaan, mas lalo kong nakikilala si Stefano...lumalabas narin kung ano ang tunay niyang pagkatao.
Mas lalo siyang naging sweet, malambing, mapag-alaga, maalalahanin at nakakatawa mang isipin pero sumobra rin yata siya sa pagiging corny at cheesy.
Palagi niya kase akong binubusog ng mga mabubulaklaking mga salita.
Sa puntong napapatawa na lamang ako at nagpipigil ng pagtili dahil sa sobrang kilig na nadarama.
Abala naman ako sa pagtitimpla ng kape nang maramdaman kong may mga barasong pumulupot sa bewang ko, bigla naman akong napangiti at napailing-iling.
Maglalambing na naman.
Naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat at marahang hinahalik-halikan ang leeg ko, patungo sa balikat ko.
Naramdaman ko naman ang kamay niya na kung saan saan napapadpad. Agad ko itong tinapik ng muntik na niyang hawakan ang dibdib ko.
YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...